9: How to Play the Game?

90 16 11
                                    

Bagong buhok, bagong diet plan, at bagong exercising clothes. Sa umpisa kay hirap iwanan ng aking chicharong baboy, inihaw na pisngi ng baboy, lechon paksiw, pork sisig, talaba, at ang pinakapaborito kong cebuchon. Pero dahil naniniwala ako na tama ang suggestion ni Andrew na magbawas ako ng timbang. Kailangan kong magbago ng istilo ng buhay.

Tuwing umaga ay blended na saging, mansanas, strawberry, at dahon ng malunggay ang aking iniinom. Pagkatapos nito ay tatakbo ng dalawang ulit paikot sa buong subdivision na aabot ng mga isa’t kalahating oras o higit pa depende sa bilis ng aking pagtakbo. Pagkaraan nito ay iinom ulit ng shake na natira sa ginawa sa agahan. Pagdating ng tanghalian, isang mangkok ng salad ang aking kakainin. Ang meryenda, samo’t saring mga prutas. Pagkatapos nito siguro isang session ng pagsabay ng Yoga sa DVD na nabili ko. Hapunan, isang tasang shake muli kasama ang isang isda at steamed na mga gulay. Pagkatapos ng aking gabi-gabing rutinang panoorin si Joseph, pagpatak ng alas-ocho kailangan tulog na ako dahil kung hindi, mahihirapan akong pigilan ang aking sarili na mangdukot ng kung ano anong chichiryas dahil damang dama ko talaga ang gutom.

Hindi ko inaasahan na si Andrew ang unang mag-message sa akin. Dahil ang aking buong lakas at atensyon ay kinakailangan ko para makapag-focus sa aking pagbabawas ng timbang, nakalimutan ko nang isang linggo na pala ang nakalipas mula ng huli naming pagkikita.

Actually, ako talaga ang unang nag-text sa kaniya pagkatapos ng aking pagpapaganda kay Tita Ivey. Sa tulong ni Tita Ivey, kinuhanan niya ako ng litrato mula sa buhok, harap at likod, kasama na ang bagong waxed na kilay at bigote, hanggang sa aking bagong manicured na mga daliri. Pinilit niya akong ipadala ang mga litrato kong ito kay Andrew upang maipakita ang “after look.”

Ang unang kumento niya, “Much better.” Walang kahit na ano pang dagdag kundi dalawang salita lamang. Mula doon saka lamang niya nakuha ang aking numero.

Kaya ng tumunog ang aking cellphone habang ako ay nag-uunat sa ibabaw ng aking Yoga mat, nagulat ako at siya iyon.

How are you keeping up with your goals? Ang unang text niya. Talagang straight forward, ni walang Hi or Hoy man lamang.

Doing Yoga r8t now. Ang maiksi kong reply.

Good, but not good enough. You should try something more extreme that would burn more calories.

& wat would dat b? Ang mabilis na sagot ko. Tinigil ko muna ang aking pag-yoga at naupo na lang muna sa mat.

Have you tried Kickboxing? Or at least just Boxing?

Woah, kickboxing? Parang masyadong extreme naman iyon sa akin. Ni unan nga hindi ko sinasaktan eh.

Never did. Pero hirap b nun?

Nope, you should try it. Wait.

Naghintay naman ako sa susunod na text niya habang pinaglalaruan ang aking cellphone.

Alright, I signed you up for a class. Here’s the address. You’re free on Monday at 5:30 right?

Ano? Agad-agad?

W8t I’m not ready 4 it.

Well, you should be. Since it’s already scheduled. I expect you to be there on time and ready to kick some ass.

Hindi ko matiis na ito, kaya mabilis kong ini-dial ang kaniyang numero. Wala pang dalawang ring ay sinagot na niya.

“Hey Penelope!” Ang masiglang bati niya na akala mong ang tagal naming hindi naguusap.

“Huwag mo nga akong i-hey hey diyan. Teka, how can you just sign me up without asking permission first?” Ang sugod ko agad sa kaniya.

“I did ask you.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 22, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

New MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon