EPISODE 10

17 5 0
                                    

"Ang Pagbabalik ng mga Tagalipon"


ANG NAKARAAN :


Nagkita-kita na silang lima, Habang sina Alpia, Mia at Raven naman ay Handa na silang makilala ang mga bagong sugo.


ANG KARUGTUNG:


Kinaumagahan, naghahanda na silang lima, upang mag tungo sa Aydendril." Gumising na kayo.. Nakakaloka! Hala bangon na.." Sigaw ni Kathleya.


" teka anong oras na ba manang!" Birong sabi ni Dennis.


" Hoy Excuse me kung maka manang ka sakin.. Tsaka mas ok yung ganitong oras tayo pupunta doon para walang taong makakakita saatin. " Sambit ni Kathleya.


" Okay, give me 30 minutes para makapag handa. " Sabi ni Denise habang nakapikit pa ang kanyang mga mata.


Samantala dumating na sina Mia, Alpia at Raven sa Ayden.


" Di parin nag babago ang ayden ganun pa din ito kaganda. " Sabi ni Alpia habang nakatingin ito sa malawak na berdeng tanawin.


" At di lang yun, mukhang naging mas maunlad ito ngayon. Mabuti pa magtungo na tayo sa Palasyo."Sabi ni Raven.


" Oo nga, ilang taon na ba nung nandito tayo? I mean huling bisita natin?" Tanong ni Mia.


" Matagal na yun isa pa, nung nakikipaglaban pa tayo kay Sitan nun." Sagot ni Raven.


Ilang sandali pang Lakaran ay narating na nilang tatlo ang Bukana papasok nang palasyo. " Saan kayo pupunta?" Harang nang isang kawal sakanilang tatlo.


" Sila ang malalapit na kaibigan nang reyna sa mundo nang dalaket. ang kaharap mo kawal ay ang mga reyna at prinsipe. Ang dating reyna Alpia, at Reyna Mia kasama nila si Prinsipe Raven. " Sambit nang babaeng nakahood.


" Punong Dama kayo ho pala.." Sabi nang kawal sabay yuko sa babae.


" Kamusta na kayo. mabuti naman at nakarating kayo.." Sabi nang babaeng nakahood at unti-unti nya itong tinanggal ang hood.


" Susmihta? ikaw naba yan?" Tanong ni Alpia.


" Mahal na reyna, kamusta kana.." Sagot ni Susmihta sabay yakap kay Alpia." Reyna Mia, mas lalong gumanda kana ngayon.. pati rin ikaw mahal na prinsepe mas lalo kang pomogi. " DagDag na sabi ni Susmihta.


"Maraming Salamat Susmihta. Teka ikaw kamusta kana..?" Tanong ni Alpia.


" Nako mga kamahalan, marami akong ikukwento sayo kaso, inaantay na kayo nang aking kaibigan sa palasyo. Humawak kayo sakin dadahil ko kayo sakanya." Sabi ni Susmihta. Agad namang humawak silang tatlo sa Balikat ni Susmihta. At agad silang naglaho. Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa Bulwagan nang Palasyo.

Reincarnated MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon