Chapter 09 - Layuan mo siya!

12 4 0
                                    

Pagdating namin sa bahay nila Zayn, tuwang tuwa yung mommy niya dahil nakabisita daw ulit ako. Medyo awkward kaya tango lang ako ng tango at ngumingiti. Sayang lang dahil wala si Jasmine, at siguradong dadaldalin nun ang nanay ni Zayn dahil nga crush niya.

"Madi, kain na tayo. Gutom ka diba?" Natatawa niyang sabi. Hinampas ko sya ng mahina. "Shhh ka lang." Bigla naman siya napatawa ng malakas pero manly parin ang dating. Inirapan ko siya dahil revealed masyado na gutom ako. Baka kasi sabihin ng kapatid niya eh, patay gutom ako!

"Kumain ka ng madami ah, magugutom ka na naman mamaya pag nandoon na tayo sa studio." Tumingin lang ako sa kaniya at tumango. Busy kasi ako sa pagkain ng mga chocolate oreo cake dito, home made ng mommy niya. ANG SARAAAAAAP TALAGA! AS IN.

*ngasab ngasab*

"HUY hinay-hinay lang!" Nagulat ako kay Zayn kaya bigla na lang akong nasamid. TAKTE bumara na yata sa esophagus ko! *ubo*

Kumuha siya agad ng tubig at inabot sakin. Ininom ko kaagad, at naramdaman ko yung relief. Buhay pa 'ko!

"Ginulat mo kasi ako e," pagsisi ko sa kanya. Biro lang naman 'to. Pero muntik ko ng ikamatay yun ah. Joke.

"Sorry, di ko sinasadya." Nag aalala yung mukha niya. Nagulat nalang ako ng bigla niyang hawakan yung kamay ko. "Sorry.." Hala sineryoso. May paghawak pa ng kamay.

"Ehehehe, okay lang." Binitiwan ko yung kamay niya tsaka nagpatuloy sa pagkain ulit.

(.....)

"Sigurado ka, Ikaw lamang yung kakantahin natin?" Tanong ko ulit. Di naman sa ayaw ko yung kanta, pero ako kasi yung inakalang nag suggest nun. Baka ako yung sisihin na ang panget ng taste.

"Yeah, I ask some of our classmates ayos lang daw yun! Madaming may favorite daw sa kanta ng Silent Sanctuary, kaya okay lang naman siguro." Tumango tango lang ako. "Lalake ang vocalist don, so dapat ikaw kakanta!" Yes! Di na ko kakanta!! *confetti*

"Wala, ikaw parin dapat. Mas maganda kung babae yung kakanta." Nye nye. Ang panget kaya. "Mas maganda kung ikaw." Kinuha ko yung mic at itinapat sa kanya. "I dare you to be a vocalist," natatawa kong sabi sa kanya. Mahiyain akong tao alam niya yan. Di ko kaya yung kumanta sa harap ng maraming tao.

"Napag usapan na natin 'to. You are the vocalist, no matter what happen." Seryosong sabi niya. Teka, Oo nga pala para sa kaniya Magiging vocalist ako. Sino ba yung 'kaniya' na 'yun? Yumuko ako at tumango.

A Music In My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon