Dedicated to: Yixinggg_
Thank you sa pagdaan sa wall ko :)***
Monique's POVSuper duper nakakapagod tong araw na to. Sayang lang kase di sila ang nagchampion. Pero okay lang, para sakin si Babe Ryan parin ang pinakamatalino sa kanilang lahat.
Okay okay okay.By the way, I've got a new friend again. He's my first guy friend. Actually ayoko talaga ng friend na lalaki pero nung time na umiiyak at sobrang nasasaktan ako sya yong lumapit sakin para pagaanin yong loob ko kahit na sa simpleng panyo lang yon.
***
I am here at Diamond mall.
Bibilhin ko lahat ng pwedeng bilhin para kay Ryan. I want to surprise him. I will make my day so special with him.
Bumili ako ng mga gagamitin ko para sa pag bake. Naghanap narin ako ng recipe. Sana magustuhan nya.
Umuwi ako ng bahay ng 8pm. Sobrang boring kase wala sila mommy and Daddy. Si Baby couz naman may field trip. Haixt si yaya lang ang kasama ko dito sa bahay. Si yaya lang ang kasama ko na magcecelebrate ng birthday ko. Tsss! February 14 na bukas. Kinakabahan ako dito sa gagawin ko. Confession to Ryan...Again?
Kumuha ako ng isang Pink na cartolina at pinuno ko iyon ng notes para kay Ryan. Nilagyan ko narin ng designs. Dito mo makikita lahat ng gusto kong sabihin sa kanya. Sana lang basahin nya... Todo effort ako ngayon, super duper special kase nito at syempre super duper special din ang pagbibigyan ko.
Mga 11:45 pm din ako natapos dito sa pagdesign. After nun inopen ko naman yong cellphone ko at ang daming advance greetings sakin. Yong bestfriend ko naman na si Kathleen ginawang diary tong inbox ko dahil sa haba ng message nya sakin. Pero kahit ganun sobrang natouch ako sa ginawa nya at sa message nya. Isa isa ko silang nireplyan after nun natulog na ko. Kelangan kong gumising ng maaga kase magbabake pa ako.
***
Kringgg kringgggg
Kringgg kringggggExact 6:00 am tumunog yong alarm clock ko.
"Thanks God for another day.. And thank you for giving me another chance to enjoy this blessings. Amen." Nagsign of the cross ako then nag unat.
I go to cr for my Morning routine. Nakakahiya naman kase kung lalabas ako na baka may muta at laway sa labi.
After ko gawin ang morning routine ko bumalik ako sa kama at umupo sabay salumbaba.
"Haixt miss ko na sila. Kung bakit kase mga busy sila eh." ang tamlay naman. Birthday na birthday ko pa naman ngayon tapos wala sila. They don't even greet me.
"Haixt nakakapagtampo talaga," malungkot kong sambit sa sarili ko.
"Makapag bake na nga lang."Pagbukas ko palang ng pinto katahimikan agad ang bumungad sakin. Asan naman kaya sila? Asan sila yaya?
Pumunta ako sa dining kaso wala sila. Lumabas ako para tingnan sa garden kaso wala rin sila don.
Umupo ako sa bench dito sa gilid ng garden.
"Ano ba yan! Asan ba sila yaya? Makapag bake na nga lang." Birthday na birthday ko tapos wala sila?
Tumayo ako at naglakad papunta sa kitchen.
"Bakit ang dilim?" Nakakainis talaga sila yaya. Iniwan ako mag isa dito.
I turn on the light.
"SURPRISEEEEEE!!!!!!!!!!!!!!"
"Ow em!" Muntik na akong maiyak sa saya.
Lahat sila nandito. Lahat sila sinurprise ako. Si mommy, si daddy, si jannessa at pati narin sila yaya.
"Happy happy birthday ate Monique." sabi ng baby couz ko sabay beso. Inabot din nya yong regalo nya para sakin.
"Thank you baby couz."
"Happy birthday baby." si Mommy naman ang bumati sakin. At hinalikan nya ko sa pisngi.
"happy birthday to my only baby girl. I love you baby." si Daddy na laging busy sa work pero andito sya mismo sa special na araw ko.
"I love you daddy.. And to you mommy," nagsisimula ng pumatak ang luha ko dahil sa saya. "Thank you both for everything." I didn't expect this. I didn't expect that they will surprise me. I was surprised.
"Happy birthday po mam." Sabay sabay na bati nila yaya habang hawak yong ibang handa.
"Thank you yaya, akala ko tinaguan nyo na ko eh." Joke ko sa kanila eh. Tumawa naman sila.
"Plano to lahat ng daddy mo baby." sabi ni Mommy. Napatingin naman ako kay daddy na nakatawa.
"Thank you so much po daddy." Niyakap ko sya at hinalikan sa pisngin.
"Your welcome baby. Alam ko kase na lagi nalang kaming busy ng Mommy mo kaya ito babawi kami ngayong araw ng birthday mo." Happy birthday and Happy Valentines day baby." Si daddy na marunong din pala magdrama.
"Sige na baby buksan mo na yang mga gifts mo." Sabi ni mommy. Pumunta ako sa dining para doon buksan yong mga gifts at nagsisunuran naman sila.
Napuno ng tawanan ang buong dining dahil sa mga regalo nila. Pati sila yaya may inihanda rin palang mga regalo para sa akin. Manang nora na nagregalo sakin ng Panty, infairness branded yong panty. Si ate sabel na nagregalo ng Teddy bear. Maliit lang yong teddy bear pero sobrang naappreciate ko. At si yaya Abeng na nagregalo sakin ng Doll shoes. Sobrang saya kahit na alam kong binili lang nya yon sa divisoria. Di naman ako nag inarte pa kase alam ko na yon lang yong kaya nilang ibigay. Ako kase yong tipo ng tao na masaya kahit na sa maliit na bagay lang.
"So baby, you're already 19 years old, ready kana bang ipakilala samin ng daddy mo ang suitor mo?" Tanong sakin ni Mommy. Matagal na nilang gusto na magkaboyfriend ako eh para naman daw magmatured ako ng konti. Hindi naman sa pinipilit nila ako magboyfriend, excited lang talaga sila. Si Ryan kase eh pakipot pa.
"Sure ako Mom mamaya makikilala nyo na sya." Ngiting ngiti kong sabi.
"Magpaparty na ba kami baby mamaya? Invite mo mga friends and classmates mo." Suggest naman ni daddy.
"Wag na po Dad. Pambata lang yon eh. Remember 19 years old na po ako." sagot ko naman.
After ng kasiyahan sa dining prenipare ko na yong mga gagamitin ko para sa pag bake. Sobrang excited na ako.
Continuation--->
***
UNEDITED01/03/15
YOU ARE READING
My Unrequited Love For Him
Teen FictionLove is so ironic... sabi ng iba. Mahal mo pero di ka mahal. Mahal ka pero di mo naman mahal. Nagpapakatanga ka sa kahahabol don sa taong mahal mo, di mo alam may tao rin palang nagmamahal at naghahabol sayo. Paano kung mapagod ka sa kakahabol don...