Chapter 3

403 9 0
                                    

CHAPTER 3

[ Victor/Vicky's POV ]

Maaga akong gumising para sunduin na si Candy sa condo niya. Ngayon na kasi naka-schedule ang next photoshoot niya after nung last week. Di naman basta-basta 'tong project na 'to since malaki ang perang ibabayad ng owner ng company.

About saan ang concept ng photoshoot?

Since malapit na ang Christmas, ayun ang concept. Mga isang buwan din ang kakailanganin nitong project na 'to dahil indi lang isang product ang i-eendorse dito. Well actually, malaking company ang nag-offer so sayang naman kung di ko tanggapin di ba?

Nasabi rin saken na 2nd choice lang kami. Tinanggihan daw ng 1st choice kaya kami ngayon ang napili. Wel kung sino man yung tumanggi, tanga na lang niya. Malaki kayang pera ang pinakawalan nila.

Ayoko naman sanang tanggapin 'to dahil nga 2nd choice lang kami pero gusto ni Candy. Masaya daw siya sa trabaho na 'to kaya kahit di siya ang first choice, ayos lang. Ano pa ba magagawa ko? Malakas saken yan eh!

Sino nga ba ko sa buhay ni Candy Gomez?

Ako lang naman ang napakagandang manager niya. Buti nga at minana niya ang kagandahan ko. But anyways, ayon nga manager niya ko. Naalala ko nga nung una ko siyang makilala, ibang-iba siya noon. Parang hindi siya yung Candy na kilala ko ngayon.

2 years ago, Candy Gomez doesn't know how to smile but look at her now. Halos araw-araw ko siyang nakikitang nakangiti. Di ko naman malaman kung anong dahilan. Sa tuwing tatanungin ko siya, ang lagi niyang sagot eh dahil daw sa fans niya na laging nakasuporta sa kanya.

Noong una pa lang siya nagmomodel, di naman siya mangiti nun kahit may mga fans na siya noon. Di ko alam pero bila na lang nagbago. Nitong taon lang yan nagbago. Kung dati di ko siya makita na nakangiti, ngayon naman parang di na maalis ang mga ngiti niya.

Maybe she's just enjoying the world of modeling... I guess.

"Nandito na po tayo."

Bigla nagsalita si manong driver. Gulat naman aketch don!

"Okay, wait me here."

"Opo."

Then lumabas na ko ng kotse at sinundo ang alaga ko na si Candy sa condo niya.

Gaya ng inaasahan, tulog pa ang gaga. Kahit kailan talaga tulog mantika ang isang 'to. Ginising ko siya pero walang effect. I sighed then I started tickling her.

"Ano b-ba, natutulog p-pa ang t-tao e-eh." rinig kong sabi niya between her laughs.

Di ko tinigil ang pagkiliti sa kanya at ipinagpatuloy lang ito hanggang sa mapatayo na siya. Napamulat na rin ang mga mata niya.

I sighed, "Finally, you're awake!"

"Yah, Victor! Why did you do that?! Can't you see I'm sleeping?"

I rolled my eyes, "I'm not Victor, I'm Vicky. Saka tigil-tigilan mo ko, Candy. At isa pa, kay aga-aga nag-i-english ka diyan. Mag-ayos ka na, bilis!"

"Bakit ko naman gagawin yon? After you ruined my sleep, uutusan mo ko niyan?"

I rolled my eyes once again, "So, ayaw mo na bang ituloy ang photoshoot mo ngayon? Remember, ikaw may gusto nito?"

Nakita ko namang nataranta siya, "Bakit ngayon mo lang sinabi? Nakakainis ka talaga Victor!" tapos nagmadali na siyang tumakbo sa banyo niya.

"I said it's VICKY!" I shouted.

Kaya lang tuluyan na siyang nakapasok ng banyo niyo.

Argggghhh! Asar talaga yung babaeng yun! Kung hindi lang parang kapatid ko na yan, baka di ko na siya i-handle bilang manager niya.

Secretly Dating [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon