---Isang linggo ang lumipas simula nung nakausap ko siya. Sariwa parin sa isip ko yung bawat salitang sinabi niya sakin, pati yung pag ngiti niya at pagtingin sa mga mata ko. Mangyayari pa kaya yun?
"Madi, tara sa field. Dun tayo mag recess." Ngumiti ako at kinuha yung bag. "Nasaan si Zayn?" Tanong ko nung mapansin kong walang nanggugulo.
"Nauna na, treat niya daw ang recess natin kaya hintayin nalang daw natin siya sa fields." napatawa naman ako ng mahina. "Napapadalas ang pag libre nun ah? Baka may sakit." May kinuha sa bag si Jasmine.
"May gamot ako incase na lumala pa ang sakit niya! HAHAHAHA!" hanggang sa makarating kami sa field, walang humpay ang tawa namin.
Ang konti ng tao dito. Perfect mag kwentuhan, kaso... Pag tingin ko sa bleachers, nandon si Kai. Nakangiti habang nanonood sa mga nag pa-practice.
"ZAYN!" tawag ni Jasmine. Agad naman kaming nag wave para mapansin niya. Pero parang ibang atensyon ang nakuha ko. Tumingin siya sa pwesto namin.
"Galante ka ah?" tanong ko habang natatawa. "Hindi naman! Gusto ko lang bumawi sa inyong dalawa," Nilapag niya yung pagkain.
"Thank you Zayn ah?" He smiled and pinch my cheeck. Aray. "You're Welcome.."
"Ang sweet niyo! Hahaha thank you rin." Sinamaan ko ng tingin si Jas. Sila nga yung sweet. "Lol may bayad pagdating sayo!"
"ANG DAYA!" Hinampas pa ni Jasmine sa balikat si Zayn. Hahaha nakakatuwa sila tignan.
"Biro lang, to naman!" at ayun. After nilang mag ingay, naging peaceful na ulit yung paligid.
Tumingin ako sa kanya, ang gwapo niya parin kahit pawis na, at nakangiti parin. Siguro pag kasama mo siya hindi mo maiisip ang problema.
"Ang tahimik naman.." Sabi ni Jasmine. Nagbabasa na kasi siya ng book at si Zayn naman nag do-drawing. Ako? Nakatunganga kay Kai habang pinakikinggan ang heartbeat ko.
"BOREDOM!" Sabi ni Zayn. Ang iingay naman ng mga to, di ko marinig ang tibok ng puso ko!
*sa isang sulyap mo*
Nagulat na lang ako nung may nag play ng music. Para sa kanya na naman. Para kay Kai Monteverde.
Dugdug
Para akong na sa isang music video na super inlove sa isang guy, na hindi man lang pinapansin.
(a/n: Play the multimedia while reading this part. Para mas dama!)
Ano nga bang pinagka-iba ng crush sa love? Pareho mo naman mararamdaman ang kasiyahan. Di ba? Pero yung iba, ang definition nila sa crush ay simpleng paghanga lang.
NO. Hindi ganun yun. Ang crush ay yung pag nandiyan siya, matataranta ka. Pag wala siya, hahanapin mo.. Do you think paghanga lang yum? Parang hindi, iba na kase yun.
Si Kai... Sa buong buhay ko, siya lang ang may talent na magpabilis ng heartbeat ko. Pwede ba talaga yun? Oh yung puso ko ang may talent na tumibok ng ganun kabilis. Ewan ko ba? Kahit maging magkaibigan lang kami ayos na sakin.
"Inlove na ko." Napatigil ako sa pag e-emote. "Di nga, Jasmine?" tanong ni Zayn.
Paano ba nalalaman pag inlove na ang isang tao?
"I'm telling the truth." I think she's serious. Bakit ganito? Bakit kinakabahan ako? Sumakit din ang ulo ko, >.
"Madi, anong nangyari sayo?" tanong ni Zayn. "W-wala, sumasakit yung ulo ko sa init." sabi ko habang nakahawak sa ulo.
Huminga ng malalim si Jasmine. Kanino kaya siya inlove? Parang gusto ko pakinggan na ayaw, kung anong pangalan man nun.
(....)
Waiting shed. As usual, waiting shed nga eh. Naghihintay ako ng tricycle na masasakyan.
Walangya, uulan pa yata. Bakit ba kasi hindi ako naniwala sa weather forcast kaninang umaga? Stupidity alert. Wala akong payong.
Mga 30 minutes din akong naghintay pero wala paring tricycle. At nagsisimula na ring umambon.
Ang malas. Ang malas malas malas ma-----
"Tsk, umaambon na pre. Alis na ko!" Omygod. Si Kai..
"Sige, mauna na kayo." ang mga ngiti niya, nakakabaliw.
Yumuko ako para hindi niya mapansin. Sapat ng makita ko siya.. Sapat ng marinig ko ang boses niya.
"Kai!! Sabay ka na samin!" Sigaw ng kasama niya sa team. Wag ka muna umalis Kai.
"No thanks. May hinahanap pa kasi ako sa bag! Ingat kayo! " Nung narinig ko yung sinabi niya, parang biglang may nag drums na naman sa loob ko.
*Bugssh*
Napatakip ako sa tenga nung kumidlat. Bumuhos na rin yung ulan.
"Ehem." wait, ang cute. Pati pag ehem niya ang astig. Sa sobrang excite ko makita siya, napalingon ako.
"I-ikaw? What a coincidence." Natatawa niyang sabi. Ngumiti ako ng tipid. Wala akong masabi, Tama kasi siya. What a coincidence. Lagi kaming nagtatagpo sa mga oras na kaming dalawa na lang..
Lord, thank you sa blessings. Thank you dahil napaka swerte ko, ngayon.
"N-naghihintay kasi ako ng trycicle," sagot ko. "Gusto mo ihatid na kita?" Ha? Totoo ba 'to? I mean, hindi to panaginip diba?
"Nako wag na. Malapit lang din ang bahay ko." Lumapit siya sakin at umupo sa tabi ko.
Dugdug dugdug
"I have an umbrella. You can use it," he winked. Gawd. Kung ibang tao ako malamang nabaliw na ako at nahimatay.
"A--ehh paano ka?" Baka maulanan ka Kai. Ayokong magkasakit ka.
"Ok lang ako." sagot niya at ngumiti. "wag mo na ako intindihin." Kai naman eh.
Totoo nga yung sabi nila na mabait ka.
"Ok lang din ako kahit walang payong," Mas kailangan mo yan. Mas malayo yung bahay mo sakin. "Tsk wag ng makulit. Kunin mo na, or sasabay na lang ako sayo." dugdug. Dito sa ilalim ng shed na 'to, dalawa lang kami.. Para sakin, ang romantic ng dating.
Ewan ko ba? Bakit parang ang bagal ng oras pag kasama ko siya. Talent niya rin kaya yun? Pati yung ulan, ang lakas ng buhos pero parang props lang sa eksena namin. Payong. Salamat sa nag imbento sayo, dahil sayo nakapag usap kami for the second time. At this time, simple romantic para sakin. Sana... kung panaginip man lahat ng ito, wag niyo na akong gisingin.
"Hintayin muna nating humina ang ulan, masyado kasing malakas." sabi ko. Jusko, ang lamig na naman ng kamay ko.
"Okay." He smiled. Pwede bang mag invent na kayo ngayon mismo ng invisible camera? Gusto ko siyang picturan!
"Uhmm, kamusta ang practice?" pag open ko ng topic. I hate awkward silence.
"Ayos lang. Sana mapanood mo ang finals." Tumingin ako sa kanya. Ako pa, Kai. Bawat laban ng team niyo nandoon ako para sumuporta. "Oo manunuod ako," I smiled.
Dumami ng dumami yung pinag uusapan namin, and I can say, ang daming interesting sa buhay niya. Ang cool niyang tao.
"Tara na? Mukhang hindi na titila ang ulan." Tumango na lang ako at tumayo.
This is it. Sabi nila, Enjoy every moment. Because there's some moment that would never repeat again.
Enjoyin mo lang Madison. Dahil next day, mag uumpisa ka na naman mangarap.
--
Vote comment and Share please :)
BINABASA MO ANG
A Music In My Heart
Novela JuvenilSa bawat pag tibok ng puso ko, sa bawat kantang naririnig ng mga tenga ko. Walang ibang naiisip ang utak ko, kundi ang tibok rin ng puso mo.