EPISODE 18

18 5 0
                                    

"The Fallen (a Quest to find another Nephilim)"


ANG NAKARAAN :


Nakarating na nang Maynila si Lance kasama si Kuya Ernest na kapatid ng kanyang kababatang si Apriel Rose. Nagtatrabaho si Kuya Ernest sa Kompanya ng tatay ng isa pa nilang kababata na Si Roxie. 

Samantala Ibinigay na nang diwatang si Aira ang Kalahati ng kapangyarihan ni Dennis. Ngunit Tila na dadagdagan ang kanilang mga suliranin. Dahil sa Itim na libro na pinakawalan ni Suling.

" Bago kayo umalis, narito ang hinahanap nyo.. " Sabi ni Aira sabay abot kay Dennis nang isang kakaibang lalagyan at sa loob ay maainigan mo sa labas ng lalagyan ang simbolo ng Elemento ng Hangin." Maraming Salamat mahal na diwata.." Sabi ni Dennis.


" Walang anuman, ngunit mag iingat kayo. Lalo na ngayon nararamdaman kung lumalakas na ang Kapangyarihan ni Alpeydous. Isa pa ang suliranin natin sa Itim na Libro. " Sabi ni Aira.


" Oo nga mahal na diwata, hindi ko makita saking ikatlong mata ang lokasyon ng libro." Sabi ni Denise.


" Dahil hindi pa sapat ang mahika saiyong katawan Denise. Alam yan ni pyra! Kung sakaling kelangan nyo ng tulong ko. Patutugin nyo lang ang Plawtang ito. At asahan nyong darating agad ako." Sabi ni Aira." maraming salamat muli mahal na diwata." Sambit ni Lance.


"Isang Nephilim? " Gulat na sabi ni Aira.


" Opo." Ngiting sagot ni Lance.


" Kung ganun, Protektahan mo ang taong importante sayo. " Sabi ni Aira sabay Kindat sa binata. At tumawa naman si lance dahil alam nya kung sino ang tinutukoy ni Aira.


" Ngunit mahal na diwata papano ang itim na libro?" Pag aalalang sabi ni Marife.


" Kami na ang bahala sa librong iyon, oras na makompleto nyong mahanap ang pinag iwanan ng inyong mga kapangyarihan. Kami na ang bahala ang umayos doon. Basta mag-iingat kayo. " Ngiting Sabi ni Aira.


ANG KARUGTUNG :


" Dad, mauna na muna akong uuwi sayo, itetext ko pa si Apriel Rose. Bibigyan ko sya nang Update tungkol kay Lance. " Sabi ni Roxie sabay kuha nang kanyang Sling Bag.


" Sige nak, pero alas tres na pala nang gabi, Delikado na sa Daan. Mabuti pa ipapasama ko nalang si Kuya Ernest mo." Sabi nang Tatay ni Roxie.


" Ernest!" Tawag ng tatay ni Roxie sa kanilang Driver. Ilang sandali pa ay dumating si Ernest na may dalang kape na binili nya.


" Yes Doc Lawrence?" Tanong ni Ernest.


" Pakisamahan mo naman pauwi si Roxie, Delikado na kasi!" Sabi ng tatay ni Roxie.


" Dad, and Kuya I'm ok Isa pa malaki nako. " Sagot ni Roxie at umalis na ito sa loob nang Opisina." Alam nyo Doc? kakaiba na talaga ang mga milenials ngayon. Di katulad noong bata pa tayo. isang salita lang nina Inang at Itang wala na Mag Ye-yes agad tayo. " Sambit ni Kuya ernest habang humihigop ng mainit na kape.

Reincarnated MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon