The Stranger's Desire 04: (SPG)

63 2 0
                                    

|SPG|[R18+]

Nagulantang si Nicolo ng pagkapasok niya palang sa loob ay kalat-kalat ang kwarto niya. Wala sa ayos ang mga gamit. Nagkalat ang mga basyo ng bote ng alak sa lahat ng sulok. Hindi niya na kailangang mag-isip pa kung sino ang may gawa noon.

“Sino ang babaeng kasama mo? Girlfriend mo?!” Masama itong nakatingin sa kaniya. Nakaupo ito sa gilid ng kama. Tila hinihintay nito ang pag-uwi niya.

Hindi niya sinagot ang tanong nito. Nasusuklam siya na mabungaran ang mukha ng lalakeng sumira sa pagkatao niya. Nagpatuloy siya sa pagpasok. Isinara niya ang pinto at isinabit sa likod niyon ang kaniyang bag. Dire-diretso siya sa pagpasok sa banyo para umihi. Talaga ngang hindi nagbibiro si Carlos sa sinabi nito. Hindi talaga ito umalis at mukhang makakasama niya na talaga ito sa iisang bubong. Kung may paraan nga lang para matakasan niya ang lalake ay ginawa niya na. Ngunit paano? Natatakot siya sa maaring mangyari kapag ikinalat nito ang malalaswang litrato na hawak nito. Hangga’t maaari ayaw ni Nicolo gumawa ng eskandalo.

Paglabas niya sa banyo ay nagulantang siya nang salubungin siya ng sakal ni Carlos. Isinandal siya nito sa dingding at galit na galit na nagsalita. “Girlfriend mo ba ang babaeng iyon, ha?! Sumagot ka, Nicolo!” Akala mo ay isa itong demonyo sa paraan ng panlilisik nito ng mata.

Mariing napapikit si Nicolo. Parang napuputulan na siya ng hininga. “H-hindi...”

Doon lang siya binitawan ni Carlos. Napaubo siya. Habol ang hininga. Bigla siyang niyakap ni Carlos nang mahigpit habang hinaplos siya sa likod. “Nasaktan ka ba, Nicolo? Pasensya ka na, ha? Ayoko lang naman na may iba bukod sa akin. Akin ka lang... akin ka lang. Papatayin ko ang kung sino mang aagaw sa iyo sa akin, Nicolo. Mahal na mahal kita!” Ngayon naman ay mapagkakamalan mong anghel si Carlos sa sobrang bait.

Baliw ka! Baliw ka, Carlos! Sigaw ng utak ni Nicolo.

Binitawan na siya ni Carlos at tinanong niya kung kumain na siya. Nakapagluto na pala ito. Kahit ayaw niya ay kumain nalang siya dahil paniguradong magagalit na naman ito oras na tumanggi siya sa gusto nito. Gusto niyang pagsasampalin ang lalake sa ginagawa nito sa kaniya. Ngunit ano ba ang magagawa niya? Hindi niya kayang iligtas ang sarili mula dito.

Pero hindi niya parin makuhang panghinaan ng loob. Kailangan na talaga niyang gumawa ng paraan para makawala kay Carlos. Hindi pwedeng habang buhay siyang nasa kamay ng baliw na lalake. Baka kung ano pa ang gawin nito sa kaniya. Natatakot siya para sa sarili. Nakikita niya kasi kung ano ang tunay na kulay nito kapag nagagalit. Kung kanina ay nagawa siya nitong sakalin, paano pa kaya sa mga susunod na araw? Ayaw pa niyang mawala. Marami pa siyang pangarap na gustong tuparin.

Napahinto sa pagsubo si Nicolo dahil may naisip siya. Iyong mga litrato, kailangan niyang malalaman kung saan itinago ni Carlos! Tama. Iyon ang kailangan niyang makuha pati na ang camera na ginamit nito sa pagkuha!

***

Maging sa kaniyang trabaho ay wala sa sarili si Nicolo. Natatakot siya para sa kaligtasan ng sarili. Ilang beses na din siyang nagkamali sa ginagawa niya kaya akala ng amo niya ay may dinaramdam siya. Gusto sana siya nitong pauwiin nalang pero tumanggi siya. Mas gugustuhin pa niyang magtrabaho kesa naman umuwi sa kaniyang tinutuluyan at makasama si Carlos — ang baliw na si Carlos! Nakakatakot kasi ang ugali nito. Paiba-iba. Minsan ay mabait, minsan naman ay may pagka-bayolente.

Pero wala na siyang nagawa nang sumapit ang uwian. Mabagal ang hakbang niya palabas. Paglabas niya ng gate ay nagulat siya nang may biglang umakbay sa kaniya. Pagtingin niya ay si Carlos pala. Mukhang nakainom ito. Naaamoy niya sa hininga nito ang alak.

“A-anong ginagawa mo dito?” Tarantang tanong niya dito, habang panay ang sulyap sa likuran. Natatakot siyang baka may makakita sa kanilang dalawa. Isinawalang-bahala naman ng huli ang kaniyang pagkabalisa.

The Stranger's Desire | B×B [R18]Where stories live. Discover now