Chapter 6

307 8 1
                                    

CHAPTER 6

[ Kris' POV ]

Agad na bumaba si ate sa sinasakyan naming kotse nang mariting nito ang harap ng bahay. Hindi ko siya tinawag dahil alam kong kailangan niya ng oras para mapag-isa. Kami na lang ni ate ang magkasama sa buhay kaya naman kilala ko na siya. Alam ko na kung kailan pwede makipagkulitan sa kanya at kung kailan hindi.

Ang ginawa ko, lumabas na rin ng sasakyan at dumeretso papasok ng bahay. Agad naman pumasok si ate ng kwarto niya so I do the same. Deretso pasok na rin ako sa kwarto ko.

Nang mahiga ako sa kama ko, siya namang replay ng nangyari kanina. Noong kausap ko si Candy. Ewan ko but I felt guilty because of what I've done earlier.

Pilit kong inalis sa isip ko yung pangyayari kanina pero sadya atang gusto ng utak kong isipin yun. Paulit-ulit nagpe-play sa utak ko ang mukha ni Candy kanina habang kausap ko siya. Hanggang ngayon, kitang-kita ko pa rin ang malungkot niyang mukha.

Napabuntong-hininga ako at umiling-iling. Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang photo album. I need a way to stop that scene on playing in my head. Kailangan kong maalis sa isip ko ang babaeng 'yon.

 Agad kong binuksan ang isang photo, mukha ni Grace ang nandon. Agad din akong napangiti dahil sa bumungad na napakagandang mukhang 'yon sa phone ko. Makita ko lang mukha ni Grace, napakalaking affect na saken non kaya naman parang may kung anong bagay ang nagpabuhay sa puso ko ng makita ko ang imaheng 'yon.

Korni na ba masyado?

Ganon na ata talaga pag in love ka eh. Kumokorni na. Hehe

Tinitigan ko ng napakatagal ang mga pictures ni Grace na nasa photo album ko at lalo akong napangiti ng bumungad saken ang stolen picture niya. Yun yung araw na bigla kaming dinumog ng mga fans ko at agad kaming nagtatatakbo ni Grace.

Natatawa talaga ko sa itsura niya dito sa stolen shot niya. Ang cute niya. Nakaka-miss tuloy.

Pero wala naman akong magagawa dahil busy siya sa work niya at ako naman kailangan ko muna mag-focus sa pagmomodel ko lalo na't may problema pala.

Inilipat ko sa next picture pero laking gulat ko ng ma-realize ko yung mukha ng babae sa picture. Agad akong napabangon sa pagkakahiga ko. Hindi siya si Grace pero hindi naman talaga yun ang nakakabigla. At hindi lang siya basta babae kundi kilala ko.

Si Candy Gomez...

with a guy holding her hand..

and they're smiling at each other.

Napako ang mga mata ko sa picture na 'yon. Grabe akong nagulat dahil sa pagtataka. Sa pagtataka kung bakit may picture akong ganito sa cellphone ko. Napakalinaw ng picture na 'yon kaya imposibleng magkamali akong si Candy 'yon with unknown guy.

Bahagya naman akong napaisip nang mapansin ko ang mga ngiti sa labi ni Candy. Ang Candy na nandito ay ibang iba sa Candy na nakita ko kanina dahil ang Candy kanina ay malungkot. Ang lungkot na 'yon ay dahil saken, dahil sa pagtanggi ko sa pakiusap niya.

For some raeson, na-guilty ako bigla.

Tinitigan ko ang mukha ng guy na kasama niya. Sandali ko lang tinitigan 'yon pero nahalata ko agad na mas bata siya kaysa kay Candy. I could feel it. Mukhang pa siyang College student.

Saglit ko pa ulit tinitigan picture na 'yon pero agad ko ring pinatay ang cellphone ko at ipinatong pabalik sa side drawer ko bago humigang muli sa kama. Ipinikit ko na rin ang mata ko para makalimutan ang mga nakita ko.

[ Candy's POV ]

Pagkababa ko sa kotse ni Vicky, dumeretso na ko sa Condo ko at sa kwarto. Kahit di pa naman ako nakakapagsimulang magtrabaho, napagod pa rin ako kaya naman diretso ko sa kwarto ko at humiga.

Secretly Dating [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon