EPISODE 17

14 5 0
                                    

"When They Meet Jorogumo"


ANG NAKARAAN :


Nalaman na ng mga taga baryo kung sino ang pumapatay sa mga tao. Tangkang huhulihin ng mga pulis si Suling... " Wag nyo akong hahawakan! Magsisi kayo!" Sabi ni Suling at ipinakita nya sa lahat ang kanyang Anyong Aswang. 


Nagulat ang mga tao sa kanilang nakita. Di nila inakala na ang dalagang bibo at Matulungin isa palang Halimaw." Oo ako ang pumapatay! Bwahahahha!" Sabi ni Suling.

"Suling? anak? bakit mo ginagawa to?" Tanong ni Aling Cythia.

 At Sumigaw si Suling ng napakalakas. Halos mabingi ang mga tao na nasa paligid. "Uubusin ko kayong lahat!" galit na sabi ni Suling. 

"Suling hindi kita papayagan dyan sa Gusto mong mangyari! Dadaan ka muna saking Bangkay bago mo saktan ang mga tao dito sa Baryo Marikit!" Sabi ni Aira at biglang Lumakas ang Hangin. 

"Isang diwata ang pinuno ng mga Hunters. Ang galing! " Sabi ni Suling. " Kasama mo kami Miss Aira." Sabi ni Denise.


ANG KARUGTUNG :


" Lalaban tayo mga kasama! " Sigaw ng mga taga baryo marikit.


" Anong Laban mo saamin Suling ikaw lang mag isa!" Sabi ni Aira. At biglang Lumabas sakanilang Harapan ang isang kakaibang nilalang. Ang pang-itaas na anyo ay isang babae habang ang pang-ibaba naman ay isang Gagamba.


" Hindi patas yan! Mga alagad kung nasa dilim, Tinatawagan ko ang inyong Presensya. Magpakita at Kumitil!" Sambit ng babaeng Gagamba.


" Si-sino yan?" Tanong ni Lance.


" Spider Girl?" Birong sagot ni Dennis.


" Isang Jorogumo.." Sambit ni Marife.


" Si-sino ka?" Tanong ni Suling sa babaeng Gagamba.


" Hindi na mahalaga, kung sino ako! Ang importante magiging patas na ang Laban!" Ngiting sabi ng babaeng gagamba.


" Tama, Jorogumo..Isa sa mga uri ng Yokai ng Japan. Ngunit bakit sya nandito?" Tanong ni Denise.


" Kung ano man yan. Palagay ko, isa sya sa mga tauhan ni Alpeydous. kumuha pa talaga sya nang Import mula sa Japan. " Sabi ni Aira at isinout nya ang kanyang mahiwagang Pulseras." Saan galing ang mga nilalang na yan?" Gulat na sabi ni Aling Freda.


" Hindi ko alam ma.. Pero mas mabuti pang Bumalik na kayo sa bahay. " Sabi ni Dave sa kanyang ina. Mula sa madidilim na bahagi ng mga puno ay may mga kakaibang nilalang ang Lumabas. " Shadowkhan? " Sambit ni Lance.


" Uy infairness yun din sana sasabihin ko, naunahan mo lang ako." Sabay tapik ni Dennis kay Lance.


" Ngayon Mukhang patas na ang Laban mga SUGO!" Sabi ni Jorogumo.


Reincarnated MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon