Bago ko ipinarada ang sarili ko sa tapat ng radio station para abangan si DJ BullDog, nagsaliksik muna ako ng mabuti tungkol sa kanya. Gusto kong makilala siya ng kaunti bago ko siya kumbinsihing magtrabaho para sa akin bilang aking coach. Dahil mahirap na baka may nakaraan siyang tinatago tulad ng dati siyang serial killer o kaya ay rapists. Mabuti nang nagiingat, diba?
Ngunit sa dinami dami kong natagpuan tungkol sa kaniya, tulad ng mga articles na isinulat niya para sa mga men’s magazine at ilang blog na sobrang dami ng followers, hindi ko man lamang mahanap kung ano ang itsura niya. Kaya medyo nag-aalangan ako na baka nga mukha siyang aso kaya BullDog tawag sa kaniya. Siguro inabot ako ng tatlong oras bago makatagpo ng isang larawan niya, hindi pa nakaharap, kundi nakatalikod ngunit ang kaniyang mukha ay nakabaling sa gilid. Ngayon kailangan kong pagmasdan ang lahat ng mga kalalakihang lumalabas sa istasyon mula sa kanilang likuran.
“Thanks lads and ladies for joining me again on our bi-monthly segment. Just a side note before I bid you all good day, I received a very opinionated letter from one of our precious lady listener and said I was a complete a*hole and a professional womanizer. She might have ment that as an insult but I’m actually touched. First ‘cause she actually took the time to write me a letter. Second, she must have listened to my show a few times and lastly, I must be doing something right since she’s reacting toward what I’m voicing out on the air. So to you all my listener, I thank you. Now, that’s all the time we have, BullDog’s OUT!!” Kasunod noon ay nagpatugtog na si DJ BullDog ng mga kanta.
Ayon sa pagsasaliksik ko, dapat ay uuwe na si BullDog ngayon dahil wala na siyang ibang gig sa station na ito. At dahil sa empleyado siya, ang labas nila ay karaniwan ng sa lower level ng building sa may likuran kung saan nakaparada ang mga sasakyan ng mga empleyado. Walang pag-aatubili ay bumaba ako ng aking sasakyan at tinahak ang patungo roon.
Ang balak ko ay pasimpleng maghintay sa may gilid ng elevator at abangan ang lahat ng bumababa. Tapos makipagkilala, i-offer ang aking preposition sa kaniya, at Viola! May guy coach na ako na maglalapit sa akin kay Joseph.
Hindi ko talaga balak na abangan ang BullDog na ito sa ganitong paraan. Ngunit kahit ilang daang beses ko na siyang subukang tawagan ay hindi ko pa rin siya nakakausap. Mariing pinaninindigan ng receptionist niya na hindi siya tumatanggap ng tawag sa trabaho. At kung sa station naman niya ako tumawag, ganoon din ang nakukuha kong sagot. Kaya walang ibang paraan kundi hunting-in ang aking guide dog.
Bitbit ang larawan ni DJ Bulldog, matama akong nagaabang sa kaniya, nang biglang tumunog ang aking cellphone. Nagmamadali ko itong sinagot nagbabasakaling iyong receptionist na ni Bulldog ang tumatawag at sasabihing kakausapin na ako nito. Para hindi ko na gawing maghintay rito na parang stalker.
"Hello?" Ang mahinhin kong sagot, kunwari.
"Hello Paa?" Ang boses ni Nicolo ang nagecho sa kabilang linya.
"Oh... Ah, hello!? Noo?" Ang pagkadismaya kong sagot. Hindi pala ang inaasahan kong tawag, si Noo lang pala.
"Hmmm... mukhang iba ang inaasahan mong tumawag ah." Ang saktong panghuhula niya.
"Hinde ah. Paano mo naman nasabi iyan?" Umusad ako ng kaunti patago sa isang pekeng halamang nakapaso dito sa malamit sa elevator para hindi kaagad mapansin ng mga taong lumalabas roon na andito ako.
"Eh, parang dissappointed ka ng sumagot ka eh. Bakit, sabihin mo, sino ba hinihintay mong tawag? Sa dream boy mo ba?"
"Ha! Ha! Ha!" Ang sarkastikko kong pekeng tawa. "Nakakatawa ka naman, alam mo namang ni hindi ko pa siya ulit nakakausap ah."
"Oh, ganoon? Wala pa palang progress iyang dream romance mo... Anong ginagawa mo ngayon?"
"Inaabangan ko si BullDog lumabas ng elevator." Ang sagot kong may pabulong dahil may mga empleyadong lumabas sa elevator, ngunit wala ang hinihintay ko.
BINABASA MO ANG
New Me
General FictionKung ang buong buhay mo ay kay-tigang at walang kasing boring.Hanggang saan ang kaya mong gawin upang mabago ito? Bagong buhok? Bagong mga damit? Magpapayat? Mag-hire ng life coach? Para kay Penelope, basta maabot niya ang pangarap niyang makulay at...