Sorry kung late update..
Binabagyo ang bicol eh hehe :)
-----After 9 years nakauwi rin ng bahay. Ang haba naman kase ng traffic.
"Good evening po mam." Bati agad sakin ni manang Nora na nakatayo sa gilid ng pinto.
"Good evening din po manang." Bati ko dito.
"Si mommy and daddy po ba dumating na?" tanong ko sa kanya. Namimiss ko na sila. Lagi kase silang busy sa company eh."Hindi pa po mam." sagot nya.
Dumiritso ako sa kitchen. Nagutom kase ako eh. Napansin ko naman na nakasunod si manang.
"Ihahanda ko lang po mam ang pagkain nyo." Maglalakad na sana sya papunta sa fridge ngunit pinigilan ko sya.
"No thanks manang. Ako nalang po. Pakiplate nalang po nitong dala ko. Shower lang po muna ako." Kinuha nya itong plastic na hawak ko at ako naman ay pumunta na sa room ko.
....
Tamang white sando at pajama ang sinuot ko. Kahit ano naman siguro ang isuot ko cute parin ako. Kahit nga yata basahan pa eh. Pero syempre joke lang hihihi
Andito na ako ngayon sa kitchen at nilalantakan itong food na tinake out ni babe Ryan sakin. Grabe sobrang sweet talaga nya. Habang sarap na sarap ako sa pagkain biglang tumunog yong cellphone ko na ngayon ay nasa ibabaw ng mesa.
"Hello!" sagot ko sa kabilang linya. Diko tiningnan kung sino ang tumawag kase busy ako sa paglantak sa kinakain ko na Chicken joy.
"Ahm best galit kapa ba sakin?" Boses palang alam ko na agad kung sino. Ang bestfriend ko na si Kathleen. Panu ba naman kase nainis ako sa message nya sakin sa fb nung isang gabi. Simula nun di ko na nireplyan ung mga messages nya pati narin yong mga tawag nya.
"Best sorry. Nasabi ko lang naman yon kase concern ako sayo eh." Ani ni Kathleen.
"Miss na miss na kita best." Dagdag pa niya.
"Sige na nga pinapatawad na kita."
"Yehey!! Bati na tayo ulit huh." naku parang bata talaga tong si Kathleen.
"Oo naman noh. Tsaka miss na miss na rin kaya kita." sagot ko naman.
"Sige best mamaya nalang ulit huh may pupuntahan pa kami ni mommy eh."
"Sige, see you tom okay? Then after school mamasyal naman tayo."
"Sige sige Pero saan naman?" tanong nya.
"Gaga saan paba? Edi sa paborito natin... Sa Diamond Mall. Samahan mo na rin ako mamili ng gifts para sa Valentines Day." Grabe excited na talaga ako.
"Speaking of Valentines Day, birthday mo rin yon diba?"
"Yep. Kaya nga ako excited eh. Sana lang talaga sagutin na ko ni Babe Ryan." yon talaga ang wish ko sa birthday ko. 19 na naman ako kaya walang masama diba? Isa pa mabait, matalino at gwapo si Babe Ryan yon nga lang minsan akala mo Red day dahil sa kasungitan.
"Hehe sige best bye bye na huh." agad na rin nyang pinatay ang tawag. Mukha ngang may lakad sila ng mommy nya.
After ng call ni Kathleen ibinaling ko naman ang attention ko sa Chicken joy na kinakain ko. Para akong 3 days di pinakain huh. Gutom na gutom ako eh.
***
(kinabukasan sa School)
"Thank you po manong Onyong." Sabay sara ko ng pinto nitong kotse namin. Andito na kase kami ngayon sa park ng school.
"nga pala manong wag nyo na po akong sunduin mamaya kase may lakad pa kami ni Kathleen eh." paalam ko dito.
"Sige po mam mag ingat po kayo." at saka na sya umalis.
Napatingin ako sa paligid nitong park ng school. Park ba talaga to or what? Ginawa na nilang motel. Paano ba naman kase dito pa mga naglalampungan. Haller hindi ba uso sa kanila ang word na PRIVACY? Hindi sila nakakatuwang tingnan.
Bago pa masira ang napakagandang araw ko pupunta nalang muna ako sa library. Masyado pang maaga para sa 1st subject ko. And for sure andon din si babe Ryan. Talino talaga ng babe ko.
Pagdating ko ng library ay agad naman syang nahagilap ng mata ko. Sabi ko na nga ba eh. Andito lang sya para magreview. Ang nakakainis lang eh yong katabi nanaman nya yong Miss Engineering na yon na akala mo kinulang sa tela ang skirt na suot nya. Duh! Legs lang ang maganda sa kanya pero di ang mukha nya.
Grrrr! Nakakainis na makita silang dalawa na magkatabi. Hello the future girlfriend is here.
Pumunta ako sa table kung san sila nakapwesto.
"Ehem! Hi babe! Andito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap eh." Napatingin naman sakin si Ryan pati na rin yong lintang babae na yon.
"Babe???" takang tanong nung babae. Agad din naman syang lumayo ng konte kay babe Ryan.
"Yes. As in B-A-B-E.. Babe." pagmamataray ko pang sabi don sa linta na yon.
"ahh sige Ryan bukas nalang natin ituloy tong review na to. Galit na yata ang gf mo eh." kinuha nya yong gamit nya na nasa ibabaw ng table.
" No. She's not my girl--."
"Yes galit na talaga ako kaya dapat lang na umalis kana bago pa ako---"
"Monique ano ba nakakahiya kana." pag awat sakin ni Ryan.
"Sige Ryan i have to go." sabi nung mukhang linta na yon. Dapat lang na umlis sya noh.
"Ano nanaman bang ginagawa mo dito huh? Tsk sinisira mo ang araw ko." Galit na sabi ni Ryan.
"Eh nilalandi ka lang naman nun eh. Miss Engineer sya tapos nagpapaturo sya sa iba? Ano yon Beauty without Brain?" sarkastik na sabi ko sa kanyan.
"Ang kitid talaga ng utak mo noh? Nilalandi ako sa hindi wala ka nang pakialam don..." galit na saad nya. Medyo malakas yong sabi nya. Mangilan ngilan sa mga estudyante na narito sa library ay sa amin nakatingin.
"Kung malandi ang tingin mo sa kanya eh ano naman ang tingin mo sa sarili mo?" Pagkasabi nya nun ay tuluyan na syang umalis.
Di ako nakaimik sa sinabi nya. Ano nga ba talaga ako? Hindi ko rin alam. Pero isa lang ang sure ako. Ang MAHAL KO SYA.
----
Yan po muna ang update ko. 2days ng brown out eh :(
1 bar nalang ang battery nitong cp ko
ESTÁS LEYENDO
My Unrequited Love For Him
Novela JuvenilLove is so ironic... sabi ng iba. Mahal mo pero di ka mahal. Mahal ka pero di mo naman mahal. Nagpapakatanga ka sa kahahabol don sa taong mahal mo, di mo alam may tao rin palang nagmamahal at naghahabol sayo. Paano kung mapagod ka sa kakahabol don...