Wika nga perfect timing ang pagkaka-alok ng kumpanya namin ng ganitong uri ng oportunidad. Dahil nitong umaga lamang ay sinasabi ko sa aking sarili habang pinagmamasdan ang aking repleksyon sa salamin, na walang kabuhay buhay ang aking buhay. Does it even make sense?
Napag-isip isip ko na ang kadalasang nagsasabi na walang kwenta ang buhay nila ay mga O.A. na tao lamang, mga mahihilig sa drama sa buhay, o kaya ay mga may PMS lamang. Pero iba ang sa akin. Kung ikukumpera sa ibang nagsasabing walang kalatoy-latoy ang buhay nila, ako lehitimong walang wala.
Wala na akong pamilya. Walang boyfriend. Walang kinagigiliwang libangan. Walang usong sinusundan. Walang ka-ek-ekan sa katawan. Walang alagang pusa o aso man. Walang buhay na buhay. Walang tropang makakasama sa gimikan at wala din namang hilig gumimik. Ang nag-iisa kong kaibigan ay nasa malayong bayan, inaararo ang naiwang lupain sa kaniya, mabuti pa siya may aksyon ang buhay. Ang masasabi ko lamang na mayroon ako ay ang ipinamanang kotse, bahay, at perang nakatabi sa bangko sa akin. Bukod diyan, tunay na walang kalatoy-latoy ang buhay na ibinubuhay ko.
Siguro kahit bagyo, masamang araw, at kahit anong hindi kasiya-siyang pangyayari ay tatanggapin ko ng bukas palad, dahil iyon lamang ang pagkakataon na magkakaroon ng aksyon ang buhay ko.
Tuwing umaga, bumibili ako ng aking agahan kasama ng aking kape sa iisang lugar. Inioorder ko ang parehas na breakfast set, nauupo sa parehas na upuan sa sulok ng coffee house na iyon, at umaalis sa parehas na oras araw-araw.
Minsan iniisip ko na tila permanent fixture na ako sa tindahang ito, ngunit kahit halos isang taon na akong nagpapabalik balik, tila hindi pa rin ako nakikilala ng mga serbidor dito. Tuwing umaga parehas na rutina, tatanungin ako ng parehas na tanong na itinatanong nila sa akin araw-araw: “Ano po ang gusto ninyo, ma’am?”
Ano nga ba ang gusto ko? Gusto kong mapansin. Gusto kong kilalanin ng lahat. Iyon nga, samahan mo na rin ng banana nut bread, Soy Chai latte extra foam, at isang dakot ng sigla sa buhay. Pagkatapos parehas na gawi, pagkaraan ng limang minuto tatawagin ang aking pangalan na tila hindi nila ito nakikilala at wala pa ring nakakapansing isinisigaw ng barista, “Soy Chai latte extra foam for Nicole Kidman.”
Ako lang ata ang natawa sa sarili kong kalokohan.
Tuwing tanghali, parehas na sandwich ang aking kinakain sa aking lunch break. At pagdating naman ng gabi, nagpapatumba ako ng baka… sa lata, para sa hapunan.
Araw-araw, iyon at iyon din. Araw-araw, pare-parehas na routina.
Habang patuloy na pinagmamasdan ang aking sarili, kapansin-pansin na hindi man lamang ako umangat o bumaba man sa pangkaraniwang itsura. Ang kulay tsokolateng buhok ay hanggang balikat, ito ay hindi daretso at hindi rin naman kulot. Ang katawan ko ay hindi mataba pero hindi rin naman payat. Hindi naman ako matatawag na panget pero hindi rin naman ako maganda.
Napabuntong hininga na lamang ako.
Alam kong konting suklay-suklay lamang ng buhok at lagay-lagay ng make-up sa mukha ay mabibigay ng kulay sa maputla kong itsura. Ngunit ang mabusising pag-aayos at pagbibihis ay tila walang saysay kung paglabas mo pa lang ng kwarto mo, nahulas na ang mukha mo sa pawis at sa init. Gayun din naman, iyong mga babaeng hindi naman ganoon kagandaha at kay kakapal ng tapal sa mukha ay pekeng-peke ang dating sa akin. Para bang nagsusuot sila ng maskara.
Sa salamin, nakikita kong nakatingin sa akin pabalik ang tatlumpung taong gulang na Penelope Avery Avecia. Halatang pagod, mukhang may sakit, at malayong maging modelo o artista man. Matagal ko ng natanggap ang katotohanan na hanggang dito na lamang ako.
Gayon pa man hindi ko pa rin lubusang kilala ang aking sarili bago ko piniling tanggaping ang EER Package ng kumpanya namin. Subalit may isang bagay na sigurado, ang pagreretiro ko ng maaga ay magbubukas sa aking daigdig at maaring magbigay sa akin ng oportunidad na gumawa ng maraming mga bagay.
Damang dama ko ang pagiging malaya. Kahit na ano ay maaari kong gawin. Maari kong libutin ang buong daigdig. Maari akong mag-aral lumangoy, mag-aral magbisikleta, o mag-aral magpalayok. Hmm… habang iniisip ko pa lamang tila napapagod na ako.
Nang pumirma na ako para maging opisyal na ang pagboboluntaryo kong magretiro ng maaga, hindi pa rina ko makapaniwala sa nagawa kong desisyon.
“Pirmahan mo lang iyan,” ang abot sa akin ni Sir. Asuncion ng mga papeles. “So, Penelope, ano ngayon ang balak mong gawin? May iba ka bang trabahong naghihintay sa iyo?”
“Wa-wala na-naman p-po,” ang sagot ko na medyo na uutal. “Walang trabaho, pero umm… medyo gusto ko sanang i-work muna ang sarili ko.”
“Well, that’s a start.” Tumayo si Sir. Asuncion at may kinuhang binder sa kaniyang istante at inilagay ang aking napirmahang papeles. “Kung kaya ko lang gawin ang nagawa mo, gagawin ko na. Nakakainggit maging kwarenta muli at may pera para magretiro.”
Nagulantang ako, anong sabi niya? Ako kwarenta?
“Sir, trenta pa lamang ako,” ang depensa ko, “kakatrenta pa lamang.”
“Oh, is that so? Well, masyado ka kasing seryoso. It’s not a bad thing, Penelope. Mind me, it shows maturity at hindi ka nagbibigay pansin sa mga bagay na walang kapararakan.”
‘Baka ibig sabihin nyo ay boring at plain’ ang bulong ko sa aking sarili.
“Huwang mong masamain ang sinasabi ko ah. I meant it as a compliment.”
‘Ah, ganun ba iyon? Well salamat for trying to make it sound like magagandang katangian. Ngayon kailangan ko ng facelift at personality implant.’ Ang pabulong kong sagot.
“May asawa ka na ba Penelope?”
Umiling lamang ako.
“Or Boyfriend, at least?”
Umiling muli ako.
“Iyan ang sinasabi ko, hindi ka nagbibigay ng time sa mga walang kabuluhan na mga bagay. Focus ka sa task mo, sa career mo, at sa iyong mga goals. Commendable. Pero ngayong retired ka na, you know what I would suggests?” Kumiling paharap si Sir. Asuncion sa kaniyang desk, pinatong ang siko roon, at inilapit ang mukha na tila may malaking lihim siyang ibubunyag.
Ako naman, inilapit ang aking tainga, nagaabang sa isang rebelasyong ihahayag ng aking boss.
“Go get yourself a man.”
Nanlaki ang aking mata at napatingin sa kaniya.
‘Is he serious? Wait, is this considered sexual harassment? Bakit pati pagkuha ko ng boyfriend ay pakikialaman niya?’
Kumindat pa si Sir. Asuncion, “Go now, grab your chance.”
Hindi ko na hinintay pang ulitin niya ang kaniyang utos. Tumayo na ako kaagad, nagpasalamat sa kaniya at sa pagiging parte ng kumpaniya ng sampung taon.
Bitbit ang kopya ng kontrata na aking pinirmahan para sa aking EER package, kara-karaka akong lumabas ng kaniyang opisina at mabilis na tumungo sa aking cubicle.
Sinipa ang mga office box nagagamitin ko upang lagyan ng mga gamit, naupo muna ako sa aking office chair at sumandal habang pinagmamasdang muli ang aking istasyon dito sa opisina.
Kung sino mang ang mapadaan sa aking cubicle, iisipin nilang bakante ang cubicle na ito. Maliban sa mga files na nakasalansan sa aking bin, ni walang larawang nakasabit sa wall, walang poster, o kahit ano mang knick-knack sa lamesa. Boring nga.
Naupo ako ng daretso at iniabot ang aking sticky note at ballpen.
Dear Me,
Why be so dull?
Even your boss’ tells you to get a man.
Get a life!
P.S.
Check if it's sexual harrassment
If your boss winks at you.Pinilas ang sticky note at idinikit muli sa aking journal saka muling sumandal sa upuan.
Yes, that’s the plan.
Get a life along with a man.
Pero paano ko magagawa iyon?
BINABASA MO ANG
New Me
General FictionKung ang buong buhay mo ay kay-tigang at walang kasing boring.Hanggang saan ang kaya mong gawin upang mabago ito? Bagong buhok? Bagong mga damit? Magpapayat? Mag-hire ng life coach? Para kay Penelope, basta maabot niya ang pangarap niyang makulay at...