The Stranger's Desire 05: (SPG)

64 2 0
                                    

|SPG|[R18+]

Makaraan pa ang ilang sandali, humahagok at pabagsak itong umalis sa kaniyang harapan. Pawis na pawis ito. Humihingal sa pagod. Hanggang sa napansin nito ang tahimik niyang pag-iyak. Nakahiga siya na tila sanggol na nasa sinapupunan pa lang ng ina. Bahagya pang nanginig ang katawan niyang namumula at may mga pasa dahil sa marahas nitong pag-angkin sa kaniya.

Lumapit ito sa kaniya at masuyo siya nitong niyakap.

“Pasensya kana kung nasaktan kita, Nicolo. Ang sarap-sarap mo kasi.” Kinilabutan siya sa tinuran nito. Hindi niya inimik ang lalake. Narinig pa niya ang ginawa nitong pagbuntong-hininga. Tumayo ito at pumunta sa banyo. Narinig niyang naligo ito. Pagkatapos ay binalikan siya nito. Binuhat siya nito, gusto niyang sawayin ang lalake, ngunit ayaw na niyang lumaban pa.

“Papaliguan kita.” Tumango nalang siya dito. Inihiga siya nito sa sahig at pinaliguan. Napapangiwi siya tuwing nadaraanan ng mga kamay nito at mga pasa at mangilan-ngilang bakas ng ngipin nito.

Binuhat siya nitong muli at inilapag sa kama. Tinuyo nito ang buhok niya at bihisan ang hubad niyang katawan. Nanginginig pa rin ang kaniyang katawan. Pakiwari niya ilang beses siyang sinuntok sa bigat na pakiramdam niya. Makailang ulit siya nitong hinalikan sa labi. May ibinulong pa ito sa kaniya, ngunit hindi na niya nagawang marinig pa kung ano ito dahil iginupo na ang mata niya ng antok at pagod.

***

Wala na naman sa sarili si Nicolo sa buong klase. Hindi mawala sa isip niya ang ginagawa sa kaniya ni Carlos. Ang pambababoy nito sa pagkatao niya. Ang pagsasamantala sa kahinaan niya. Kailangan na niyang humingi ng tulong para magwakas na ang kalbaryo niya. Hindi na niya kayang pakibagayan ang kabaliwan nito. Ngunit kanino? May makakaintindi ba sa kaniya? Luminga siya sa classroom nila. Wala naman siyang masasabing kaibigan sa mga kaklase niya. Dumako ang mata niya sa unahan at nakita niya si Teacher Annie.

“Nicolo, kapag may problema ka, sabihin mo lang sa akin. Pangalawang magulang ninyo ako kaya huwag kang mahihiya. Okey?” Naalala niya bigla ang sinabi ng kaniyang guro nakaraang araw.

Tama. Si Teacher Annie ang dapat niyang pagsabihan ng problema niya. Guro ito at malawak ang pag-unawa. Siguradong matutulungan siya nito at walang panghuhusgang matatanggap.

Hindi na talaga niya kaya ang ginagawang panghahalay sa kaniya ni Carlos. Dapat na iyong matuldukan! Hindi alam ni Nicolo kong hanggang saan pa ang kaya niya. Kaya naman nang matapos na ang klase nila ay nagpaiwan siya doon. Mabuti nalang at hindi agad umalis si Teacher Annie doon. May binuksan itong libro at may binabasa doon ang kanilang guro. Matiyagang hinintay ni Nicolo na makaalis lahat ng kanilang kaklase. At nang silang dalawa nalang ni Teacher Annie ang naroon ay tumayo siya habang bitbit ang mga libro at bag niya.

Marahang hakbang ang ginawa niyang paglapit sa mesa ng guro na abala sa pagbabasa nito. Tinawag niya ito at agad naman nitong narinig.

“Nicolo, bakit? Hindi ka pa ba uuwi?” 

“M-may gusto po kasi akong sabihin sa inyo...” Nanginginig ang boses niya. May takot din siyang nararamdaman dahil hindi niya maisip kung ano ba ang kasunod na mangyayari sa pag-amin niyang ito. Pikit-mata siyang susugal. Pasasaan ba’t magiging maayos din ang lahat. Babalik siya sa normal na buhay.

“Ano iyon?”

Lumunok muna ng laway si Nicolo. “Teacher gusto ko sana sabihin na—” 

“Nicolo!” Napahinto siya sa pagsasalita nang biglang dumating si Carlos. Tuloy-tuloy itong pumasok sa silid-aralan nila. Lumapit ito sa kaniya at inakbayaan siya. Nahuli siya nito! Nanginig ang buong katawan ni Nicolo sa takot ng dumaiti ang balat nito sa balat niya. Anong ginagawa nito dito? At paano nito nalaman na dito siya nag-aaral? Mukhang totoo nga ang sinasabi nito na marami itong alam tungkol sa kaniya na siyang ikinababahala niya.

The Stranger's Desire | B×B [R18]Where stories live. Discover now