5: Why not Rent a Life?

107 21 21
                                    

Marahil dahil sa panaginip ko noong nakaraang gabi, hindi ko man nais ngunit ang lahat ay bumalik sa aking alaala. Tila hinahabol ako ng aking mga kinalimutang nakaraan

Sa unang pagkikita pa lamang namin ni Lola, lantarang sinaway na kami kaagad na huwag na huwag siyang tatawaging Lola dahil para sa mga uugod ugod at tuyong tuod lang daw ang katawagang iyon. Para sa kaniya, Mamita.

Nang kinuha na kami ni Nicolo upang manirahan kasama ni Mamita, hindi ko man lamang naenjoy ang unang beses kong sumakay ng eroplano. Hindi ko man lamang napansin ang magandang tanawing nakapalibot sa amin habang nagbibiyahe papunta sa lugar ni Mamita. Basta ang alam ko ay namulat na lang ako sa bahay ni Mamita.

Laking pasasalamat ko at napagdesisyonan ni Mamita na isama si Nicolo. Siguro kung wala siya sa tabi ko baka matagal na akong ipinasok ni Mamita sa isang psychiatric ward. Sa unang ilang buwan pagkaraan ng aksidente, kadalasan ikinukulong ko ang aking sarili habang paulit ulit kong inilalarawan sa aking diwa kung ano kaya at ako ang kasama nila. Malamang habang nagbibiyahe ay nakasandal ako sa balikat ni Kuya Aero habang sabay kaming kumakanta sa kung ano mang kanta ang itinutugtog sa radio. Maligayang nagkukuwentuhan ng walang katuturang mga bagay. Iniisip ko, ano kaya ang pakiramdam kung ako ang nabaon sa ilalim ng gumuhong lupa at mga bato? Agad ba akong mawawalan ng buhay o magaapuhap muna ako bago malagutan ng hininga? Baka hindi ko man lamang namalayan na nabaon na pala kami ng buhay dahil tulog ako ng buong biyahe. Kung gising naman ako, masasabi ko bang mahal ko sila sa huling pagkakataon? Lahat ng tanong na iyan ay araw-araw na umiikot sa aking isip.

Walang katuturan kong iniisp kung ano kaya ang iba sa araw na ito kung ako ang kasama nila at namatay. Matapos kong pagnilay-nilayin ito ng makailang ulit, sa wakas ay natauhan narin ako at pinilit tigilan iyon. Sa tulong ni Nicolo at ni Yaya Ineng, ang yaya din ng aking ina noong bata pa siya, nagsimula na akong umabot sa daigdig na nakapaligid sa akin. Nagsimulang magtatag ng sarili kong rutina, isang sistematikong rutina, upang malagpasan ang araw-araw na lumilipas. 

Ang buong lakas ko ay ibinuhos sa pag-aaral, minsan ilang gabi akong hindi natutulog at nag-aaral lamang. Hindi dahil sa pangarap kong makakuha ng mataas na marka kundi dahil masmabuti nang mag-aral kaysa matulog at makitang muli ang walang buhay na katawan ng aking pamilya na nakahandusay sa aking harapan. At dahil sa lagi kong inuubos ang lahat ng aking enerhiya sa pag-aaral, hindi ko namalayang naabot ko na pala ang pagiging Summa Cum Laude sa edad na labingwalong taong gulang.

Tuwang tuwa si Mamita sa naabot ko, lalo na't malaman din niya na si Nicolo ay naging Cume Laude nang sumunod na taon.

"Manang mana ka talaga sa iyong ina." Ang sabi sa akin ni Mamita isang gabi habang kami ay naghahapunan noon. Si Nicolo ay pansamantalang bumisita sa kaniyang pamilya sa bayan namin kaya kaming dalawa lamang ni Mamita ang nasa bahay, bukod sa ilang katulong niya. Nagulat ako ng mabanggit ni Mamita ang tungkol sa aking ina ngayon, dahil simula ng kinuha niya ako, ni minsan wala siyang binanggit tungkol sa aking mga magulang na para bang hindi man lamang sila umiral.

"Saanong paraan po?" Ang sagot kong disinteresado.

"Sa lahat." Ang maikling sagot niya habang iniaabot niya sa akin ang kalderetang ulam namin. “Gusto mo pa ba ng ulam?”

Napatingin ako kay Mamita, at nagtakang paanong katulad ko ang aking ina sa lahat ng bagay. Mula ulo hanggang paa ay ibang iba ako sa kaniya. Si Nanay ay mistisa at berde ang mata na mapaghahalatang may halo ang kaniyang dugo at hindi siya purong Filipino.

"Well obviously hindi sa itsura, dahil mula sa hilatsya ng buhok mo hanggang sa kuko mo ay kuhang kuha mo ang ama mo." Ang sabi ni Mamita ng may pagkayamot at hindi na hinintay kung tatangapin ang ulam na inaalok niya dahil basta na lang niya akong nilagyan sa plato. "Ang ibig kong sabihin ay sa ugali at pati na rin sa paraan ng pagsasalita."

New MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon