"San ka ba nakatira?" Sa puso mo.
Ang bagal nang paglakad namin, at wala man lang katao-tao sa paligid.
Bakit ganoon? Bakit parang naging romantic yung ulan ngayon. Porket ba nasa iisang payong lang kami.
Dugdug dugdug.
Shhh, wag kang maingay heartbeat!
"A-ah, dyan lang." Turo ko sa village kung san kami patungo. "Good thing, dyan din ako nakatira."Seryoso? Ang tagal ko na siyang crush pero ngayon ko lang nalaman na dito rin siya nakatira.
He chuckled. Bakit kaya? "Ang weird ng pandinig ko ngayon," Dugdug dugdug. "Ha? Bakit naman." Nagtataka kong tanong.
"Haha basta, it's weird." Tumingin siya sakin at ngumiti. Ang singkit talaga ng mata niya, at ang pula ng mga labi.
"Baka ako yung weird?" Natatawa kong tanong. Malamang pa sa malamang, ako yun. "Uy hindi ah. Sabi ko nga, sa pandinig ko eh." Sabi niya and look away.
Ganito ba talaga? kahit sa anong angle mo tignan napapabilis niya parin ang tibok ng puso ko. Kung pwede lang siguro mag lagay ng effects dito na may mga puso, ilalagay ko eh. Para naman kahit sa ganung bagay maiparamdam kong gusto ko siya.
*Splash*
Sa sobrang katangahan ko, ayun natalsikan ako ng tubig nung dumaang kotse. "O-Okay ka lang?" tanong niya habang kumukuha ng kung ano sa bag niya.
"Ayos lang." I stared at him. He smirked. Bakit?
Tinanggal niya yung payong, sabay tumayo ng tuwid. Ehh?
"Nababasa na---"
"Let's enjoy the rain." Basang basa na kaming dalawa. Dugdug dugdug
Lord, hindi ko naman to hiniling. Sobra-sobra na po yung pagtupad niyo sa hiling ko. SALAMAT PO at nakasama ko si Kai, habang umuulan...
Akala ko, hanggang tingin lang ako. Akala ko, hanggang panaginip lang ang mga ganto.. Pwede pala? Pwede palang matupad ang mga hiling mo.
Habang naglalakad kami, natatanaw ko na yung bahay namin. "Hanggang dito na lang, Salamat sa paghatid." sabay ngiti ko ng tipid.
"Wala yun!" He said. Nag goodbye na ako at ganun din siya. Ang saya niyang kasama,
Ayokong magpahatid hanggang sa tapat ng bahay dahil baka isipin nilang may boyfriend ako. NAKO. MAPAPATAY AKO NG WALA SA ORAS.
(....)
"Basang basa ka? Magbihis ka na dali," sabi ng mama ko. Tumango lang ako bilang response at nagbihis na sa kwarto.
Close kami ng pamilya ko kaso masyado akong tahimik. Kaya hindi rin halata na close. Ano na kayang ginagawa ni Kai? Aish!!! Kakauwi ko palang namimiss ko na siya.
Baliw ka na nga Madison. Baliw na baliw sa kaniya. Hanggang sa pagtulog ko, sigurado. Mapapanaginipan na naman kita.
Tanga ba ako para magkagusto sa isang lalaki na alam kong hindi kailan man pwede maging akin? Tanga ba ako, dahil nag bubulag-bulagan ako sa maraming babaeng magaganda na nakapalibot sa kaniya?
Oo na. Tanga na ako. Pero hindi ako mahuhulog ng tuluyan sa kaniya. AYOKO. I mean, AYOKONG MASAKTAN at Umiyak dahil sa pesteng pag ibig. Sabi nga ng mama ko, Nakakasira ng buhay ang pag ibig.
Icontradict ko kaya? Hindi naman pag-ibig ang nakakasira. Kundi ang mga Maling tao na minahal natin.
"Kung hindi lang sana naging unfair ang mundo," bulong ko sa sarili ko. Totoo naman diba? Unfair. Lahat nang mga bagay sa mundo hindi talaga pantay pantay.
BINABASA MO ANG
A Music In My Heart
Fiksi RemajaSa bawat pag tibok ng puso ko, sa bawat kantang naririnig ng mga tenga ko. Walang ibang naiisip ang utak ko, kundi ang tibok rin ng puso mo.