Chapter 3

302 53 2
                                    

#Why am i so afraid to lose you when you are not even mine?

Today is a boring day! Bakit? Di ko nakita ang babe Ryan ko eh. Nagtext na ko sa kanya pero ni isang reply wala akong narecieve. Minsan nga nakakatulugan ko ang paghihintay sa reply nya eh. Pag tumatawag naman ako nagriring yong phone nya, pero after ng ilang ring bigla nalang cannot be reach! Niyaya ko lang naman syang magdate kasi ang gusto ko sya ang first date ko. Oo, di ko pa natatry makipagdate. Kung bakit kasi pakipot pa yong isang yon eh. I want him to be my first in everything. Since 2nd year sya lang ang minahal ko. Akalain nyo yon 4 years na pala ang nakakaraan at ganito parin ang tema. Sa dami ng nagkakagusto sakin ewan ko ba kung bakit si Ryan lang talaga ang gusto ko.

Bigla ko tuloy naalala si Dave Zelmil Villaraza. Pinakamatalino sa section namin nung high school kami. (Ewan ko pero bigla nalang syang sumagi sa isipan ko). Siguro dahil sa naging sweet sya sakin dati. One time nga nahuli ko sya na may inilagay sa locker ko, pasimple lang ako na tinitingnan sya sa malayo ng hindi nya nalalaman. Then nung wala na sya inopen ko agad yong locker ko at nakita ko yong Chocolate. Hanggang sa paulit-ulit nyang ginagawa yon at paulit-ulit ko rin syang pasekretong tinitingnan. Hanggang sa isang araw di ko na sya nakita. Nabalitaan ko nalang na 3 days na pala syang nasa London, don na nagtranfer. Sayang nga eh, hindi man lang sya nagpaalam sakin. Siguro hindi ako ganun kaimportante sa kanya. Duh! Sino ba naman ako para maging importante sa kanya diba? Isang hamak na classmate lang naman nya ako. Simula nung araw na yon kinalimutan ko na rin sya.

**

Okay andito ako ngayon sa Diamon Mall dala ang mga pinamili ko. Pumunta ako sa Ice Cream Farlor kase nagcacrave talaga ako sa Chocolate ice cream.

Habang naglalakad ako, napahinto ako dahil sa nakita ko.

"Oww Emm Babe!!! Si babe Ryan ba yong nakikita ko?" Sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa lalaking naglalakad na may kasamang Girl. Sa tingin ko di kami nagkakalayo sa Age. Mas maputi lang sya sakin pero syempre mas maganda pa rin ako.

Lumapit ako sa kanila. Tss at talagang ang saya pa nila ngayon huh.

"Hi babe.." pang aagaw ko sa attention nila sabay pa cute.

"What the hell are you doing here?" si Ryan na ngayon ay tila naiinis na makita ako.

"Shopping? Eh ikaw sino yang kasama mo?" Tanong ko sabay tingin sa mistisang kasama nya.

"Paki mo ba?" Akmang tatalikod na sya pati na rin yong babae na parang wala man lang alam sa nangyayari.

"Hep hep hep! Paki ko?? Future girlfriend mo ko kaya dapat lang na may paki ako sayo."

My Unrequited Love For HimWhere stories live. Discover now