Author's Note:
I dedicated this to you ^_________^
Wooooohhhh! Sorry sa super late na update. Naging super busy lang din kasi ako sa school. Alam niyo na, estudyante eh. Kailangan mag-give way ng mga stories ko for my studies. Please try to understand me. Tao lang po ako at hindi lang dito sa wattpad umiikot ang mundo ko. I still have life outside watty land XD
And another thing, I'm very very happy kasi mas marami na akong natatanggap na comments and votes from all of you, my readers. Sana po ipagpatuloy niyo ang pagsuporta sa story ko :D
I hope you also visit my other on-going stories:
* Teaching the Cold-Hearted Guy to fall in love
* Meeting My Ideal Guy
_______________________________________________________________
CHAPTER 8
[ Candy's POV ]
*Click here. Click there. Click here. Click there. Click here. Click there.*
Tuloy-tuloy lang ang mga flash ng camera habang ako ay pose lang ng pose with the guy who blackmailed me. Well, ganon din naman ako sa kanya. Ayoko man gawin but I don't have a choice anymore. Nandyan na yan eh, wala na kong magagawa.
Si Kris? Heto at halatang naiinis na. Naiinis siguro siya katrabaho ako?
Well.. ganonn din naman ako sa kanya. Ang makatrabaho ang isang mahanging lalaking gaya niya ay malas para saken. Okay naman kasi sana siya nung una eh kaya lang bigla na lang nagbago ang pakikitungo niya saken. Ewan ko ba parang lalo akong nainis sa ideyang inis siya saken.
Hayy.. I don't understand my feelings, seriously.
"Candy, focus!" I suddenly heard the photographer shouted that caught my attention.
"Eh?" ewan ko pero nagtaka ako.
"Don't think anything that's not part of this project. Focus on what you're doing, Candy!" medyo napalakas na ang boses ng photographer.
I bit my bottom lip as I lowered my head. Parang napahiya ako nang pagsabihan niya ko. Eh nakakahiya naman talaga masigawan noh!
"Sorry.." iyon na lang ang tanging salitang lumabas sa bibig ko.
"Umm.. I think she's a bit tired already. Why don't we take a break for the mean time? Siguro naman marami ka ng pictures na na-take samin, right?" si Kris yan. Oo, siya nga. Grabe, he surprised me. Hindi ko expected na tutulungan niya ko. Actually ang ineexpect ko, tatawanan niya ko pero hindi niya ginawa dahil tinulungan pa nga niya ko ngayon.
Dahil sa bigla niyang sinabi, napatingin ako sa kanya. Tumingin lang siya saglit saken at hinirap muli ang photographer. "Isa pa, medyo pagod na rin ako at siguro naman hindi masamang magpahinga kahit saglit lang?"
"I think he's right." si Vicky yan. Naks naman, tinutulungan din ako. What a caring manager he is. Siya na the best!
"Yeah. Pagpahingahin mo muna ang mga models mo." si Ms. Shane naman, nakisali na rin.
Wala na rin nagawa ang photographer dahil lahat na sila nagrequest ng break time. At isa pa, nung magsalita pa lang si Ms. Shane parang nakuha na agad niya ang pagsang-ayon ng photographer. Mukhang may tama si Mr. Photographer kay Ms. Shane. Halata eh, super! Kung makatitig, wagas!
"Okay, let's take a break." -photographer
Tumingin ako kay Kris at nagsalita. "Thank you."
"No problem." napakasimpleng sagot niya sabay talikod at naglakad papunta kay Ms. Shane.

BINABASA MO ANG
Secretly Dating [ON HOLD]
Romance“Secretly Dating. I've been seeing that rumor all over the news. Kung sana kasi totoo na lang yon para hindi na ako nasasaktan. Gusto ko naman maging masaya. Nakakasawa nang mag-isa.”