EPISODE 12

13 5 0
                                    

"FIRST ENCOUNTER WITH SUPER HUMANS"



ANG NAKARAAN :


Nakilala na nila ang unico ijo nina Theo at Katalina na pinapangalagaan ni Alpia.


" Welcome Cloud " Bati nang computer sa kanya.


" Tita buti nalang dumating kaagad, dumating pa ang destress signal na ginawa ko sainyo?" Tanong ni Cloud. Napatingin silang lahat nang makita nila si Cloud. Matangos ang ilong, malamlam ang mga mata, at kulay asul na mga mata nito.


" Ang pogi nya.." Bulong ni Denise kay Marife.


" Oo nga, parang super model.. Tingnan mo yung chest nya Bes Ulam na." Sabi ni Marife.


Lingid sa kaalaman nina Raven at Mia ay tumayo nang isang Sekretong organisasyon si Alpia. Upang tulungan ang mga taong may kakaibang kakayahan. At sa unang pagkakataon sasabak sila sa isang misyon kasama si Cloud.


" Red alert! Sa 44th St, Madaluyong sa isang Apartment may Gift.." Sabi ng Computer at agad nag iba ang screen at may umiilaw na pula.


" Serious na ba yang RED ALERT?" Tanong ni Mia.


" Dito nalang muna kayo tita at tito. " sabi ni Cloud kina Raven at mia.


" Excuse me ijo, nagpahinga lang kami sa labanan pero kaya pa din naming makipagsabayan sainyo ah..." Sabi ni Mia.


" Mia, dito nalang.. oras na para makita natin ang galing nang mga sugo. " Sabi ni Alpia. " Po? wala po kaming alam sa pakikipaglaban." sabi ni Marife.


" Sabi nga saakin ni Jenna noon, sa pakikipag laban matutunan mo yan sa sarili mong paraan. bastat mag tiwala kayo dito. " Sabi ni Alpia sabay turo sa kanyang bandang Dibdib.


" Wag kayong mag alala, di ko kayo papababayaan...sabay kindat ni Cloud. at kinilig naman sina Marife at Denise.


" Okay po kuyah.." sabi ni Denise at pinaliit nya ang kanyang boses.


" Malandi..." Saway ni Zandro.


" Mag e-LQ nanaman kayo?" sabi ni Dennis.


ANG KARUGTUNG:" Sandali mga bata, mag iingat kayo sainyong unang misyon, alam kung wala pa kayong masyadong alam, pero may tiwala akong makakaya nyo ." Sabi ni Alpia at itinaas nya ang kanyang kamay bilang tanda na binibigyan nya ng Basbas ang lima.


" Maraming salamat po. mahal na reyna.." Sabi ni Lance.


" Ijo, dito sa mundo nyo di ako reyna.. tawagin mo nalang akong Nanay Alpia." Sagot ni Alpia sabay ngiti nang napakatamis sa kanilang lima.


" Wag kang mag aalala mom, di ko sila pababayaan.." Sabi ni Cloud At nag simula na silang lumabas sa kwarto. Habang punta sila sa Elevator, iginala nilang lima ang kanilang mga paningin sa paligid nang HeadQuarters. hanggang sa mapansin ni Marife at Dennis ang dalawang babae.

Reincarnated MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon