EPISODE 15

14 5 0
                                    

"Ang Umalagad ni Denise (The Hestia Guardian)" 


ANG NAKARAAN :

Bago pa nagkasalubong ang landas nilang Lima, Naala nyo ba ang nangyari sa Mall kung saan tinulungan ni Denise si Zandro.


" Denise, itutok mo ang kamay mo sa ipo-ipo. at sambatin mo ang kataga ( Amigo nga santelmo, gamit imong kahayag. Ipahunong kining ipo-ipo ) " Sabi nang isang Boses." Si-sino ka?" Gulat na sabi ni Denise." Wala nang oras Denise. gawin mo na. " sabi nang boses. dahil na rin sa natataranta si Denise. ay agad nyang binigkas ang mga salita na ibinigay nang boses sa kanya." Amigo nga Santelmo, Ga-gamit an-ahng ih-imong kahayag, Ipahunong kining Ipo-ipo!" Sambit ni Denise at biglang mas umalab pa ang kanyang mga kamay at lumiwanag ang boung paligid dahil dito. Nakaramdam man nang init si Denise sa kanyang kamay pero, di sya napapaso. para bang normal lang na init.


KILALANIN SI PYRA ang Dating Hestia Guardian.!

But before we start let's hear some trivia o Wikigle (Pinagsamang Wikipedia at Google) Mula kay Kathleya. lol!


Kathleya : Ano nga ba ang UMALAGAD.?Just correct me if I'm Wrong po, if tama ang nabasa kung sa mga Research ko.Sinasabing pag ang isang Mabuting Dungan ( Good Soul ) na galing sa Sulad at Dinala nang Diwatang si Malandok patungoong Saad (Heaven ) Magiging isa sa mga Diwata ang Dungan na yun.

May iba ding nagsasabi na pwde mo itong maging Tagapagbantay. Yan ang nabasa ko sa mga articles and History lol.

Just correct me if I'm wrong mga Mahal if may mali sa ibinahagi kung impormasyon Tungkol sa Umalagad. If may maidadagdag pa kayo, I comment nyo nalang sa baba then idadagdag ko nalang dito. Di na natin papatagalin pa mga mahal ito na ang Karugtung.


ANG KARUGTUNG :


Nang makaalis na sila nang Library. Ay wala pa ding Malay si Denise. At nakatanday ang ulo ni sa Balikat ni Zandro.


" Tila sobrang pagud ni Denise." Sabi ni Marife.


" Ganun daw kasi yun ate fe pag sinaniban ang katawan mo nang ibang kaluluwa, Katulad nung nakita ko sa Tv. May mga Paranormal Investigator na pagkatapos sanib nang mga kaluluwa ay nang hihina sila." Sabi ni Dennis.


" Teka baka nagugutom na kayo? " Sabi ni Lance.


" Nako lance ayusin mo dyan sa pagmamaneho. may pagkain ako dito." Sabi ni Marife." Penge ate, nagugutom na din kasi ako.." Sabi ni Lance. sabay abot ni Marife sa isang supot nang Shopao.


" Alam mo Zee, bagay kayo ni Ate Denise " Biro ni Dennis. Sumenyas lang si Zandro nang Tahimik dahil natutulog pa si Denise.


" Diba ate? "Pangungulit nya kay Marife.


" Heto kumain kana, dahil malayo layo pa ang Byahe natin.." Sabi ni Marife sabay subo nang isang boung Tinapay kay Dennis.


" Kung maka Zee ka kay Zandro, Di kayo magkaedad hoy! " Sabi ni Marife.


" Hala, ilang taon na kana ba Zee?" Tanong ni Dennis.

Reincarnated MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon