Monique's POV
After ng mga sinabi ni Ryan kahit monday pa ngayon hindi nalang ako pumasok. Nawalan kase ako ng gana. Isa pa puro minor subjects lang naman ngayong araw eh.
Maghapon kaming nasa mall ni Kathleen. Di na rin sya pumasok kase nga broken hearted ang loka. Ipinagpalit lang naman sya sa hipon.
Shopping doon, shopping dito. Yan lang ang ginawa namin buong maghapon. Binili ko na rin yong mga kailangan ko para sa pagbake ng cookies. Remember, 7 days and counting... special day ko na.
Valentines day na plus Birthday ko pa equals HAPPY DAY!! Sana lang talaga maging kami na ni Babe Ryan sa birthday ko.
After malling nagpaalam na rin si Kathleen. Ako naman pinadala ko yong mga pinamili ko kay Manong Onyong. Nagpaalam ako na uuwi rin ako agad at may group project pa kaming kailangang tapusin kahit na wala naman talaga. Kumuha lang ako sa wallet ko ng buong 500 pesos. Kasya na siguro to. Balak ko lang talaga hanapin si Babe Ryan. Oh diba? Parang walang nangyari kanina. Ganun yata talaga pag mahal mo.
Ryan's POV
I am really pissed off. At sino ba naman ang hindi? Yong babaeng buntot ng buntot sayo, aalamin kung asan ako, babaeng tawag ng tawag, text ng text. Fuck! Tinalo pa nya ang nanay ko! She's really fucking pissed me off.
"Mukhang malaki ang problema natin dude.." si Dalton na kaibigan ko. He owns this Octo bar. And yes, andito ako sa bar ng barkada ko ngayon.
"babae ba yan dude?" pang aasar naman ni Ace na ngayon ay may katabing babae.
Di ako umimik. Ininom ko lang ang alak na nasa harap ko.
"Kung hindi babae, baka naman lalaki." Si dalton. At sabay pa silang tumawa ngayon pati narin yong babaeng katable ni Ace.
"Fuck you dude!!" sagot ko na may inis na tono.
"Patulan mo na kase dude. Para naman may katable ka na oh.." Pang aasar pa ni Dalton na ngayon ay may katable na rin na babae. Ang tinutukoy nya na babae ay si Monique.
That girl? I can't stand with that immatured girl. Kilala sya ni Dalton at Ace. Panu ba namang hindi. 4th year high school palang kami nun nung ipagkalat nya na boyfriend nya ako. Kalat sa buong campus ang balita.
"Wag mo kong itulad sayo dude na kahit minor de edad pinapatulan mo." pang aasar ko naman kay Dalton. Tumawa naman sya ng bahagya. At yong katabi nyang babae ay namula sa sinabi ko.
Ewan ko ba kung paano ko naging kaibigan tong dalawa na to. Pagdating kase sa babae matinik tong dalawa na to eh kahit nung mga high school palang kami.
Di nagsalita yong dalawa. Pagtingin ko f*ck!! Sabi ko na nga ba eh. May mga kahalikan na. Tss i think i'm out of place here. Does they need a privacy? Or should i better get out of here?
No choice.
Umalis ako sa table namin at pumunta sa counter. I call the bartender and ordered a bottle of beer.
Nasa kalagitnaan ako ng pag inom ng beer ng bigla akong napalingon sa right side ko, pagtingin ko wala naman. Feeling ko kase may nakatingin sakin eh. Horrible isn't it? But damn! I'm not a gay to be acted like a fucking shit. Tss may amats na yata ako gawa ng alak. Paalis na dapat ako sa counter ng tumabi sakin ang babae na may dalang wine. Naka black mini skirt and red backless na top sya.
"You're here just to relax right?" si Pinky na schoolmate ko. Sya ang Miss Engineering ng campus.
"Yes." tipid na sagot ko. Wala talaga ako sa mood ngayon.
"Ow.. Can i accompany you?" She said in a flirty voice. Alam ko na ang patutunguhan nito.
"Ah eh maybe next time. Would you mind if go home early tonigh? You know, we have a review tom." diretso kong sabi sa kanya. Sana lang di nya mahalata na talagang ayaw ko lang syang kausap. Ginawa ko ng excuses ang review namin bukas para lang makalusot.
Lumapit sa akin si Pinky at may ibinulong.
"Oh yeah sure----"
"Ikaw nanamang babaita ka?? If i know, you came here para landiin nanaman si Babe Ryan." Tsk andito nanaman sya. And she's still wearing our school uniform.
"Monique hanggang dito ba naman sinusundan mo parin ako??" inis na sabi ko sa kanya.
"Binabantayan lang naman kita eh. And you Miss beauty without brain will you please stop flirting my boy?!" Baling pa nya kay Pinky. Tsk! Ano nanaman bang pinagsasabi nitong babae na to. Hindi sya nakakatuwa. She's making a scandal.
"Me? Flirting your boy? Sino ba sa ating dalawa?" si Pinky na alam ko na hindi rin papatalo.
Hindi ko na hinintay pa na magsalita si Monique at agad kong hinawakan ang braso nya at hinila palabas ng bar. Sobrang nakakahiya. Halos lahat sa amin na nakatingin.
Mahigpit ang pagkakahila ko sa kanya hanggang sa makalabas kami.dito sa bar.
Monique's POV
Ramdam ko ang pag init ng braso ko dahil siguro ito sa higpit ng pagkakahawak sakin ni Ryan.
"Ano nanaman bang pumasok jan sa magaling mong utak at sinundan mo nanaman ako huh?!" Napaatras ako dahil sa pagsigaw nya. Galit na galit sya. Andito kami ngayon sa labas ng bar. And to thank, walang gaanong tao.
"So-sorry babe----"
"And please... Please stop calling me babe. Diba ilang beses ko na yan sinabi sayo? Ang kulit kulit mo! Nakakahiya." dire-diretso nyang sabi.
Natatakot na nakatingin ako sa kanya. Kasalanan ko nanaman kung bakit sya ganyan. Kung bakit sya galit sakin. Sana kase di ko nalang sya sinundan dito sa bar. Pero kase... Gusto ko talaga syang makita eh.
"So-sorry... Sorry talaga." nanginginig ang boses ko sa takot.
"Ulit ulit nalang Monique..." sabay talikod nya sakin.
"Sorry talaga. Promise babawi ako next time. Promise next time di kana maiinis sakin." and i mean it.
Pero tuloy lang sya sa paglakad palayo sa akin.
Ano pabang aasahan ko? Ito ako naiwan nanaman mag isa. Napatingin ako sa watch ko. I was surprised when i see the time. It's almost 11 pm. I was sutprised!!Ghad!! Ang tanga!!!! Wala akong phone or wallet man lang na dala. Naalala ko na ipinadala ko nga pala kay Manong Onyong.
Paano ako neto ngayon?
"Ang tanga talaga!!" inis na sabi ko sa sarili. Panu ako uuwi neto ngayon?
Nakasuot pa naman ako ng school uniform na abot legs ang skirt. Hay! Baka mabastos ako neto.
Tumakbo ako sa lugar kung saan pumunta si Ryan. Makikisabay sana ako. I wish hindi pa sya nakakalayo.
Malayo layo rin ang natakbo ko. Thanks God at nakita ko rin sya sa medyo malayong park. Pasakay na sana sya sa car nya ng sumigaw ako.
"Ryan! Wait!!" malakas na sigaw ko. Sure ako na narinig nya yon. Lumingon sya at nakita nya ako.
"What????"
----
12/14/14
Thank you readers :)
ESTÁS LEYENDO
My Unrequited Love For Him
Novela JuvenilLove is so ironic... sabi ng iba. Mahal mo pero di ka mahal. Mahal ka pero di mo naman mahal. Nagpapakatanga ka sa kahahabol don sa taong mahal mo, di mo alam may tao rin palang nagmamahal at naghahabol sayo. Paano kung mapagod ka sa kakahabol don...