{Part 1} Chapter 1: Dollhouse
“Honey! Aalis na ako!” rinig kong sabi ni Papa mula sa labas. Napairap na lang ako sa ginawa ni Mama
“Sige, magingat ka, Honey. Bye!” Huminga ako ng malalim nang napansin kong nakatingin sakin si Kuya Samael.
“Bakit?” tanong ko sa kanya.
“Hindi ka man lang ba natutuwa at makaayos na si Papa at Mama?” natawa ako
“Bakit naman ako matutuwa? Naglolokohan lang sila. Niloloko lang nila ang mga sarili nila.”
“Samael! Hailey! Hindi pa ba kayo tapos?” sabi nya habang papunta samin.
”Hindi ko kayo maihahatid dalawa. Late na ako sa meet up naming ng Tita Kimberly nyo” humalik si Mama kay Kuya kaya umalis na ako. I hate hugs and kisses. Lalo na paggaling kay Mama. It just pisses me off every time she does that. Feeling ko pilit yung affection na ibinibigay nya samin
Pagkatapos kong magayos at lumabas ng bahay, as expected wala sya. Wala naman kaming maaasahan dun.
“Tara na. May naghihintay pa sakin.”
“Sino? Si Liane? Bianca? O si Georgia?”taas kilay kong tanong sa kanya.
“None of the Above. Si Elle. Kaya tara na sa garahe. Malalate pa tayo” pumunta na kami sa garahe at dun naghihintay na ang driver namin.
Hailey, in six months aalis ka na sa school na ‘to and live in America to pursue your dream of being a Hollywood Director. Makakalayo ka na rin sa pamilya mo. Malayo sa lasenggero mong ina, drug addict mong Kuya at sa babaero mong Ama.
I’m looking outside the window. This school, I don’t belong here. The staffs suck, you can bribe the teachers for higher grades, there are bullies everywhere, and yung iba mga feeling mayaman
Pagkababa ko agad na akong pumuntang room. Ayokong nagtatagal sa labas ng room. Sa pagpasok ko sa room sinalubong ako ni Courtney, kaisa-isa kong kaibigan.
“Kamusta weekend mo?”tanong sya sakin.
“Yun as usual nagaway si Mama at Papa. At kahit natatawa ako sa nagiging itsura ng kabit ni Papa after awayin ni Mama, nakakasawa na din.”
“Sino ba naman ngayon ang kabit nya?” tanong nya sakin habang naglalakad kami papunta sa upuan namin.
“Yung anak ng isang investor. Vivian William? Kaya nga nagmeet up sila Mama at ang mga kaibigan nya. Gagawan nila ng paraan ang gulo nya.”
“Hailey! Narinig mo na ba? Si nagaway daw si Georgia at Elle dahil kay Samael” at napairap na lang uli ako.
“Like Father, like Son” sabay naming sabi ni Courtney kaya natawa kami.
“Swerte mo pala pag hindi ka tipo ni Kuya, iwas gulo”
“Ang sabihin mop ag hindika tipo ng tropa nila, swerte ka din dahil off-limits ka. Hindi nila pinapatulan ang mga kapatid ng katropa nila”
“Point taken”
Dumating na ang teacher namin kaya umayos na kami ng upo. Well most of us, pero yung mga nasa likod kagulo pa din. Wala namang nagbago sa araw ko. Kausap ko si Courtney. Gumawa ng school activities. At kung ano man ang mga kalokohang nakikita ko sa mga kaklase ko
From: Papa
Hailey, ako na ang susundo sayo. Umuwi ng maaga ang kuya mo.Nakasama na naman yun sa gulo. Nakakabwusit
Pumunta na ako sa Parking Lot. Nakita ko si Papa. May kausap sya sa phone nilapitan ko sya para sabihin na umuwi na kami nang marinig ko ang sinasabi nya.
“Sorry, sa nangyari last weekend. You know I love you right? Magkita na lang tayo sa bahay mo sa Laguna. This Wednesday? Pano kung Friday? Sorry. Mahahalata tayo pag wala akong excuse. Sige. Goodbye. Ingat” umalis ako sa pwesto ko at lumayo nang narealize kong patapos na ang tawag
“Hailey!”bati sakin ni Papa na parang hindi nya ako nakikita araw-araw. Muntikan na nya akong yakapin kung hindi ako umiwas
“Kailangan ko na kaaagad umuwi. May project pa akong tatapusin” sabi ko sabay pasok sa loob ng kotse.
Nakauwi kami nang hindi ako nagsalita sa kanya. Sa sobrang rami ng naging babae nya dito lang sya umulit. Parang mas mahal nya pa ‘to kesa samin. Hindi sya nabalik samin ng kusa. Kailangan palagi awayin ni Mama yung babae bago sya umuwi
Tinapos ko na ang lahat ng school requirements ko na kailangan ko bukas bago matulog. Hindi na ako kumain kasama nila. Mawawalan lang ko ng gana
BINABASA MO ANG
Outcast
Gizem / GerilimStory of four intelligent mental institute patients ----------------- Values Project