|CONFUSION|
Habang abala ang bakla sa gagawin nito sa kaniyang pagkalalake ay sinamantala na ni Carlos ang pagkakataong hindi ito nakatingin sa kaniya. Kinuha niya ang isang malaking gunting sa lagayan ng mga gamit na malapit sa upuan kung saan ay nakaupo siya.
Ibinuka niya ang gunting at buong pwersang itinarak iyon sa ibabaw ng ulo ng bakla. Tila hindi pa ito niyon naramdaman dahil tumayo pa ito at tinignan sa salamin ang sarili. Hindik na hindik ito nang makitang may nakatusok na gunting sa ulo at umaagos mukha nito ang dugo. Bumaba na siya sa upuan habang naghihintakutang humarap ang bakla sa kaniya. Bumubuka ang bibig nito pero hindi nito nagawang makapagsalita.
“Ang akala mo ba maaagaw mo sa akin si Nicolo, ha?! Hinding-hindi mo siya maaagaw sa akin!” Nanlilisik ang mga mata na sigaw ni Carlos.
Tatakbo pa sana ang bakla palabas pero pinatid niya ito. Natumba ito sa sahig nang padapa at nakita niya ang malakas na paghampas ng mukha nito sa sementadong sahig. Hindi na ito gumagalaw. Nakita na lang niya ang pag-agos ng dugo sa sahig. Matapos ang ginawang krimen, parang walang ginawa na lumabas na ng parlor si Carlos. Nagsindi siya ng sigarilyo at naglakad-lakad muna. Magpapalipas muna siya ng oras ng pag-uwi ni hanggang sa dumating ang oras ng pag-uwi ni Nicolo mula sa trabaho nito. Susunduin niya ulit ito doon.
***
Matamang sinipat ni Nicolo ang sarili sa salamin na nasa harapan niya.
“Ang bilis naman yatang humaba ng buhok ko. Kakapagupit ko pa lang kay Romana noong nakaraang isang linggo, ah.” Pakli ni Nicolo nang humarap siya sa salamin para suklayin ang buhok.
Naisipan niyang magpagupit ngayon. Tutal naman at Linggo wala siyang pasok sa eskwelahan at trabaho. Para na rin makalayo kay Carlos kahit ilang oras lang. Pakiramdam kasi niya ay para siyang isang preso sa loob ng bahay, habang kasama ito katulad ngayon. Natutulog ito dahil makailang beses siya nitong ginamit kagabi.
Nagpalit lang siya ng damit at lumabas ng tinutuluyang bahay. Nilakad na lang niya ang papuntang parlor ni Romana dahil hindi naman iyon ganoon kalayo. Para may ehersisyo din siya kahit papaano. Pagdating niya sa parlor ni Romana, nakita niyang nakasara at may nakapaskil na karatula sa mismong pinto. Nagtaka siya dahil araw-araw naman itong bukas kahit Sabado at Linggo. Kaya naman sa katabing parlor na lang siya nagpagupit. Siya lamang ang kustomer kaya umupo na siya sa upuan para magupitan ng baklang naroon.
“Bakit po kaya sarado ang parlor ni Romana ngayon? Umuwi ba siya ng probinsya?” Tanong ni Nicolo sa gumugupit sa kaniya. Ang pag-uwi nito sa probinsya ang naiisip niyang dahilan kung bakit sarado ang parlor nito.
“Ha? Hindi mo pa ba nababalitaan?” Medyo gulat ang reaksyon ng baklang naggugupit sa kaniya.
“Ang alin ba?”
“Wala na si Romana...”
“Wala na? Anong ibig mong sabihin?” Kumunot ang noo ni Nicolo. “Umalis na siya? Saan siya lumipat?”
Ngumuso sa itaas ang bakla. “Doon sa langit. Ay, hindi pala ako sigurado. Pwedeng sa ibaba rin pala siya. Sa impyerno.”
Hindi niya makuha ang gustong sabihin nito. “Ano ba kasing nangyari? Diretsuhin mo nga ako.” Tumawa pa siya ng kaunti dahil sa palagay niya ay binibiro siya ng bakla. Ganoon din kasi si Romana. Palagi siyang binibiro habang ginugupitan siya.
“Patay na si Romana. Pinatay siya noong Biyernes ng gabi.” Parang sasabog ang ulo ni Nicolo sa sinabi ng bakla. “Grabe nga ang ginawa sa kaniya. Sinaksak ng gunting sa ulo tapos inihampas pa daw yata iyong mukha sa sahig. Basag ang mukha ng baklang Romana, e. Nakakatakot nanga kasi hanggang ngayon hindi pa rin nahuhuli ng mga pulis ang salarin. Hindi naman daw pagnanakaw ang motibo dahil walang nawala sa bakla. Ang hinala ng mga pulis ay baka may malaking galit Romana ang gumawa niyon. Kaya nga hindi na ako nagpapagabi at baka matulad din ako sa baklang iyon...”
YOU ARE READING
The Stranger's Desire | B×B [R18]
RandomTumakbo siya papunta ng pinto. Sisigaw na sana siya para humingi ng tulong nang may panyong tumakip sa kaniyang ilong at bibig. May hindi magandang amoy ang panyo at nang pumasok iyon sa kaniyang ilong ay nakaramdam siya ng pagsakit ng ulo at pagkah...