EPISODE 04

19 6 0
                                    

"ANG PAGHAHANAP"



ANG NAKARAAN :


Nakilala nina Dennis At Marife si Kathleya ang pamangkin ng babaylang si Jenna.At ipinaliwanag naman ni Kathleya ang kanilang gagawin bago nila makuha ang sandata nila. na syang huling hinabilin nang kanyang tita noong nabubuhay pa ito.Gamit Ang compass na ibinigay ni Kathelya nina Dennis at Marife, sisimulan na nila ang paghahanap sa kanilang kasamahan.


ANG KARUGTUNG :


" Naipaliwanag na ba ni Kathleya kung papano natin sila hahanapin? " Tanong ni Marife.


" Hindi pero, katulad din nang sabi ni Lola at Lolo. Just trust your instinct. " Sagot naman ni Dennis.


" Speaking of lola and Lolo.. mabuti pa bumalik na muna tayo sa sakanila." Sabi ni Marife at sumang-ayon naman si Dennis, gamit ang mga kwentas na ibinigay ni Lola miele mabilis silang nakauwi sa kanilang bahay. 


Samantala sina Lola Miele at Lolo Alponso naman ay nakaupo sa silya nang biglang Sumulpot sina Dennis at Marife.


" Hesus ko, Maryusep! Bat ba kasi sumusulpot kayo bigla sa mga Likuran namin. " Gulat na sabi ni Lola Miele.


"Lola may maliit po kaming problema.." Sabi ni Dennis sabay ipinakita nya kay Lola Miele ang Compass na ibinigay ni Kathleya sakanila.


" Kilala ko ang Compass na yan, ito ang...." Di pa naman natapos ang sasabihin ni Lola Miele nang biglang lumabas si Sinag, Lambanang nagbabantay sa kanya..


" mahal na reyna yan ang compass nang Aydendril. malamang alam nang reyna kung papano gamitin yan. " Sabi nang maliit na nilalang na biglang lumabas sa kanilang harapan." Lola si-sino sya?" Tanong ni Marife.


" At lola bakit mahal na reyna ang tawag nya sayo?" Tanong naman ni Dennis.


" Ipaliwanag muna Miele.." Sabi ni Lolo Alponso. Walang magawa si Lola Miele kundi ilahad sakanyang mga apo ang kanyang totoong katauhan. Habang si Kathleya naman ay binisita nang isa sa mga kaibigang matalik nang kanyang tita.


" Kat nandyan kaba?" tawag nang babae sa labas nang kanyang kubo. at nang tingnan nya ito ay nagulat sya sa kanyang nakita.


" Tita Jessel? ikaw ba yan?" Gulat na sabi ni Kathleya.


" Oo ako nga, kamusta kana?" Tanong ni Jessel sa dalaga.


" Pumasok na muna kayo dito tita.. sobrang ganda nyo na po tita.. ganyan ba talaga kaganda sa Aydendril?" Biro nang dalaga.


" Nako ikaw talaga sobrang daldal mo parin, wala ka paring pinag bago. katulad ka padin nung bata kapa. sguro mga sampung taon? sobrang daldal mo. " Sabi ni Jessel sabay Pisil sa mukha nang dalaga. at nang makaupo na sila sa isang bangko. agad nag kamustahan ang dalawa.


" Uy tita bata pa ako nun. sya nga pala tita bakit ho kayo napasugod dito?" Tanong ni Kathleya.


" Naparito ako dahil nais kung kamustahin ang mga Sugo. naparito naba sila?" Tanong ni Jessel." Oo tita, nag tungo na nga Umarekawari ( reincarnation ) ng Lupa at Hangin dito. " Sagot ni Kathleya.


" ginagamitan mo nanaman ako nang nihongong salita. Pero naibigay mo ba ang Compass na kakailangan nila?" Tanong ni Jessel.


" Oo tita. naibigay ko na sakanila. " sagot ni Kathleya.


" Magaling, sya nga pala bumisita na ba ang kapatid mo dito?" Tanong ulit ni Jessel.


" Hindi pa, pero sabi nya sakin sa fb, sasabay nalang daw sila ni tita Alpia at Tito Raven." sagot ni Kathleya.


" Sya nga pala. hindi mo ba bibisitahin ang mama at papa mo, pati na sina tito Jake at Tito Tyler mo?" Tanong nanaman ni Jessel.


" Mamaya nalang sgurong hapon tita. pero kung gusto mo ngayon na para libre na ang pamasahe ko papuntang sementeryo? " Biro ni Kathleya.


" Dyusko Kat, hindi mo pa ba nagagawa ang maglaho o mag teleport?" Sabi ni Jessel.


" Nahihirapan pa po akong gawin yun tita. pero, nag tetrain naman kami ni ate mia dito. kasi dinadalaw din nya ako dito sa kubo. simula nung pumanaw si Tita Jenna sya na ang nagbabantay saakin. " Sabi ni Kathleya.


" mabuti kung ganun, sge magpunta na muna tayo sa puntod nila at pagkatapos ay magbabalik nako sa aydendril. alam kung magtutungo sila doon sa kaharian." Sabi ni Jessel.


Samantala balik naman kina Dennis at Marife. kahit nagulat man sila sa kanilang nalaman sa kanilang lola miele. ay naliwanagan naman sila sa totoong dahilan ni lola miele sa pagtago sakanyang tunay na katauhan.


" Lola ibig sabihin may powers din ako?" Sabi ni Dennis.


" Hindi ko alam, dahil inubserbahan ko ang mommy mo. wala naman akong naririnig na nakakagawa sya nang kakaibang mga bagay. sa palagay ko ikaw lang ang nagmana saking kakayahan apo. " Sagot ni Lola Miele.


" Ikaw lolo alponso, katulad ka din ba ni lola miele?" tanong ni Marife.


" Oo apo, magkapatid kami. katulad nang lola miele mo. nakilala ko ang lola Gloria mo dito sa mundo nang mga tao. kaya ayun. " Salaysay ni lolo alponso.


" Nakakaloka kayo. pero akala ko ba pupuntahan natin yung totoong may ari nang compass?" sabi ni Marife.


" Hindi ko alam kung kakayanin nyo ba ang hangin sa Ibang mundo. Hindi magkatulad ang hangin dito sa mundo natin at sa ibang mundo. " Sabi ni Lola Miele.


" Lola, kung kami man ang Reincarnasyon nang mga sugo, malamang makakahinga kami o malamang walang epekto saamin ang hangin sa ibang mundo. " Sabi ni Dennis.


"Tama si Dennis Lola kung kami nga ang mga sugo na sinasabi ninyu. malamang immune kami sa ibat ibang hangin sa ibang mundo. di natin malalaman kung di natin susubukan." Dagdag na sabi ni Marife.


"kung ganun, humanda kayo dahil mag tutungo tayo sa Aydendril.l at sasama ka alponso. upang bantayan ang mga bata." Sabi ni Lola Miele. at tumango lang ito.



There you have it guys, thanks for reading & don't forget to vote.  Stay tuned for the next Episode...

Reincarnated MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon