Bryan's POV
***
"Mr. Bryan and Mr. Derick ang aga niyo pumasok para sa second subject"Inis na inis na sabi ng teacher namin na nasa unahan, kararating lang naman ayan na kaagad ang bubungad , hayst.
"Lumabas na kayong dalawa hindi ko kayo tatanggapin sa klase ko"Sigaw na sabi namin ng teacher kaya lumabas nalang kaming dalawa para makapag chill din kahit paano hehe.
Naka tayo lamang kaming dalawa ni derick sa may labas ng pintuan sa room at nag kekwentuhan kami, "Punta lang ako sa canteen bibili lang ng pagkain mamaya pa naman matatapos si sir jan sa pagtuturo"Agad na naglakad si derick pagkatapos niya iyong sabihin sa akin.
Nagpaiwan na lamang ako dito sa may pintuan ng room habang naka sandal, sa hindi kalayuan ay merong tumawag sa pangalan ko kaya napalingon ako sa gawi na yon.
"Oy late ka din ba?!"rinig ko na kaagad ang malakas na pag sigaw ni yuan akala ko kasi nung una tahimik lang siya at mahina ang boses pero hindi pala, HAHAHA.
"Oo pinalabas nga kami ni ma'am, wag kanang pumasok sa loob palalabasin ka din"Sambit ko sa kanya at napatingin ako sa kanya mukang pagod na pagod, ano kayang ginawa nito tumabok?."Bakit parang hingal na hingal ka yuan?"Tanong ko sa kanya.
"Tumabok ako simula sa bahay namin, nagpapawis lang, hindi ko akalain na male-late ako sa pagpasok ko ehh."Sagot niya sa akin at bumalik nalang ulit ako sa pagkakatayo ko kanina
***
Lunch break na namin ngayon kasama ko si yuan at derick sa may canteen, wala daw kasama si yuan kaya gusto niyang makisabay sa amin ni derick hindi tuloy kami makagawa ng mga kalokohan gawa't baka madamay pa siya sa amin.
"Ano Bry sasama kana sa field trip naten malapit na yon?"Tanong sakin ni derick habang kumakain, hay nako hindi ba siya marunong umubos muna ng pagkain halos sa may laman pang pagkain ang bunganga ng siraulong to eh.
"Oo sasama ako pre napag isip ko din na mukang ayos lang naman sumama, samahan moko mamaya kay ma'am sabihin natin na sasama ako para malista na pangalan ko"Agad kong sabi sa kanya
"Ahh sige samahan kita, ikaw yuan baka gusto mo din sumama sa field trip ?"Napatigil si yuan sa kanyang kinakain ng ilang segundo pero nagpatuloy na din, mukang napapaisip ito ahh.
"Sama ako"yun lang ang sinabi niya sa amin
Pagkatapos namin kumain ay bumalik na kami sa room namin at umupo na sa pwesto, nakatulala lang ako sa buong klase namin diko alam kung bakit ako nagkakaganito simula nung may mga transferee sa school namin, napapaisip ako ehh dapat sa mga oras na yon nag iingay na ako habang nagpapaliwag ang subject teacher namin pero hindi, hindi man lang ako nag iingay hindi ko alam kung bat ako tahimik.
"Gawin niyo mga assignments niyo bukas at yung hindi naman makakagawa galing galingan niyo mag imbento ng kwento para maniwala ako sa inyo"sabi ng teacher namin, Nag ring na ang bell hudyat na tapos na ang klase ngayong hapon.
"Tara kausapin si ma'am, sabihin natin na sasama kana sa field trip bilisan niyo maaga yun umuwi!"Sigaw saming dalawa ni yuan
"Oo jan na atat na atat ehh akala mo naman di tayo makakaabot"Pang aasar ko kay derick, mukang nainis ang luko luko kita sa muka na nanlilisik ang tingin sa akin.
Lumabas na kami ng room at pumunta kay ma'am at magpapalista ng pangalan para makasama sa field trip, ito ang unang beses ko na sasama ako sa field trip na ito kasi puro gala lang naman ang pupuntahan dito pero kinausap ako ni daddy tungkol dito kaya napaisip ako ng sumama nalang, no choice mahirap kapag nagalit si daddy, grabe magalit yun nung huli siyang nagalit eh sinira lang naman niya yung pintuan, plato, at lamesa, tapos muntik pang mabasag ang tv namin sa sobrang pagwawala niya, para siyang nasapian ng kung ano.
***
"Bilisan niyo paalis na tayo pupunta na tayo sa isang mesium, wag din kayong gagawa ng ingay don istrikto ang nagbabantay don baka palabasin kayo"Sigaw ni ma'am sa lahat estudyante.
Sumakay na kami ng bus nina derick at yuan, si derick excited na kaming umalis atat na atat parang may bulate na sa pwet sa sobrang likot kumilos, Ilang sandali nalang naman paalis na din kami at 3 days ang field trip namin kaya susulutin ko ito tsaka pag katapos daw namin pumunta sa mesium ay sa may statue ng mga bayani noong 19's .
Tahimik lang lahat sa biyahe namin papunta sa mesium dahil bumabawi ng mga tulog dahil sobrang aga namin pumunta sa school
YOU ARE READING
Dance Of The Wind
AksiyonThis is a story of a normal life but it change...because of the transfer student it will become cruel. sana basahin niyo ito