"Reminiscentia |ˌremənisˈenCHə| noun – late Latin word for reminiscence; a story told about a past event remembered by the narrator; the enjoyable recollection of past events. ORIGIN late 16th cent. (denoting the action of remembering)."
[FIGMENTS FROM COLLEGE]
"Miss Victoriano!" Tawag ni Miss Balano na nakatayo sa labas ng Anatomy Lab. Kakatapos lang ng klase namin ngayong araw am to 3 pm, isang subject lang. College life nga naman.
"Yes po, Ma'am?" Takbo ko naman papunta sa kinatatayuan niya. Muntik na akong matumba. "What can I do for you, Ma'am?"
"You're needed in the office. Go there directly." Sabay sabi at biglang alis. Bad mood po?
"Yes, Ma'am." Sumagot ako kahit nakaalis na siya. Malay mo marinig niya pa ako, diba?
Inayos ko na ang mga nakakalat kong gamit at ang mga magugulong upuan. Ako nalang naman kasi ang nandito sa classroom. Hobby ko kasi ang lumabas ng huli eh. Dumiretso ako sa office ng College of Rehabilitative Sciences (CRS).
Pagpasok ko ay nakita ko kaagad ang kaibigan at kabatch kong si Ana (actually, the one and only friend ko dito sa school) na nagliligpit ng mga papel at photocopies sa mahabang bench sa gilid ng office. Sa dulong table naman ay may nakalagay na bundle ng mga forms kung saan nakaupo at nagsusulat ang dean ng CRS, si Sir Gonzales. Nginitian ko si Ana bago pumunta sa table ni Sir G.
"Good afternoon, Sir. Pinapatawag nyo daw po ako." Bati ko sabay bow. May bow talaga kasi magalang ako eh.
"Oh yes, Miss Victoriano." Sabay tingin sakin habang hawak yung forms. "I need you to have these signed and received by the Dean of College of Allied Medical Sciences (CAMS). Ask for Dr. Fajardo and make sure she reads this before signing. If she asks what's this for, tell her it's about the Administrative meeting this Friday."
Nosebleed si Sir. Tumango nalang ako.
"O-opo sir. Y-yes po." Yan na nga lang sinabi ko nauutal pa. Kinuha ko ang forms at aalis na sana ng tawagin nya ulit ang pangalan ko.
"Isama mo na lang si Miss Bartolome." Sabay tingin ni Sir G kay Ana. "Miss Bartolome, okay na yang ginagawa mo. Pwede na kayong umuwi pagkabalik nyo ng forms dito."
Impit namang tumili si Ana. Obvious na gusto nang umuwi.
Matapos naming puntahan ang CAMS at mapapirmahan ang mga papeles kay Dr. Fajardo, agad-agad naman naming ibinalik ito sa table ni Sir G ngunit si Miss Balano nalang ang tao doon sa office.
"Tapos na ang pinapagawa ni Sir G! Pwede na tayong umuwi, Tess!" Nakatiling saad ni Ana sabay kuha ng gamit niya at hila sa akin papunta sa gate.
Bigla siyang tumigil at napagawi sa kanan nung nadaanan namin ang gym.
"Tessa, diba yun ung crush mo? May laban?" Turo ni Ana sa nakajersey na number 11 sa volleyball court.
Xander Albert C. De Vera. Ang super crush ko na obviously ay crush din ng bayan. Who wouldn't? Brains, Body, Face factor, Money, Name, Fame, Manners—lahat ata na pwedeng hanapin sa isang tao ay nasa kanya na.
"Haayy. Ang Xander ng buhay ko!" Buntong hininga ko sabay labas ng iniisip ng madumi kong utak.
"Tessa, sobrang obvious! Maghunusdili ka!" Tawang tawa na sinabi ni Ana.
"Just in your dreams lang yan girl! Mga katulad nyan, hanggang tingin at sipol lang tayo." Mapanglait niya pang dagdag.
"Ana, nasa baba man tayo at oo. Tama din na kahit anong gawin natin ay hindi na aalis ang height natin sa 5'3". Pero hindi ibig sabihin nun na lilimitahan na natin ang sarili nating mangarap. AT... ako ay naniniwala na ang mga pangarap ay pwedeng magkatotoo! Hindi man ngayon o bukas o samakalawa pero malay mo next year, magkatotoo din girl!" Malatalumpating sabi ko kay Ana.
BINABASA MO ANG
I Don't Need More
Genel KurguJust when Yna thought that she had everything she'd ever needed, someone popped out and turned her ideals into false realities. A past she had long forgotten had unsurprisingly returned and shifted her world upside down. Confused and caught in a me...