EPISODE 11

15 5 0
                                    

"Ang bagong mundo (Cloud Adonis)" 



ANG NAKARAAN :


Matagumpay nilang nalampasan ang pagsasanay sa tulong ni Lola Miele. Kahit medyo nahirapan ng konti si lance.


" Ang susunod namang magsasanay sa kanila ay sina Mia, at Raven. Binabati ko kayong lima, dahil lahat kayo ay nakapasa sa aking pagsubok at pagsasanay. maghanda kayo sa susunod na magiging guro ninyo. " Sabi ni Lola Miele.


" Sino po ba ang susunod ?" tanong ni Zandro.


At sa likuran ni lola miele, dumating sina Raven at Mia, sout ang kanilang kasuotang pandigma. " Yan ang kasoutan nila noon.." natutuwang sabi ni Dennis.


" Pano mo nasabi Dennis?" tanong ni Denise.


" Yan kasi yung picture na nakita ko sa Libro. noon binabasa ko pa yung storya nila tungkol sa paglaban nila kay sitan. Ang ganda.. alam mo ba ang kasuotan nila ay gawa ng mga oroskopyo. at tingnan mo ang ganda parin. " Sambit ni Dennis.


" Kamusta kayo.. Binabati ko kayong lima.." Sabi ni Mia. at pumalakpak naman si raven. " Ate mia at kuya Raven kayo na ang bahala sa kanila.. " Ngiting sabi ni Lola Miele.


" Maraming salamat helena.." sagot ni Raven.


ANG KARUGTUNG:


Nang Makaalis na si Lola Miele at Sinag..


" Magandang araw sainyo." Ngiting sabi ni Mia sakanilang lima.


" Ako nga pala si Mia, at ito naman ang kasama ko ay si Raven. nais ko sanang magpakilala kayo nang isa-isa saamin, parang sa paaralan lang." Dagdag na sabi ni Mia sabay kindat at bahagyang ngumiti naman ang limang sugo.


" Sinong mauna?" Sambit ni Raven at itinuro nya si Dennis.


" hala bakit ako yung itinuro, antayin nyo naman mahal na prinsepe na may magtaas nang kamay. " Biro ni Dennis.


" Oo nga naman raven, pagpasensyahan muna.. " Saway ni Mia kay raven.


" Nakikita ko kasing kinakabahan sila.. Don't worry guys, Di kami nanga-ngagat, si mia baka may chance pa.. " Biro ulit ni Raven.


" Hala sige siraan pa talaga ako sa harap nang mga bata. Kakaloka.." dagdag na sabi ni mia at di nag tagal ay humakbang paharap si Lance.


" Ako nga po pala si Lance." Pakilala ni lance, at sumunod naman sina, Dennis, Zandro, Denise at Marife.


" Maraming Salamat ang ituturo naman namin sainyo ay ang pag diskubre nang inyong mga 

kakayahan.. Di ibig sabihin ang elemento na unang lumabas sainyong katawan ay yun na ang inyong tinataglay na kapangyarihan. Katulad ng yumao naming kasamahan na si Tyler, taglay nya ang kapangyarihan ng diwatang si Magayon Kung saan si Diwatang magayon ay taglay ang kapangyarihang kayang kausapin ang mga hayop sa hangin, ay kaya din nyang magbago nang wangis bilang Ibon o ano mang uri nang hayop na nasa Hangin. "Salaysay ni Mia.

Reincarnated MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon