Ewan ko ba. Kasama ba talaga yung sakit pag nagmahal ka? Yeah you heard me. NAGMAHAL. I just confirmed my feelings, and I realized ito na yata yung sinasabi nilang Love.
Si Kai, ang nag iisang lalake na nagpatibok ng puso ko.
Si Kai ang nagturo sakin kung paano sumaya.
Si Kai ang dahilan kung bakit ako umalis sa tahimik na mundo.
At si Kai din ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito ngayon..
Pero wala naman siyang kasalan.
Yeah wala siyang kasalanan dahil di naman niya alam na crush ko siya o mahal ko siya or what so ever na tawag sa nararamdaman ko. Di niya alam na masasaktan ako. Bobo ka Madison ikaw talaga yung mali! Aray naman. Okay na tanggap ko na ako ang mali. Dahil una palang naman sinabi niya na yung about kay Cheska. Ako lang naman tong tanga na umasa na magugustuhan din niya.
Sobrang taas niya para abutin. Sana kahit sa panaginip lang maabot ko siya, kaso mukhang impusible parin. Wag ka ng umasa.
Napa-hays nalang ako. Uwian na kasi ngayon at nag iisa nalang ako sa Music Room. Wala akong pake kung may multo man, aayain ko na lang siyang samahan ako umiyak para naman di ako mukhang tanga dito.
Gitara...
Naisip ko bigla. Sa tuwing nalulungkot ako at nag iisa, siya pala ang kasama ko. Napangiti nalang ako ng mapakla. Bakit ba sobrang affected ko? Di naman ako niloko.
"Bahala na.." bulong ko. Bahala na sa mga mangyayari. Kinuha ko yung gitara doon sa sulok, strum lang ako ng strum. Nagulat na lang ako ng natutugtug ko na pala yung madalas tugtog doon sa kanto.
"♪ sa puso ko'y nag iisa.." ikaw lang naman talaga ang laman nito. Buti nga di ka nalulungkot e, kasi wala kang kasama sa puso ko.
"♪ kahit mayroong iba,
Kahit hindi tama ang ginagawa sinta.." Nangingilid na yung luha sa mga mata ko. Wag kang iiyak Madi, baka may makakita sayo."♪ basta ba'y makasama lang kita,
Kahit kapiling mo pa siya.""♪ at huwag ng mangamba
kahit sabihin na kalimutan ka
Di ko 'to makakaya..""♪ basta ba'y makasama lang kita
KAHIT KAPILING MO PA SIYA." Baliw ka Madi. Kaya mo bang makasama si Kai kung iba naman yung laman ng puso at isip niya. Magka iba kayo ng pintig ng puso.Napapunas ako ng luha na tumulo. Inilapag ko na rin yung gitara. Sabi ko naman sa inyo e, kahit anong kanta pa yan kaya kong idedicate lahat yan kay Kai Monteverde.
dugdug.
"Ang ganda pala ng boses mo," nalingon ako sa tapat ng pintuan. Sana di niya narinig yung kanta kaso narinig nga yung boses ko e, yung kanta pa kaya?
BINABASA MO ANG
A Music In My Heart
Fiksi RemajaSa bawat pag tibok ng puso ko, sa bawat kantang naririnig ng mga tenga ko. Walang ibang naiisip ang utak ko, kundi ang tibok rin ng puso mo.