EPISODE 05

24 6 0
                                    

"Zandro Garcia and Denise Villa-real's  P.O.V."  (The Nymph Guardian and The Hestia Guardian)


 Hi Everyone, thanks for reading hopefully that you guys are enjoying. 

Hi Ako nga pala si Zandro, makikita nyong isang normal lang na araw ito para sainyo. Kasalukuyan akong pumapasok sa isang Call Center Company.

Pero di ko ibabahagi ang tungkol dyan. Naguguluhan ako sa mga nangyayari noong nakaraang araw. Simula nung may nabalitaan akong isang paaralan na sinalakay umano nang mga alien sabi sa balita., Pero nung nakita ang pictures nang dalawang studyante na nawawala. parang pamilyar silang dalawa saakin.


FLASHBACK:


Kasalukuyang nagpapahinga si Zandro, nang biglang ipinalabas sa balita ang tungkol sa pagsalakay nang mga halimaw sa paaralan nina Dennis at Marife.


" Kasalukuyan pong hinahanap ang dalawang batang ito, na sinasabi na natabunan sa mga bumagsak na gusali o maraming may sabing, kinain na sila nang Alien. " Sabi nang Reporter sa Tv. Habang tinititigan ni Zandro ang mukha nina Dennis at Marife biglang sumakit ang kanyang ulo at may mga imahe syang nakikita ngunit masyadong magulo. 


Samantala Kilalanin naman natin si Denise Villa-Real.


Hi Ako nga pala si Denise, nasa 25 taong gulang na. Kasalukuyang nag tatrabaho ako sa isang malaking Mall dito sa amin di ko na papangalanan. Honestly di ako naniniwala sa De javu at Past Life na tinatawag nila. pero nung nakita ko ang pictures nang dalawang grade 7 na mga bata sinasabing inatake ang school nila nang Allien.


Katulad nang nangyari kay Zandro, nang makita ni Denise ang mga larawan nina Dennis at Marife, biglang may mga imahe ang gumugulo sa kanyang isipan. katulad nang kay Zandro, magulo din ito. Habang naguguluhan sila sa mga imaheng lumalabas sakanilang isipan. Biglang nag liwanag ang kanilang palad. at doon lumabas ang simbolo nang Tubig kay Zandro at Simbolo nang Apoy kay Denise.


" Ano ang mga to?" sabay na sabi nina Zandro at Denise habang namangha sila sa kanilang nakita sakanilang palad.


Balik naman kay Zandro. Habang nasa Tren si Zandro papunta sa opisina nila . sa mga oras na yun ay gulong-gulo pa din ang kanyang isipan sa mga nangyari, simula sa pag liwanag nang kanyang palad at mga imahe na lumabas sakanyang isipan. at ang nagbibigay kaguluhan pa lalo sa kanyang isipan ay ang mga mukha nina Marife at Dennis.  Kahit malamig naman ang loob nang tren ay pinagpapawisan sya nang malamig. 

Hanggang sa tumigil ang tren sa isang stasyon upang magpicked up nang mga pasaherong nag aantay.  Ilang minuto pa ay dumami na ang pasahero.  At Tyempo namang nasulyapan nya ang kanyang nobya, sa bandang unahan nang tren. Akmang tatawagin na nya sana ito.  Biglang may isang lalaki ang umakbay dito, sabay halik sakanyang nobya. Lalapitan na nya sana ito upang comprontahin ngunit dahil sa sobrang sikip nang tren, dahil sa dami nang pasahero. di sya makagalaw sa kanyang kinatatayuan. wala nalang syang magawa kundi tingnan lang nya ang dalawa. 

Ilang sandali ay huminto ang tren sa pangalawang stasyon. at doon naman bumaba ang kanyang nobya at kasama ang kalaguyo nito. at sinundan nya ang dalawa kung saan ito papunta at habang nasa daan sila , di napigilan ni Zandro ang kanyang emotion.

Reincarnated MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon