I found out what love is today. I found out that love is looking to someone, hoping that they would look back. Love is smiling at someone wanting them to smile at you. Love is loving someone, even when they don't return it. And i found out that im inlove with you, babe.
Nakakainis talaga. Gustong gusto ko syang makita. Kinuha ko yong phone ko na nasa bag ko at ni-dial ang number nya.
Kainis! Nakaoff ang phone nya.
Haixt ano ba yan?! Sobrang miss ko na sya agad eh. Asan kaya yon?
May lumapit sakin na babae. Student din sya sa school na to.
"Miss si Ryan ba ang hinahanap mo?" Tanong nya sakin. Paano nya nalaman? Ganun naba talaga ako ka obvious??
"Ah eh Oo eh."
"Ngayon kase yong final review nila sa makati eh."
"Uh?? Ngayon naba yon?" Tumango sya bilang sagot. Ngayon ba yon?
Napatampal nalang ako sa noo ko. Oh shit oo nga pala.
February 12 nga pala ngayon.Then bukas na yong laban nila para sa tagisan ng talino. Bakit di ko agad naisip yon? Dahil ba si Ryan lang ang laman ng utak ko?
"Ah sige miss thank you so much sa pag inform...." Kinuha ko yong gamit ko na nasa ibabaw ng table.
"Thank you so much ulit. Janina Monique nga pala. And you?" sabay lahad ng kamay ko sa kanya.
Tinanggap naman nya yon.
"Bejain Fabro. Jhane for short." Pakilala naman nya sa sarili nya.
"So friends???" ani ko
"Friends." yon lang at sabay pa kami tumawa. Feeling ko magkakasundo kami nitong isang to.
"Sige sige sige i have to go.. Alam mo na baka maunahan." Joke ko.
Nagwave ako sa kanya at umalis para pumunta sa makati.
Sa taxi palang sobrang excited na ko na makita sya. Di ko pa man sya nakikita pero ang bilis na ng tibok ng puso ko.
Pagkababa na pagkababa ko palang ng taxi hinanap ko agad kung san banda sila nagrereview. Hindi naman ako gaanong nahirapan sa paghanap kase pumunta na rin ako dito nung last time na nagreview sila.
Dito palang sa hallway rinig ko na yong ingay sa loob ng room kung san sila nagrereview.
Mukhang kakatapos lang nila magreview.
Pagpasok ko sa room agad naman nahagip ng mata ko si Ryan. Iba talaga pag mahal mo. Tinalo mo pa yong kalabasa, malayo palang kita mo na agad yong mahal mo.
But fuck!!! Katabi nanaman nya yong Ms. engineering na yon?!!!! Shit!! Shit shit shit talaga. Nakakainis huh.
Andito pa rin ako sa pinto at titig na titig sa kana. Sumali lang yang Pinky na yan sa tagisan dahil kay Ryan. Wala naman syang brain huh. Nakakainis. Nakakainis talaga. Oo hindi kami ni Ryan pero shit mahal ko yang nilalandi mo.
Lumapit ako sa kanila.
"Hi babe!!" pag agaw ko ng atensyon nila. Kahit yong ibang student napatingin din sakin.
Agad na lumingon si Ryan.
Lumapit naman ako kay Ryan
"Ano nanaman bang ginaga----" alam kong inis nanaman sya na makita ako pero di ko na sya pinatapos sa sasabihin nya.
"May ibibigay kase ako sayo." sabi ko sa kanya habang kaharap ko sya.
Agad ko syang hinalikan. Hinawakan ko ang batok nya para idiin ang halik ko.
Alam kong nagulat sya sa ginawa ko.
Ganun din si Pinky pati na ang ibang estudyante na narito.
Kahit ako... Hindi ko alam kung bakit yon pa ang naisipan kong gawin.
Natigilan silang lahat. Tumalikod ako at nagmadaling umalis.
Alam kong sobrang nakakahiya yong ginawa ko. Pero di ko talaga mapigilan eh kahit na alam ko na FIRST KISS KO YON.
****
Merry Christmas guys :)
Bugsssshhh kabogssss!!
YOU ARE READING
My Unrequited Love For Him
Teen FictionLove is so ironic... sabi ng iba. Mahal mo pero di ka mahal. Mahal ka pero di mo naman mahal. Nagpapakatanga ka sa kahahabol don sa taong mahal mo, di mo alam may tao rin palang nagmamahal at naghahabol sayo. Paano kung mapagod ka sa kakahabol don...