Author's Note:
WOOH! Sa wakas nakapag-update din. Pasensya na po sa sobrang tagal na update ko. Masyado ko lang talagang sinulit ang aking bakasyon. But anyway, eto na nga update. Basa basa din pag may time XD
And I dedicated this to you, sweetie ^__^
________________________________________________________________
CHAPTER 10
[ Candy's POV ]
Gabi na pero hanggang ngayon wala pa rin akong narereceive na tawag o kahit man lang text galing kay Greg. Seriously, what happened to him? Nag-aalala na ko.
Ilang beses ko na rin tinry na tawagan siya pero nakapatay yung phone niya. Ano ba 'to, nag-aalala na talaga ko. Hindi ako mapakali.
Dahil sa mga nasa isip ko, napatayo ako bigla. I grabbed my jacket, shades at pati na rin and face mask para gamitin sa pagdidisguise ko. Hindi ako matatahimik hangga't hindi ako nakakatiyak na okay si Greg.
Agad akong lumabas ng condo ko at tinungo ang daan papunta sa place ni Greg. Alam kong delikado ng lumabas pa ko lalo na't wala akong kasama sa ganitong oras na gabi. Hindi lang yun dahil anytime pwede rin may makakilala saken na fans.
Hinayaan ko na lang. Ayoko na rin isipin pa ang mangyayari saken. Ang importante, matiyak kong okay si Greg. Sa ngayon, siya lang ang mahalaga. Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag nawala siya saken. Bukod sa trabaho ko, siya na lang ang meron ako. Wag naman sanang mawala pa.
Hindi ko na ginamit ang kotse ko dahil mas makikilala ako ng mgga fans kung gagamitin ko pa. Naglakad na lang ako tutal hindi naman kalayuan ang apartment ni Greg. Isa pa, hindi naman ako maarte. Matiyaga din naman ako kahit papano kaya kayang-kaya kong lakarin kahit gaano pa kalayo, makita ko langg si Greg na okay.
Mabuti na lang at walang masyadong tao at mabilis kong narating ang apartment ni Greg.
I start knocking on the door. Walang response.
I knocked again. But no response again.
I knocked a couple of times pero ganon pa rin, wala pa ring response galing sa loob ng apartment niya.
Baka naman wala siya dito? Baka may binili ulit sa grocery? O baka naman kung saan na siya napunta? O kaya naman nakidnap na siya?
My eyes widen because of that thought on my head. OMG! What if that's really happened to him?
Agad akong naglakad palayo sa apartment niya. Pero hindi ko tinungo ang daan pabalik sa condo ko. Instead, I took the way to the town. I need to find Greg no matter what.
At ngayon, nandito na ko sa lugar na maraming tao. Alam kong delikado but I'm desperate.... to find Greg.
Lakad dito, lakad doon. Nakakaramdam na ng sakit ang paa ko but I don't care. Hindi ako pwede tumigil. Ayokong tumigil hangga't hindi ko nakikita si Greg.
I pulled out my phone to check if there's a phone call or text message from Greg. But to my disappointment, I received nothing. I started dialing his phone number pero ganon pa rin, nakapatay pa rin ang phone niya.
I sighed, "Greg, asan ka na ba kasi?" mahinang lumabas sa bibig ko.
"OMG! Wait, si Candy yun di ba?"
"Candy who?"
"Tanga ka ba? Tingnan mo kasi yung tinutturo ko. Ayun oh, si Candy Gomez."
"Candy Gomez? Yung sikat na model?"
"Exactly!"
"OMG!!!!! CANDY!!!!"
BINABASA MO ANG
Secretly Dating [ON HOLD]
Romansa“Secretly Dating. I've been seeing that rumor all over the news. Kung sana kasi totoo na lang yon para hindi na ako nasasaktan. Gusto ko naman maging masaya. Nakakasawa nang mag-isa.”