EPISODE 08

25 5 0
                                    


"ANG NEPHILIM (Lance Park P.O.V. )"



ANG NAKARAAN :


Nagkakita-kita na sina Dennis, Marife, Denise at Zandro. Kahit medyo nagulo ang mga pangyayari. ay naging maayos naman. Habang si Doc Lawrence naman ay patuloy padin nyang sinabihan ang kanyang mga kalahi tungkol sa pangu-nguha nang bangkay sa morgue. At ngayon Kilalanin naman natin ang Ika Limang tauhan nang ating Kwento na si Lance.


ANG KARUGTUNG :


Sa isang madilim na Eskinita tumatakbo ang isang babae at isang batang lalaki.


"Lance anak, tumakbo kanaaaahh!!!" Sigaw nang kanyang ina.


"Mamaaaa!!! Mamaa!!!" Sigaw naman ni Lance sakanyang mama habang walang takot itong hinarap ang tatlong naka hood nang itim.


"Dadaan muna kayo sa bangkay ko. bago nyo makuha ang aking anak! " Matapang na banta nang kanyang ina sa mga humahabol sakanila.


"Mama halika na please.." umiiyak na sabi ni Lance sa kanyang mama.


"Hindi ako papayag na makuha nyo ang anak ko." May kinuha sa Bulsa ang kanyang mama. "Anong gagawin mo Angela? " Sabi nang isang nakahood.


"Ang kwentas nang Langit bakit nasayo yan?" Tanong nang isa pa.


"Umatras kayo kung ayaw nyong sumabog tayong apat dito." Banta nang kanyang ina.


"Angela. Hindi mo kayang gawin yan sa kauri mo. alam mong masama yang gagawin mo. " sabi nang isang nakahood na Boses babae.


"Wala akong pakialam! Alam nang dyos kung gaano ako kasaya dito sa mundong ito. ngunit bakit nyo kinuha saakin ang mahal ko. Hindi na ako babalik doon. nangako ka sakin Apollonia na di mo kami ipagkakalulong ni Miguel. Ngunit bakit? " Umiiyak na sabi ng mama ni Lance. at hinubad naman nang babaeng nag-ngangalang Apolonia ang kanyang hood.


" Angela Di ka namin sasaktan sumama kana!" Sabi ni Apolonia.


"Mama! " lalapit sana si Lance sa kanyang mama ngunit biglang pinigilan si Lance nang isang malakas na enerhiya na gawa nang kanyang mama.


"Wag kang lalapit.. tumakbo ka bilis." Sabi nang kanyang mama. at binulungan ng dasal ang kwentas. Pagkatapos nun ay Paatras nang paatras ang tatlo.


"Angela, wag mong gagawin yan. please.." Sabi ni Apolonia. at biglang inihagis ng mama ni Lance ang kwentas mula sa itaas isang malakas na pagsabog ang nangyari. Hindi na nakita ni Lance ang buong nangyari dahil na walan sya nang malay nung nangyari yun.


"Waaaaaggggggg!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" Sigaw ni Lance.


Reincarnated MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon