The Stranger's Desire 06: One Down

42 2 0
                                    

|ONE DOWN|

Humuhuni pa si Romana habang nagwawalis siya sa kaniyang maliit na parlor. Dinakot niya gamit ang dust pan ang naipong buhok sa sahig at inilagay iyon sa garbage bag. Hindi niya na tinatapon palabas ang mga iyon. Ipagpapabukas nalang niya. Ayaw niyang malasin ‘no! Ganoon kasi ang paniniwala ng mga matatanda sa probinsya nila. Siya lang ang mag-isang nagpapatakbo ng negosyo niya. Ayaw niyang kumuha ng tao dahil wala siyang tiwala. Natatakot siya na nakawan lang siya o baka patayin pa siya. Ayaw pa niyang mamatay na walang nakakawarak sa kaniya!

Magsasara na siya ng mga oras na iyon. Sinulyapan niya ang relong pambisig. Alas onse na ng gabi. May babae kasi na humabol magpa-rebond kanina. Ang haba haba ng buhok nito kaya umabot siya ng ilang oras bago matapos. Sa mga katabi niyang tindahan at mga establisemento, siya nalang ang natitirang bukas ng mga sandaling iyon. Hindi bale, bukas tanghali na siyang magbubukas para magkaroon siya ng sapat ng pahinga.

Iniunat ni Romana ang kaniyang mga kamay at mabilis na humikab. Ipinagpatuloy niya pa ang ginagawang paglilinis.

“Suso mo na napakalaki parang pakwan. Bote ang iyong katawan at pwet mong malaman—”

Kumekendeng-kendeng pa siya sa harap ng salamin saliw ang awitin ng sikat na si Andrew E. Paborito niya kasi ang mga kanta nito. Humagikgik pa siya sa naisip. Napahinto siya sa pagkanta at pagsasayaw ng bumukas ang pinto. Iniluwa niyon ang bulto ng isang lalake. Matangkad ito at may matipunong pangangatawan. Tantiya niya naglalaro sa anim na talampakan ang tangkad nito. May kayumangging balat. Mas umagaw ng atensyon niya ang tattoo ng dragon sa braso nito. Napalunok tuloy si Romana sa tanawin na nasa harapan niya.

“Good evening, pogi! Magpapagupit ka ba? Magsasara na kasi ako!” Nagpapabebe na turan niya ito. Kinurap-kurap pa niya ang mata para mas maging kaakit-akit sa paningin ng lalake.

Napatitig siya sa mukha ng lalake. Parang nakita na niya ito. Pamilyar ang itsura nito sa kaniya. Matamang nag-isip si Romana hanggang sa maalala niya kung saan ito nakita. Tama! Ito iyong nagalit noong nakaraang linggo dahil nagpapagupit tapos nakikipag-huntahan pa siya kay Nicolo. Ang batang-batang si Nicolo! Ang gwapo naman kasi. Fresh na fresh ang lalake lagi sa paningin niya! Kaso lang, kahit anong alok niya dito ng malaking halaga ng pera, ayaw makipag-one night stand nito. Mas lalo tuloy siyang nasasabik na tikman ang binata!

Walang imik ang lalake na umupo sa isang upuan para mapagupit. Pakendeng-kendeng siyang pumwesto sa likuran nito at hinawakan ito sa balikat. Hinaplos din niya ito sa likuran.

“Sige nanga, gugupitan na kita kahit pagod na ako.” Sa isip ni Romana, gwapo naman kasi ang lalake kaya pagbibigyan na niya. Ganiyan talaga ang kahinaan nilang mga bakla — ang mga lalake.

“Wala akong pambayad.”

Hmm! Alam ko na ang ganiyang istilo! Sasabihan na walang pambayad pero alam na! Mukhang uuwi akong may gatas sa nito nito! Hehe! Hindi ako zero tonight! Kinikilig na bulong ni Romana sa sarili.

Isang malanding ngiti ang sumilay sa kaniyang pulang-pulang labi. “Pwede mo naman akong bayaran sa ibang paraan...” Nagkatinginan sila sa salamin sa harapan nila. “Pwede naman iyon, oh!” Inginuso niya ang nasa pagitan ng hita ng lalake.

“Sige, payag ako. Gupitan mo ako at gawin ang lahat ng gusto mo sa akin. Pero gagawin ko din ang lahat ng gusto ko sa iyo.” Kinurot pa siya nito nang marahan sa hita.

Hmmp! Pilyo ka boy, ha! Kilig na kilig na sigaw ng utak niya.

Inumpisahan na ni Romana ang paggupit sa lalake. Medyo binibilisan na niya dahil hindi na siya makapaghihintay na matikman ang naturang lalake. Ito ang gusto niya. Ang mga lalakeng walang arte sa katawan. Gupit lang ang kapalit ay nagpapatikim na ng langit sa baklang katulad niya.

The Stranger's Desire | B×B [R18]Where stories live. Discover now