Author's Note:
I dedicated this to you :)
Readers, sorry po sa napakatagal na update. Sadyang nakakatamad lang po talaga mag-update kapag walang masyadong response na natatanggap galing sa inyo. Please be with me and my story. I need many feedbacks para naman mainspire akong maupdate. I hope you'll understand me. Votes and comments are love.
So anyways, eto na po ang update ko. Enjoy reading! :D
___________________________________________________
CHAPTER 9
[ Candy's POV ]
So, eto na nga. Nauwi na kami sa pictorial na magkasama. Ewan ko ba, hindi ko talaga kayang pakawalan ang malaking break na 'to para saken. Sayang kasi at isa pa, I'm really enjoying my job. Masaya ko sa ginagawa ko at ayokong itigil ang bagay kung saan ako sumasaya.
Flash here, flash there. Ayan ang ginagawa ng photographer habang kaming dalawa ng katabi ko, pose lang ng pose. Actually, hindi ako sanay na may kasama sa trabaho ko especially boys. Pero hindi ko na lang pinansin na kasama ko si Kris and I focus on what I'm doing.
Ngiti diyan, ngiti dito. Sanay na ko diyan. Trabaho ko nga di ba?
Nakiramdam ako sa katabi ko dahil parang awkward siya saken or sa ginagawa namin. Hindi ko siya tiningnan dahil baka mahuli niya kong nakatingin. Nagfocus na lang ulit ako sa pagsmile-smlile at pagpose-pose ko.
Mukhang nawala naman sa isip ko na may katabi pala ako. Feeling ko ako na lang mag-isa ang nagtatrabaho. Gaya ng dati, ako lang mag-isa sa trabaho ko. Unti-unting gumagaan ang pakiramdam ko dahil talagang naeenjoy ko na ang ginagawa ko ngayon.
Kaya lang biglang nabaling ang tingin ko sa gwapong mukha ni Kris. Yes, I admit na gwapo siya. Kaya nga naging model dahil gwapo eh. Nawala saglit ang ngiti sa labi ko nang magtama ang mga mata namin. Para akong kinilabutan sa mga tingin niyang nakakatunaw.
Bakit ba kasi ganyan siya makatingin? At kanina pa kaya siya nakatingin saken? Pero bakit?
Dahil hindi ko na alam ang gagawin ko, ngumiti na lang muli ako. Siguro may konting pagka-awkward ang ngiti ko pero nawala rin agad yun dahil pinilit kong maging normal at totoo ang ngiti ko. Nginitian ko siya gaya ng mga ginagawa ko sa mga pictorial ko. Isa pa, pabor din 'to sa trabaho namin dahil alam kong maganda ang magiging result nito sa mga shots namin for the magazine.
Anong minomodel namin? Mga damit sa Bench lang naman po :)
I study his face. Ganon pa rin, nakatitig lang siya saken na parang may gustong sabihin ang mga mata niya. Siguro hindi niya expected and pagngiti ko sa kanya. Well.. ako rin naman eh. Di ko rin expected sa sarili ko na ngingitian ko siya. Kahit papano, inis pa rin ako sa kanya at dapat din mag-ingat dahil anytime pwede niyang ilabas ang relasyon namin ni Greg. Ayoko naman manggyari yon noh.
But the next thing that surprised me...
...when I saw him smiled back at me.
"Okay. Let's stop with this for today." doon lang ako natauhan ng marinig ko ng sumigaw ang photographer.
Agad akong umatras palayo sa kanya habang nakayuko. Parang bigla kong nahiya. Feeling ko tumaas lahat ng balahibo ko don. Ngitian din daw ba ko?
I lightly shook my head at tumalikod na upang maglakad papunta kay Vicky. Pero nakakailang hakbang pa lang ako, narinig ko na siyang nagsalita.
"Candy.." oo, tinawag niya nga ko.
Parang huminto lahat sa paligid ko ng marinig ko ang pangalan ko galing sa kanya. Haharapin ko na sana ulit siya nang biglang may ibang boses na tumawag din sa pangalan ko. It's Vicky. He approached me at hinila na ko papunta sa loob ng dressing room. Ano pa ba magagawa ko? No choice eh. Hatakin pa naman ako ng baklang 'to.

BINABASA MO ANG
Secretly Dating [ON HOLD]
Romance“Secretly Dating. I've been seeing that rumor all over the news. Kung sana kasi totoo na lang yon para hindi na ako nasasaktan. Gusto ko naman maging masaya. Nakakasawa nang mag-isa.”