Chapter 10 - The other side

16 3 0
                                    

Bawat pagkakasalubong namin sa corridor, parang nagiging slow motion ang lahat ng pangyayari..

"Konti na lang perfect na natin!!" - Zayn.

Yung mga tingin niya sakin na bumabaon sa kaloob looban ko, parang may gusto siyang sabihin..

"Sana naman umayos na yung isa dyan!" - Jasmine.

Pero di niya magawa dahil umiiwas ako. At sa bawat pag iwas ko nasasaktan yung puso ko.

"Sana makinig na siya," - Zayn.

Yung puso kong hindi ko na ulit naramdaman yung mabilis na tibok. Parang nawalan ng buhay yung puso ko.

"HOY MADI! Lutang forevs?? Last week pa yan ah." Bumalik ako sa katauhan ko nung sigawan ako ni Jasmine. Last week??? Ang bilis naman lumipas ng mga araw na hindi ko siya nakakausap. Pag nakikita ko naman siya, slow motion ah? Paanong bumilis???

Baliw na talaga ako.

Buti alam mo!

Ha? Sino yung sumagot??! Arrrggh!! Nagkaka-depression na yata ako!!!

"Wala 'to. Tara na, saan na ba tayo banda?" Napa-face palm si Zayn. "May problema ba?? Sabihin mo samin." Pagkumbinsi sakin ni Zayn, halata sa mukha niya ang pag aalala. "Wala nga." Cold na sagot ko.

"Sa Pangarap lang Kita. Doon na tayo banda," pagbago ng topic ni Jasmine. Hinawakan niya yung kamay ko sabay ngiti, "Kahit di mo sabihin, ramdam namin. Pero hihintayin na lang namin na ikaw yung magsabi." Ngumiti ako sa kanya. Wala talaga akong balak magsabi.

Nagsimula na tumugtog yung instruments. Si Jasmine ngayon ang nasa drums, at si Zayn ang guitarist. Kakanta kasi siya kasabay ko. Nag gigitara din ako sa ngayon, kailangan kasi dalawa yung nag gigitara, e.

"♪ Mabuti pa sa lotto
May pag asang manalo
Di tulad sayo Impusible!"

"♪ Prinsesa ka,
Ako'y dukha.
Sa TV lang naman kase
May nangyayare!"

"♪ At kahit mahal kita,
Wala akong magagawa
Tanggap ko oh, aking sinta
PANGARAP LANG KITA.."

[ Instrumental ]

"♪ Ang hirap maging babae,
Kung torpe yung lalake.
Kahit m-may g-gusto ka...
Di mo-"

A Music In My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon