|NOWHERE TO GO|
Napapitlag si Nicolo ng marinig ang pagbukas ng pinto sa kaniyang kwarto. Hindi niya iyon pinansin dahil sa akalang guni-guni niya lamang iyon. Sinarado niya nang mabuti iyon, kaya imposible naman na may magtangkang bumukas nito. Hindi rin naman pumapasok ang ang may-ari ng kwarto na pinagrerentahan niya nang walang paalam.
“Kumain kana ba?” Isang malalim na boses ang nagpatigil sa kaniya.
Gulat na gulat siyang bumalikwas ng bangon. Nakita niya ang lalakeng gumahasa sa kaniya. Nakatayo ito sa tabi ng kama at nakatingin sa kaniya. Kaswal na kaswal lang ang pakikipag-usap nito sa kaniya na para bang matagal na silang magkakilala.
“Tulong—!” Sisigaw na sana siya, pero mabilis na dumukwang ang lalake at mabilis na tinakpan ang bibig niya. Nabitawan nito ang puting plastik na hawak.
“Alam mo, Nicolo, kung balak mong humingi nang tulong ay huwag munang ituloy.” Nanlaki ang mata niya habang nakatingin sa lalake. May kinapa ito sa likod ng pantalon nito at kinuha ang kulay brown na envelope. “Tignan mo ang laman nito!”
Inabot niya ang binigay nito at tinignan ang nakalagay. Mga litrato kung saan nakikita siyang nakahiga sa kwarto at walang saplot. Kita ang kanilang kahubdan. Ang ibang larawan naman ay silang dalawa habang naghahalikan. Ngunit alam niyang wala siya sa sarili sa mga kuhang iyon. Marami pang larawan ang nagpanginig ng kaniyang kalamnan. Malalaswa at talagang nakakahiya kapag nakita ng tao!
“Ang gaganda ng kuha natin, ‘di ba?” Marami pa akong kopya niyan, pero itinago ko. At alam mo ba ang mangyayari sa oras na nagsumbong ka o kaya sinuway mo ang gusto ko? Ipagkakalat ko sa eskwelahan mo ang mga larawan na ito, Nicolo! At ayaw mo naman mangyari iyon, ‘di ba?” Anito at marahang inalis ang kamay sa bibig niya.“Sumagot ka! Ayaw mo naman mangyari iyon, ‘di ba?!”
Tumango siya. “O-opo.” Naiiyak na naman siya ngunit pinaglalabanan nalang niya.
Hinaplos-haplos siya nito sa ulo. “Yan... ganiyan nga dapat, Nicolo. Maging masunurin kalang sa akin at hindi ko ikakalat ang mga litratong hawak ko. Tandaan mo, isang mabuting estudyante ang tingin nila sa iyo. Baka mapatalsik ka pa sa eskwelahan mo at hindi ka makatapos.” Pagbabanta ng lalake.
“A-ano po ba kasi ang gusto niyo? Nagawa niyo na ang gusto niyo kagabi. Bakit hindi mo pa ako tigilan? H-hindi naman ako magsusumbong sa mga pulis. P-pangako.”
Tinignan siya nito nang matagal bago ito sumagot. “Hindi lang iyon ang gusto ko, Nicolo. Ikaw... ikaw ang gusto ko.” Lumipat ang kamay nito sa pisngi niya.
“A-ako?”
“Oo. Ikaw. Matagal na kitang gusto, Nicolo. Matagal na kitang sinusundan kaya alam ko ang halos lahat-lahat sa iyo. Wala kang maitatago sa akin.”
Kumunot ang noo niya. “P-pero lalake ka. Parehas tayong lalake. Huwag mong sabihin na...” Hindi niya nagawang ituloy ang gusto niyang sabihin.
“Bakla?!” Isang iglap ay naging mabalasik ito, animo’y lion na gustong sumagpang. Sinakal siya nito nang mahigpit. “Ang gusto mo bang sabihin ay isa akong bakla?! May bakla bang ganito ang hitsura? Malaki ang katawan at brusko! Nagkakagusto ako sa lalake, pero hindi ako bakla, Nicolo! Tandaan mo iyan! Sabihin mong naniniwala ka na hindi ako bakla!” Mas hinigpitan pa nito ang pagkakasakal niya.
“N-naniniwala a-ako...” Hirapang sagot niya at saka lang nito pinakawalan ang leeg niya. Habol niya ang paghinga pagkatapos. Sa wari niya ay may sira sa pag-iisip ang lalakeng ito. Hindi nito matanggap na isa itong bakla kahit iyon ang totoo.
“Mabuti naman kung ganoon. Basta, simula ngayon ay dito na ako titira. Ipagpatuloy mo ang buhay mo na normal. Papasok ka sa eskwelahan at trabaho mo, pero kapag nandito ka, akin ka, Nicolo! Lahat ng sasabihin ko ay susundin mo at ayaw na ayaw ko ang susuway ka. Lahat ng sasabihin ko ay susundin mo, at ayaw kong susuway ka! Huwag kang mag-alala dahil may pera naman ako. Tutulungan kita sa gastusin mo, sa pangmatrikula, at pagkain. Pero huwag mong kakalimutan ang usapan natin... oras na magsumbong ka, kakalat ang mga litrato!” Tumango nalang siya sa mga utos nito.
YOU ARE READING
The Stranger's Desire | B×B [R18]
RandomTumakbo siya papunta ng pinto. Sisigaw na sana siya para humingi ng tulong nang may panyong tumakip sa kaniyang ilong at bibig. May hindi magandang amoy ang panyo at nang pumasok iyon sa kaniyang ilong ay nakaramdam siya ng pagsakit ng ulo at pagkah...