The Stranger's Desire 08: The New Beginning

58 2 0
                                    

|THE NEW BEGINNING|

Sinugod siya ni Carlos. Sinakal siya nito hanggang sa mapasandal ang katawan niya sa pader. Iniumang nito sa mukha niya ang dulo ng kutsilyo habang nag-aapoy ang mga mata nito sa galit. Nanginginig na siya sa takot. Mas lalo siyang nakaramdam ng kaba at kahit anong segundo, nararamdaman niyang susuko na ang kaniyang mga paa.

“Ngayong wala na akong hawak para pasunurin ka sa mga gusto ko. Papatayin nalang kita, Nicolo! Sigurado naman ako na may iba pang mga lalake diyan na kaya akong mahalin! Dahil ikaw, simula’t sapul hindi mo ako mahal! Hindi mo kayang ibalik ang pagmamahal na ibinibigay ko sa iyo!” Puno ng lungkot na wika nito.

Kapwa natigilan sa pag-aaway sina Carlos at Nicolo nang marinig nila ang serena ng mga pulis mula sa labasan. Siguro andito ang mga ito para hulihin si Carlos. Baka nakarating na sa kanila ang ginawa nitong pamamaslang kay Romana!

Bumalasik ang itsura ni Carlos dahil naisip siguro nitong natimbre na ng mga pulis ang lungga nito at kasalukuyan siyang tinutugis para papanagutin sa kasalanan nito sa batas. Binalingan siya ulit nito at tinutukan ng kutsilyo. “Sige, subukan mong sumigaw! Bubutasin ko ang lalamunan mo! Maghanda kana at tatakas tayo!” Walang kagatol-gatol na wika nito.

“T-teka, Carlos? Bakit mo ako isasama? Anong bang problema—”

Hindi na siya pinagbigyan nitong magsalita dahil mabilis siya nitong itinulak sa paanan ng aparador. Walang sinayang na sandali si Nicolo at mabilis  niyang binuksan ito at isinilid ang mga gamit sa may kalakihang bag. Gulong-gulo ang utak niya. Tiyak na ayaw na siyang pakawalan pa ng demonyo! Gusto siya nitong isama sa impyernong kinasasadlakan nito!

Labag man sa kalooban ni Nicolo, wala na siyang magagawa upang tumanggi rito. Ang salita nito ay naging batas. Ngunit paano na ang kinabukasan niya sa piling sa taong ito? Ang pag-aaral niya? Ang paghahangad niya ng maganda at tahimik na buhay? Sinira itong lahat ni Carlos!

Napapitlag siya ng marinig ang malakas na boses ng lalakeng kinamumuhian niya. “Putang ina ka! Bilisan mo diyan! Dahil kapag tayo nahuli ng mga pulis. Hindi-hindi kita patatahimikin! Makikita mo!” Nandidilat ang mga mata nito. Humigpit ang pagkakahawak nito sa braso niya. Bumaon ang talim ng kuko nito na lalong nagpaigik sa kaniya.

Naghintakutan siyang napasunod sa gusto nito. Sukbit niya ang bag na naglalamanan ng kanilang mga importanteng gamit para sa pagtakas nila. Buong buhay ni Nicolo, wala sa hinagap niya na mangyayari sa kaniya ang ganitong klase ng paghihirap. Maraming bagay ang bumabagabag sa kaniya. Paano kung hindi siya umalis sa poder ng mga madre na nag-alaga sa kaniya? Baka sakaling hindi siya nakita ni Carlos. Baka sakaling tahimik pa rin ang buhay niya. Hindi ganito na buhay pa siya, pero impyerno na ang pakiramdam niya.

Natauhan lang siya sa pag-iisip ng sitahin siya ni Carlos. “Tatanga kana lang ba diyan?! Halika na, dito tayo dadaan sa likuran. Mabuti na ang nag-iingat.” Hinawakan siya nito nang mahigpit sa kamay. Takot siguro ito na gumawa siya ng ikabubuko nila.

Sa likod bahay sila dumaang dalawa. Lakad-takbo ang ginawa nila. Maya’t maya ang ginagawang pagsulyap ni Carlos sa likuran nila, sinisiguro nito na walang nakasunod sa kanila. Ilang minuto pa ang ginawa nilang paglalakad ng marating nila ang labasan kung saan pwede silang sumakay ng dyip.

Mabilis na binawi niya ang kamay mula sa pagkakahawak nito. “Ano sa tingin mo ang ginawa mo, Carlos?! Nababaliw kana ba? Bakit mo ako isinasama sa pagpuslit mo?!” Sinamaan lang siya nito ng tingin. “Wala kang magagawa kung isasama kita kung saan ko man naisin! Tandaan mo, litrato lang ang nawawala. Marami pa akong kopya noon! At sa oras na gumawa ka pa ng kapalpakan, hindi na ako mangingiming tapusin ang buhay mo!”

Mag-aaway pa sana silang dalawa ng matanawan nila ang paparating na sasakyan. Pinahinto ito ni Carlos at mabilis na umakyat sa loob. Akmang hahawakan pa siya nito upang alalayan ng mabilis niyang ipiniksi ang kamay nito. Pinili niyang maupo sa bandang unahan na malayo dito. Gusto niya munang malayo dito pansalamantala. Pakiramdam ni Nicolo hindi siya makahinga kapag nakikita niya ang lalake.

Mabuti nalang at hindi na siya kinulit pa ni Carlos. Mataman niyang tinignan ng masama ito sa salamin na mula sa sasakyan na nasa harapan nila. Seryoso ang mukha nitong nakatingin sa kaniya. Nilingon niya ito at mabilis na inirapan. Pagdating nila sa terminal ng mga sasakyan na pauwing probinsya. Hindi niya maiwasang magtanong kay Carlos kung saan siya nito dadalhin.

“Saan mo ako balak dalhin? Dahil kahit anong pagtatago ang gawin mo, hindi mo matatakasan ang batas na siyang tumutugis sa iyo! Sa ginagawa mo Carlos, mas binibigyan mo ako ng rason para lalong lumayo sa iyo.” Napahinto ang lalake at nilingon siya. Hindi mawari ni Nicolo kung lungkot ba o kung anong emosyon ang sandaling nabaanag niya sa mata nito.

Mapagkubli ka talaga, Carlos! Sigaw ng utak niya.

Sumakay sila sa sasakyan na bumibyahe patungong Borongan, Samar. Kapwa walang imik habang nasa biyahe. Tahimik naman na tinatanaw ni Nicolo ang dinadaan nila. Walang katiyakan kung kailan siya babalik dito. Hindi niya alam kung anong kinabukasan ba ang naghihintay sa kaniya banda roon. Natatakot siyang harapin ito. Takot na takot siya. Marahil dahil na rin sa pagod ng isip at katawan, mabilis na nakatulog si Nicolo. Bukas pagkagising niya, haharapin niya ang panibagong buhay. Sana nga makuha niyang kayanin lahat ito.

***

Pinili ni Carlos na hayaan nalang si Nicolo sa kagustuhan nito. Hindi niya gustong saktan ang binata pero hindi niya alam kung bakit dumarating talaga ang oras na nasasaktan niya ito gamit ang sariling mga kamay. Dahil sa kagustuhan niya na makasama ito, nahila niya ito sa kumunoy na kinaroroonan niya!

Sinulyapan niya ulit si Nicolo mula sa kinauupuan nito. May kung anong awa ang humaplos sa dibdib niya at mabilis na tinungo ang kinaroonan ng binata. Agaran niyang napansin na nahihirapan itong matulog sa pwesto nito, habang nakadukdok sa hawakan na nasa harapan nito. Nangangamba siyang baka sumakit pa ang leeg nito sa katagalan ng pagtulog. Kahit magalit man ito sa gagawin niya, hindi nalang niya iindahin.

Buong ingat na hinawakan ni Carlos ang ulo ni Nicolo, dahil sa pangambang baka magising ito sa pagkakahimbing. Sinandal niya ito sa dibdib niya. Hindi naman siya ganoon kasama para hindi ito pagpahingahin. Masuyo niyang pinalis ang buhok na tumatabing sa mukha nito. Tunay na napakaguwapo talaga ni Nicolo!

Hinawakan niya ang pisngi nito at masuyong tinaniman ng mumunting halik ang labi ni Nicolo. Naririnig pa niya ang minsang paghilik nito. Niyakap niya sa katawan niya ang isang kamay nito para maging kumportable ito sa pagtulog. Sinariwa ni Carlos ang mga nagawa niya dahil sa pagmamahal dito. Kung nagawa man niyang pumatay, hindi niya pinagsisisihan ang ginawa. Marahil dahil sa labis na panibugho ang nagtulak sa kaniya para gawin ito. Kung hinihingi man ng pagkakataon na kumitil siya ng buhay ng maraming tao, gagawin niya. Tama nga si Nicolo, baliw na siya. Nababaliw siya sa pag-ibig dito!

Hinaplos niya ng makailang beses ang pisngi nito.

Sana dumating din ang panahon na makakaya nitong suklian ang lahat ng ginagawa niya para dito. Hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa na mapapawi ng pagmamahal niya ang galit na namuo sa puso nito. Alam niyang marami siyang nagawang kasamaan dito. Kinuha niya ito sa dahas, tinakot at pinagbantaang papatayin, pero sa kabila ng lahat, mas nangingibabaw pa rin ang pagtanggi na meron siya para rito.

Pinanuod ni Carlos ang minsang pagtaas-baba ng dibdib nito. Ilang oras pa ang ginawa niyang panunuod bago siya ipinagkanulo ng sariling mga mata.

Hindi namalayan ni Carlos ang paglipas ng mga oras. Naalimpungatan siya ng dumaan sila sa mga lubak dahilan para tuluyang magising ang kaniyang diwa. Nilingon niya ang mga kapwa-pasahero na tulad nila’y natutulog din. Tinignan niya si Nicolo na kasalukuyang nakayapos sa bewang niya.

Sinulyapan ni Carlos ang relong pambisig. Alas sais na umaga. Ilang oras nalang at makakarating na sila sa lugar na pupuntahan nila. Dito niya gustong magsimula ng buhay kasama si Nicolo. Dahil sa naisip, mabilis niyang inayos ang pagkakaupo nito. Kasalukuyan pa rin itong nahihimbing.

Sa edad niya na bente otso, sigurado na siya na ito ang gusto niyang makatuwang. Hindi naman niya iniisip sa ngayon ang pagkakaroon ng anak, ang importante sa kaniya ang makasama at tuluyang maangkin ang binata.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 30, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Stranger's Desire | B×B [R18]Where stories live. Discover now