CHAPTER 5
[ Kris' POV ]
"Please?" I heard Candy pleaded me.
Natigilan ako don kaya naman napatitig ako sa kanya. Matagal ko siyang tinitigan at talaga namang kita ko sa mga mata niya kung gaano niya kagustong gawin 'tong project na 'to. I want to help her but...
"I'm sorry." that's all I can say at saka na ako tuluyang pumasok sa kotse.
Kahit nasa loob ako, tanaw ko pa rin ang malungkot na mukha niya. Hanggang ngayon nakatayo pa rin siya sa mismong lugar na pinag-iwanan ko sa kanya. Ewan ko pero ramdam ko yung lungkot sa mukha niya.
Ganon niya ba talaga kamahal ang pag-momodel? Nagawa niyang mag-plee para lang maituloy niya 'tong modelling project na 'to?
I sighed then I closed my eyes. I don't want to see her face anymore o baka biglang magbago ang isip ko at pagbigyan ko siya sa hiling niya.
Sandali rin akong pumikit at nang imulat kong muli ang mga mata ko para i-check siya pero wala na siya don. Lumingon-lingon pa ko sa paligid pero wala na talaga siya. Ang bilis naman niya sumuko?
Maya-maya lang, dumating na din si ate. Halatang galit siya dahil kita ko yun sa expression ng mukha niya. Agad siyang pumasok ng kotse at inutusan ang driver na paandarin na ito.
"What happened?" I asked.
"Walang nangyari but we're going back tomorrow." -ate
"Did we get the contract or not?" I asked again.
"Kris, please stop asking me for now. I want to rest." sabi ni ate sabay lingon sa bintana.
Bago pa man siya lumingon, may nakita akong kumislap sa mga mata niya.
Umiiyak ba siya? Pero bakit?
Gusto man sana siyang tanungin pero ipinikit ang mga mata niya. Dun ko na din napansin ang pagtulo ng luha niya kahit masyado siyang nakatagilid ay napansin ko pa rin. Halatang gusto niya itago iyon.
Seriously? What's exactly happening?
Hindi ko na lang siya tinanong dahil baka mapagalitan lang niya ko so, hinayaan ko na lang muna siya.
[ Shane's POV ]
Pagkaalis ni Kris at pati na rin ni Candy, I immediately glared at Victor... Vicky... or whatever!
"Why are you doing this? Will you just give up ang go without any complain?!" I madly said to him.
"Why would I do that? You're not in a right position to order me on what I'm going to do or not." -Victor
"Ano bang gusto mo? Hindi ka pa ba kuntento sa ginawa mo saken dati?"
"Hoy, babae! Tigil-tigilan mo na ko diyan ah. I don't want to remember the past anymore. Nandidiri ako!" -Victor
Parang may biglang pumitik sa puso nang marinig ko ang mga salitang yan sa kanya. Ganon ba talaga siya nandidiri saken? Ganun-ganon na lang ba 'yon?
"Ganyan ka ba talaga? HIndi mo ba talaga pinahalagahan yung mga nangyari sa atin dati ha?! Ganyan ka na ba kasama?!" medyo napalakas na ang boses ko dahil sa galit nang sabihin ko yan.
"Ano ba kasing gusto mo? Alalahanin ko yung bangungot ng nakaraan ko na kasama ka?"
*PAK!*
Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya nasampal ko na siya. "Ang sama mo.." mahina kong sabi at saka nagsimula ng maglakad palayo sa kanya.
I hate him! I HATE HIM SO MUCH!
BINABASA MO ANG
Secretly Dating [ON HOLD]
Romance“Secretly Dating. I've been seeing that rumor all over the news. Kung sana kasi totoo na lang yon para hindi na ako nasasaktan. Gusto ko naman maging masaya. Nakakasawa nang mag-isa.”