"Tenacity |təˈnasitē| noun – the quality or fact of being very determined; determination; the quality or fact of continuing to exist; persistence: DERIVATIVEof tenacious. ORIGIN early 17th cent. from Latin tenax, tenac- (fromtenere 'to hold') + -ious."
Kung pwede lang sana ay ayaw ko nang maalala ang nangyari kagabi. If I can just have a selective retrograde amnesia at mawala ang memory ng mga events kahapon ay mas magiging madali ang pagbangon ko ngayon.
Gah! I so hate my family now. How could they sell me like that?
[FLASHBACK, LAST NIGHT]
"Tito, tita, aakyat po sana ako ng ligaw sa anak niyo. Sana po ay payagan niyo ako."
Napaubo ng malakas si Papang bilang pambawi sa pagkalaglag ng panga niya kanina. Si Mamang naman ay napaupo nalang at inalalayan ni Marco papunta sa sofa naming yari sa kahoy.
Mickey mouse, please come to my rescue! NOW!
"Ano yun, iho? Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong ni Papang na halatang namang nangingiti.
"Mahal na mahal ko po si Yna, Tito. Gusto ko po sanang hingin ang pormal niyong pahintulot na ligawan siya." Walang pasubaling sagot ni Sam.
"Naku, Kuya! Akala nga namin kayo na ni Ate eh! You don't need to do that na!" Singit naman ni Tate habang kinikilig.
"Margarita, tumahimik ka! Hindi kayo kasali sa usapan." Saway ni Mamang na siya namang nagpagaan ng loob ko.
Nakita ko namang ngumuso nalang ang mga kapatid ko at umupo sa gilid. Si Mamang naman ay hinarap si Sam na natitirang nakatayo sa gitna.
Please huwag kang pumayag Mang. Parang anak mo narin si Sam, diba? Incest 'to.
"Salamat sa respeto mo, iho. Pero sigurado ka ba sa desisyon mo? Matagal ko nang pinapanalangin na sana magkaboyfriend na itong si Alberta. Akala ko nga eh tatanda na itong dalaga at hindi man lang makakaranas ng buhay na may kasintahan. Naunahan pa nga ata nitong mga nakakabatang kapatid niya eh."
ANO DAW?
"Isa lang naman ang kasiyahan na gustong matamo naming mga magulang. Ang sa akin ay makita ang mga anak ko na mamuhay ng magaan at makabuo din ng sarili nilang mga pamilya." Dagdag ni Mamang habang humihikbi at tinatahan ni Papang.
Ano ba itong nangyayari? Why do they seem more affected than me?
"Mang... Pang..."
"At ikaw Albertang bata ka, magpasalamat ka dito kay Sam. Minsan ka nalang nakakakita ng mga ganitong lalaki!" Saad ni Mamang habang tinuturo-turo ako.
"Sam, anak, mananatiling bukas ang bukana ng aming pinto para sa'yo." Sabi ni Papang na siya namang nagpahina ng loob ko.
W-what?
"Hindi na problema sa amin kung anong gagawin niyo total ay nakapagpaalam ka na naman at matatanda na kayo. Alam naman naming matagal na ang pinagsamahan niyo nitong si Alberta at mukha ngang mas kilala mo pa itong anak namin kumpara sa amin eh." Tawa-tawang dagdag ni Papang na halatang may bahid na kalungkutan.
"Alam kong dadating din sa punto na dapat ng pakawalan ng mga magulang ang kanilang mga anak. Ang sa akin lang iho ay dapat siguraduhin mo na hinding hindi maghihirap—"
"Papang! Ano ba ang pinagsasabi niyo!" Hindi ko na talaga mapigilan. Gusto ko na talagang sumabat at sabihin na desisyon ko naman ang hinihingi dito. OA na kasi talaga ang sinasabi nila eh. "Mangliligaw pa nga lang daw eh tapos kung makapagsabi kayo parang itatapon niyo na ako sa kanya. Kalma lang po kayo. At nagsabi ba akong gusto kong magpaligaw?"
BINABASA MO ANG
I Don't Need More
General FictionJust when Yna thought that she had everything she'd ever needed, someone popped out and turned her ideals into false realities. A past she had long forgotten had unsurprisingly returned and shifted her world upside down. Confused and caught in a me...