CHAPTER 2
[ Candy's POV ]
*Ding Dong!*Ding Dong!*
Narinig ko ng tumunog ang door bell ng condo ko. Nandyan na siguro siya. Sinigurado ko munang maayos ag sarili ko bago ko buksan ang pinto. Nakangiti ko itong binuksan.
At ayon nga, tama ako. Siya nga ang nasa kabila ng pinto. Si Greg. Ang nag-iisang lalaki sa buhay ko.
"Ready ka na?" narinig kong tanong niya.
Ngumiti ako at tumango. Iniabot naman niya ang braso niya saken. "Then, shall we go?"
I nodded my head again sabay ni-link ko yung arms ko sa arms niya at lumabas na kami ng building kung saan ang location ng condo ko.
Nagtataka ba kayo kung saan kami pupunta?
Well.. actually, may date kami ni Greg ngayon. May date kami dahil special ang araw na toh. Sa katunayan, 8th monthsary na namin ni Greg ngayon, September 23, 2012. So bali January 23 nang maging official ang relationship namin.
Grabe, umabot na pala kami ng 8 months ni Greg. I've never expected this, really. Akala ko kasi di magtatagal ang relasyon namin. I have a reason kung bakit inakala ko yun. First of all is mas matanda ako sa kanya. Isa pa, mahirap ang situation namin dahil sa may trabaho ako at siya naman ay nag-aaral. Pero hindi naman nangyari ang mga inaakala ko. Kaya naman sobrang pasasalamat ko kay Greg because he's always there for me. He's always there to give his love to me.
Sobrang masaya ko kasi nahanap ko siya. Sa buong buhay ko, ang makilala ko siya ang higit na hindi ko pinagsisihan.
At alam kong di ko pagsisisihan in the future...
At this moment, I have no idea kung saan ako dadalhin ni Greg pero alam kong kahit san man niya ko dalhin magiging masaya ko. Makasama ko lang siya, okay na ko.
Corny man pero yan ang totoo.
Kung hindi dahil sa kanya, baka lagi lang ako nakakulong sa condo ko. Siguro, paulit-ulit ko na naman maaalala ang bangungot ng nakaraan ko. Ayoko na ulit mag-isa at magdusa sa nakaraan na yon. Malaki ang pasasalamat ko at naibsan ni Greg ang kalungkutan kong iyon.
"We're here." nagsalita si Greg.
Napatigil ako saglit ng ma-realize ko kung nasaan kami ngayon. Napakaganda, maraming ilaw at di ko mapigilan ang di mangiti. Nandito kami ngayon lugar kung saan ipinagtapat niya ng pag-ibig niya para saken, kung saan dun din ay tinanggap ko siya para maging bahagi ng buhay ko. Ang lugar kung saan muli akong sumaya at nagkaroon ng lakas para sumaya muli.
"Natatandaan mo pa tong lugar na toh?" he asked.
Nilingon ko siya sabay ngumiti ng malapad, "Oo naman. Hinding-hindi ko makakalimutan tong lugar na toh."
Ngumiti rin siya saken habang lumalapit siya saken hanggang sa niyakap niya ako. Ginantihan ko rin naman siya ng yakap. Kung alam lang niya kung gaano ko na-miss ang yakap niya. Ang pakiramdam na para kang secure everytime he did that.
"Gaya mo, hindi ko rin makakalimutan tong lugar na toh. Imposibleng makalimutan ko ang importanteng lugar na toh. Simple man pero ito ang pinaka-special na lugar sa buhay ko. Ang lugar kung saan tayo naging official. I'm glad I met you, Candy. Salamat."
Umiling ako, "No, I should be the one who thank you. I'm glad i found you. Napaka-swerte ko at dumating ka sa buhay ko. Napaka-swerte ko at binigay ka ng diyos sa akin. Thank you, Greg for giving your love to me."
"Pero nagpapasalamat pa rin ako dahil tinggap mo ang nararamdaman ko para sa'yo. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya nang malaman kong mahal mo rin ako. Sobra ang saya ko, sobra..." sabi niya at saka ako niyakap ng mas mahigpit.
BINABASA MO ANG
Secretly Dating [ON HOLD]
Romance“Secretly Dating. I've been seeing that rumor all over the news. Kung sana kasi totoo na lang yon para hindi na ako nasasaktan. Gusto ko naman maging masaya. Nakakasawa nang mag-isa.”