Kung ibabatay lamang sa aking propesyon bilang BioEngineer at sa aking mataas na marka, sabit sa graduation, at mga scholarship na natanggap habang nag-aaral. Masasabing matalino ako.
Ngunit kung titingnan naman ang pang-araw-araw na buhay ko, hala, isang malaking tanga. Lahat bili dahil hindi marunong magluto. Lahat palaba, dahil sa ilang pagkakataong subukang paandarin ang washing machine at dryer, muntik pang magkasunog sa bahay. Mabuti na lang at nakapagmaneho pa ako, pero taon bago magawang matuto.
Subalit ang isa sa pinaka-malaking katangahan ko sa buhay ay sa larangan ng pag-ibig. Pero kahit anong sabihin ng iba, ang puso ko ay ilalaan ko lang kay Joseph. Hindi niya minamata ang lahat ng kaungasan, ni hindi niya minamaliit ang aking walang kalatoy-latoy na buhay. Alam kong hindi niya pagtatawanan ang mga mumunting pangarap kong magbago. Bagaman marami pa akong kailangang matutuhan tungkol kay Joseph bago ang aming kasal, pero damang-dama ko na perfect match talaga kami. Kailangan ko lang maging in sa kaniyang mga kaibigan at pamilya, tapos hihintaying kong alukin niya ako ng kasal. At sasagutin ko siya ng isang napakatamis na 'Oo'. Iyan ang plano.
Ang kailangan ko lang ay magpakilala sa kaniya.
Ngayong may bagong pagkakataon na akong gumawa ng maraming bagay, may posibilidad na nga ang pinapangarap kong mapakasalan si Joseph. Siya ang aking kapitbahay na kalilipat lamang mula Amerika. Alam kong single siya dahil walang ibang kasama sa bahay, ito man ay mapalalaki or mapababae. Minsan may mga barkadang pumupunta pero mukhang madalas gusto niya ang katahimikan ng kaniyang tahanan. Oh, diba parehas na parehas kami, gusto namin ang peach and quiet.
Ang kailangan lang namin ay ang first date tapos everything else will fall into place. Magandang plano diba?
“Noo, hindi ka makakapaniwala sa ginawa ko?” Ang bulalas ko sa aking cell phone habang naglalakad ng pabalik balik sa maliit na hardin dito sa likod ng aking bahay.
Alas siyete na ng gabi, nababalot na ng dilim ang langit, at nagsisimula na ring lumamig ang hangin. Dahil dito niyapos ko ang aking sarili para mapanatili ang init ng katawan at patuloy ng paglalakad sa likod bahay.
“Oh, bago iyan ah? May ginawa ka?” Ang tanong ni Nicolo mula sa kabilang linya.
“Yup! At hindi ka maniniwala na nagawa ko it?” Ang masayang sagot ko.
“Okay, I’ll bite. Ano iyong ginawa mo na hindi kapani-paniwala?”
“I quit my job!” Ang tuwang tuwang paghahayag ko sa kaniya at pati na rin sa buong daigdig, or at least sa kung sino man ang makakarinig sa akin mula dito sa likod bahay.
“Ano kamo?” Ang gulat na sagot niya.
“Sabi ko I quit my job.”
“Seryoso ka?”
“Umm… yah, diba nga sinabi kong nagawa ko na at talagang hindi kapani-paniwala.”
“…”
“Hello?” Biglang tahimik sa kabilang linya, nasobrahan ba siya ng gulat at hindi na makapagsalita. “Hello?”
Tut-tut-tut-tut-tut
Kaya pala natahimik, naputol ang koneksyon namin. Marahil nagbibiyahe na siya pauwe ng bahay. Minsan kasi sa parang may ilang lugar na walang signal.
Hindi ako nagsisinungaling ng sinabi kong wala akong kaibigan. Totoong wala akong kaibigan, dito. Si Nicolo, kaibigan kong naiwan sa aming bayan. Kahit gustohin ko mang gumimik kasama niya, kailangan pa namin magbiyahe ng walong oras para lamang magkita. Kaya tama lang na tinuturing ko ang aking sarili na friendless.
Sabay kaming lumaki ni Nicolo sa bukirin na pagmamay-ari ng aking ama. Kasosyo niya ang kaniyang matalik na kaibigan si Tatay Canoor, na siyang ama naman ni Nicolo. Dahil dito mula pa sa diaper days namin, este lampin days pala hindi pa ata uso ang diaper noong panahon namin, magkakilala na kami. Palibhasa kaming dalawa lamang ang magkaedad mula sa siyam na mga kapatid niya, naging matalik na magkaibigan kami at laging magkasama.
BINABASA MO ANG
New Me
General FictionKung ang buong buhay mo ay kay-tigang at walang kasing boring.Hanggang saan ang kaya mong gawin upang mabago ito? Bagong buhok? Bagong mga damit? Magpapayat? Mag-hire ng life coach? Para kay Penelope, basta maabot niya ang pangarap niyang makulay at...