Vlogger Brielle???

7 0 0
                                    

"What? Seryoso ka ba dyan, Shai?" OA na react ni Aly.

"Ofcourse!! May point si Brielle don, aminin natin ang boring talaga ng interviews and such" pairap kong sabi.

"Well may point nga mga teh" sang-ayon ni Matt

"Yeah I also agree kaso baka maapektuhan yung scores natin kasi diba interview dapat?" ani Yna.

Wala si Anna may date na naman sila ng jowa niya, nako 'di ako magtataka kung babagsak 'tong babaeng 'to.

Nandito kami ngayon sa isang vacant room at pinag-uusapan yung video concept na sinuggest sakin ni Brielle kahapon. May point naman kasi, lahat na lang ayaw nila, ang kokontrabida!

"We should be creative too! Vlogging is very timely today and it will attract more audience, interviews are so boring minsan paulit-ulit na lang mga sinasabi nila" dagdag ko pa.

"Baka mapagalitan tayo ni ma'am, shai" sabi ni Aly.

Napairap ako sa kawalan "okay okay guys, ganito na lang ah. Let's ask ma'am about this matter if she will allow us to do another kind of concept kapag pumayag siya then we will be doing a vlog. Okay na?" said Matt

Tumango kaming lahat at nagpart ways na. Sumakay ako ng jeep papunta sa dorm, gustong-gusto ko na talaga humiga sa kama dahil yung pagod ko parang pang isang linggo na. Di 'yon OA, ganon ang level talaga, promise!!

Bumaba ako sa may kanto ng dorm, usually sumasakay ako ng tricycle papasok sa loob kasi medyo malayo pa yung mismong dorm ko sa kanto na kinatatayuan ko ngayon, pero iniisip ko sayang naman yung bente pesos na ibabayad ko sa tricycle eh pwede ko naman kasing lakarin tsaka medyo maaga pa kaya siguro naman safe pa. Nako!! Pag nalaman ni Ren na naglakad ako pagagalitan ako non.

"Hey!"

"Oh bat andito ka?" Si Brielle andito sa sa tapat ng dorm ko. Nagulat ako nakasandal siya sa sasakyan niya. Akala ko nung una ibang tao, siya lang pala.

"Ah may kinuha akong something near dito, nakwento mo kasi sakin before diba na dito ka nagdodorm" sabi niya pa.

Tinaasan ko siya ng kilay "Oh tapos?"

Tumawa ang loko kaya lumabas na naman yung dimple niya, azar na talaga dyan sa dimple niya ah. Di na siya nakakatuwa.

"Wala lang, bawal ka ba bisitahin?" Sabi niya habang tumatawa pa.

"Di kita mapapapasok sa loob ah, hanggang lobby ka lang"

Pumasok kami sa lobby, sabi ko sa kanya akyat lang ako para magpalit ng damit. Eto naman kasing lalaking 'to bigla-biglang nadating.

Nagbihis ako saka ko siya binaba sa lobby, yes, nagmadali talaga ako baka isipin pa non sinasadya ko siyang paghintayin ng matagal. Epal pa naman si Brielle madalas.

Pagkarating ko sa lobby nadatnan ko si Brielle na focus na focus sa cellphone niya. Jowa niya ata yung cellphone niya eh.

Me being such a papansin, tinakpan ko yung screen ng cellphone niya

"What the!!!... Uy Shai, tapos ka na agad?" Mumurahin sana niya 'ko kaso siguro nung narealize niyang ako yung nagtakip ng screen ng phone niya ayan natauhan. Buti nga.

"Opo ser, ano na? Ano ba yang pinaggagawa mo sa cellphone mo?" Sinilip ko pa nangyayari sa cellphone niya.

"Naglalaro lang ako ng call of duty, gusto mong itry?" Inoffer niya pa cellphone niya sakin na tinanggihan ko naman. Nakakahiya naman sa Iphone Xs niya ang Iphone 5s ko diba? Sorry na pwede pa naman kasi magamit bakit papalitan agad.

The halfway and in betweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon