Madison's POV
"Magkwento ka naman sa mga nangyayari Madi! Ang unfair mo samin ah," pagtatampo ni Jasmine. Hayy. Anong ikukwento ko?
"Wala naman akong dapat ikwento Jasmine.." sabi ko.
"Alam naman nating tahimik lang yan si Madi, kain tulog lang yan!" wait, pagbibiro pa ba yan? Kasi kung totoo, makakasapak ako ng tao. JOKE. Sampal lang syempre, Joke lang ulit!
"Wag mo ko itulad sayo." natatawa kong hinampas ng mahina sa balikat si Zayn.
"Sorry na. Nagbibiro lang eh," He pinch my cheeck. "Jamming tayo?" pagbago ko sa topic. Tutal wala naman akong ginagawa sa bahay, mag jamming nalang kami.
"SURE!" Agad na sagot ni Jasmine. Parang walang nangyari na pagtatampo kanina. "Game! Namimiss ko na humawak ng gitara." Sabay nag rock n roll sign si Zayn sa kamay.
"Sali kaya tayong battle of the band?" No, no, no. Agad akong umiling sa sinabi ni Zayn.
"Madison naman eh, di ka na nga pumayag sa cheering diba?" Ay, oo nga pala. Bago kasi mag lunch break kahapon sinabi ko sa kanila na ayoko mag cheer dance. Feeling ko ikamamatay ko yun.
"Okay." pag payag ko, kaya ayun. Hilig ko naman ang tumugtog eh. Bukod kasi kay Kai, ito ang nagpapasaya ng araw ko. Tsaka pag malungkot ako, bestfriend ko ang music.
"WAAAHHH OH MY!!! BAKIT ANDITO SI KAI!!!!"
"MARRY ME, PLEASEEEEE!!"
"A-ANG G-WAPO T-AL-LAGA NIYA IHHHH KAINIS eekk"
"B3b3Lh4bvs K4i quOh!! Ikc4w Lh4rn Zhu4paT Nh4!!!!"
Si Kai nandito sa room? Agad akong tumingin sa pinto at nandoon nga siya. Parang may hinihintay yata.
Lahat nang malalandi naglabasan, pati na rin jejemon. Hayy, di parin sila maka-move on sa 2012. Laos na po ang Jejes.
Dugdug dugdug
"Si Kai nandito?? OH MY GAAAAWD!" Sigaw ni Jasmine... May gusto kaya siya kay Kai?
"Jas! Crush mo?" tanong ni Zayn. "Hahaha! Nako! Hindi ah. N-na popogian lang a-ak-ko..." Sabi niya and flips hair. I know her crush, at yung classmate namin yun.
Dumating yung teacher namin para sawayin yung ingay. Grabe. Daig pa ang bangayan ng JaDine and KathNiel fans. Ang sakit sa tenga. Nung matapos siya manermon, dismissal na.
Nahuli akong lumabas, tinago ko muna kasi sa pinaka ilalim-ilaliman ng bag ko yung ballpen ko. Baka kasi magteleport na naman 'to sa ibang bag. Mahirap na.
I was shock, charot English. Nagulat ako nung pagkalabas ko, nandoon si Kai Monteverde.. Wait, Ako ang hinihintay niya?
"K-Kai?" pagbanggit ko sa pangalan niya.
Kai's POV
"Grabe pare! Ang hina mo! Dalawang beses na kayong nag meet, di mo parin alam yung pangalan?" Pang aasar nitong si Bryan. Oo ako na tanga. Tss.
"I just want to be her friend. May next time pa naman eh!" Sabi ko habang nakahalumbaba.
"Pare, friends lang talaga?" binatukan ko agad siya. "MALAMANG!" He grinned and laugh. Ge asar pa.
"Ang alam ko, ka-batch natin yun?"
"Parang nakita ko na nga eh, nung nag aanounce ako ng practice," I said. She's simple yet interesting. Masaya siyang kasama, and kung titignan niyo yung 'want to be friend' lists ko, siya ang una.
BINABASA MO ANG
A Music In My Heart
Teen FictionSa bawat pag tibok ng puso ko, sa bawat kantang naririnig ng mga tenga ko. Walang ibang naiisip ang utak ko, kundi ang tibok rin ng puso mo.