Madison's POV
"Please?" anong gagawin ko? Nanginginig na ko sa kaba dahil dito sa puso kong sobra kung tumibok.
"S-si--sige." shoot. Oo gusto ko talaga pero.... ugh! Rumors! Siguradong pag uusapan ako sa school nito.
Hayyys bahala na nga. Nagpatuloy kami sa paglalakad. Pang ilang beses ko na siya nakasabay pero yung pakiramdam ko parang first time ko parin. Nakakakilig :">
"Uhmm, unkno--- este, na saan yung mga kaibigan mo?" Iniwan ako. Charot.
"Nauna na sila, may gagawin yata." Tipid kong sagot. Tumingin siya sakin, ay hindi pala tingin. Tumitig siya sakin.
"B-baki---"
"Shhh. Titigan mo lang din yung mata ko para di ka na mailang." He smiled. "Normal na tao lang din ako kaya wag ka na mailang.."
Dugdug. Dugdug. Pagkakataon mo na to Madison. Tumitig ka hanggang malusaw siya..
Pwede wag na lang? Baka matuluyan ako e. Matuluyang mahulog sayo.
"Kai, hehe. Di naman ako naiilang. Tara na," Naglakad na ako. Grabeeee!! Di ko yata kakayanin yun.
"WAIT LANG." Sigaw niya. Huminto ako para hintayin siya.. I chuckled ang cute talaga ng mata niya. Guhit na lang pag ngumiti.
"Alam mo, sa lahat ng babae na nakilala ko ikaw lang yung may pagka-snober." He laughs. Huh? Hindi naman ah.
"Hindi naman eh," tipid kong sagot. Kapag tahimik snober agad?
--
[ canteen ]
"Dito ka lang ha, bibili lang ako." Sabi nya. Ghad! Pwede na bang kiligin???!!! Kung di talaga nasalo, laglag na naman puso ko~
Mahaba yung pila sa bilihan ng pagkain. Mga ilang minuto din akong nakatunganga at nakahalumbaba sa lamesa. Sana kung panaginip to, magising na ko. Ayoko kasi masaktan. Nagbabago na yung paningin ko sa mga bagay bagay. Dahil siguro, nagiging matured na ko mag isip dahil sa Kai Monteverde ko. Hala maka- 'ko' naman.
Nakita ko ng papalapit si Kai. Ang takaw naman niya, ang daming binili. Papanoorin ko na lang sya kumain.. ayoko bumili at busog pa ko.
"Unkn-- err. Tara kain na." Nilapag niya sa harap ko yung coke in can, burger at fries. HALA!
"Sakin to?" Tanong ko. Paninigurado lang..
"Shempre naman. Lilibre na kita," He smiled. Napa ngiwi ako. Nakakahiya.
"Nako wag na, busog pa talaga ako." Umupo na siya sa harapan ko. Binuksan niya yung coke niya at ininom.
"Ikaw lang yung tumatanggi lagi sakin. Siguro pa niligawan kita busted ako! HAHAHAHA~" Ano daw?? Dugdug.
"h-ha?"
"BIRO LANG. Eto naman, baka magalit ka ah. Sige na kainin mo na yan. Please..." takte. Nanglalambot ako sa please niya!
Ngumiti nalang ako ng pilit at tumango. Nilibre ako ni Kai... OMG NILIBRE AKO NI KAAAIII!!!!! Dati kahit candy lang pinapangarap ko na bigyan niya ko!!! Kalmahin niyo ko. Kalmahin niyo ko!
"Salamat pala," He just nodded.
"Alam mo, tatlong beses na tayong nagkikita ng coincidential hindi ko parin alam yang pangalan mo." Tumawa siya ng mahina.
BINABASA MO ANG
A Music In My Heart
Teen FictionSa bawat pag tibok ng puso ko, sa bawat kantang naririnig ng mga tenga ko. Walang ibang naiisip ang utak ko, kundi ang tibok rin ng puso mo.