Chapter 6 part 1: Masaquette

14 3 0
                                    

Ilang linggo yung lumipas, araw-araw akong hinihintay ni Kai pag recess o uwian. Wala na nga akong time kila Jasmine at Zayn e. Nagtatampo na yung mga yun! Pero masaya din kasing kasama si Kai, ang laki na ng utang ko sa kanya! Lagi nya kasi ako nililibre. Wala naman akong sinasabi e.

"Madison, punta tayong 7eleven," Aya niya. Tumawa akong mahina. "Sige, lilibre kita." Babawe ako ngayon sa kaniya. "HALA WAG NA!" Agad niyang tanggi.

Ngumiti siya sakin. Nakatitig lang. "K-kai, may problema ba?" Umiwas siya ng tingin. "Wala n-naman." Iba kasi yung tingin niya ngayon..

Naglakad na kami palabas ng school, sobrang tahimik talaga. Sanay akong tahimik yung paligid pero di ako komportable pag si Kai yung tahimik! Ang daldal kaya niya.

"Baka..." sabi ni Kai. Baka? Baka, ano?

"Baka?" Tumawa siya ng mahina. Sabay pisil sa pisngi ko! "Wala-wala." Hinila niya na ko, parang kinaladkad narin -__-

Tumakbo kami papuntang 7eleven. Ang sweet magkahawak kami! Sobrang higpit na naman. Ang init ng palad niya! Hays.

"@#$%& KITA." May dumaan na sasakyan kaya medyo di ko narinig.

"Ano? Di ko narinig ang ingay nun e." Hinintay ko siyang sumagot pero mukhang na seen zoned ako. Ngayon lang to ah.

Lord, katapusan na po ba ng panaginip ko? Huhuhu.

( 7eleven )

"Bakit tayo nandito?" Tanong ko. Yung totoo marami akong gustong itanong. Akala ko ba friends kami? Bakit hindi niya man lang ikwento yung problema niya.

"Gusto ko lang maglabas ng sama ng loob." Owww. Kai please, wag kang luluha sa harap ko! Ayoko niyan!

Tumango ako para ipagpatuloy niya yung sasabihin niya. "Tungkol kay Cheska," Crack. Dejk ang puso ko, mababasag na.

"May boyfriend na siya." Namumuo yung luha niya sa mata. Tumingala siya para di tumulo, TATAGAN MO LOOB MO KAI.

"Mahal na mahal ko siya. May ginawa ba akong mali? May kulang pa ba sakin?? Taena, hindi ko maintindihan." Yumuko ako. Ang manhid mo Kai, kung ako yung minahal mo di ka masasaktan. Joke!

"Kai.." tumingin siya sakin. Tumulo yung luha niya pero agad niyang pinunasan. "Alam mo kahit kailan di ko pa naranasan magka-love life. Pero ang alam ko, Pag nagmahal ka asahan mong may pagkakataong masasaktan ka parin." Bumuntong hininga ako.

Dugdug dugdug. Pag nasaktan ka, mahal mo talaga yung taong 'yun.

"Di ko kayang makita siya ng may iba. Nasasaktan ako!" Hinawakan niya yung ulo niya na parang may masakit. "UGGHH!" Ngayon ko lang siya nakitang ganito.

Tumahimik lang ako. Ayoko ng magsalita, Mahal niya nga. Mahal na mahal niya. Wag kang bitter MADI! Dapat supportive friend ka!

"Kai!" Napatingin kaming dalawa doon sa nagsalita. C-cheska??

"Cheska?" Napatayo si Kai. Pinikit ko yung mata ko, naiiyak ako. Magkakabalikan na sila. Hindi na ulit mauulit yung mga moments na kasama ko siya.

"Narinig ko lahat. LAHAT LAHAT! I love you too!! Wala akong boyfriend. Pinagselos lang kita, para magkabalikan tayo.." Na OP ako. Dahan-dahan akong  umalis. Extra lang po ako dito, love story nila yan.

Salamat dahil naging kaibigan kita.

--

"Uy Akala ko kayo ni Kai? Bakit sila ulit ni Cheska??" Tanong ng mga kaklase ko.

A Music In My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon