Yup, I met his parents

8 0 0
                                    

Hinatid namin si Ren sa condo niya after, kinuha ko rin kasi yung ibang damit ko don dahil nagrereklamo na siya at puno na raw ang closet niya ng mga damit ko. Napaka-OA talaga, well wala naman talaga akong balak na kuhanin yung mga damit ko kaso kasi nakuha rin kasi ni Ren yung pinagawa kong bagong uniform sa Recto.

Ihahatid na 'ko ni Brielle sa dorm pero nasa traffic kami ngayon, well medyo maaga pa naman kaya ayon medyo di kami stress. Nagkwentuhan lang naman kami nung stuck kami sa traffic, nagkwento lang siya about his childhood na sosyal talaga kasi sa Dubai pala siya lumaki napakataray!

"Mom" sagot ni Brielle sa mommy niya, tumawag kasi eh nakaconnect naman sa cellphone niya yung bluetooth device kaya naririnig ko.

"Anak, iho naman kailan mo ba balak umuwi? It's been 2 months since you last went here" sagot ni mommy niya mula sa kabilang linya.

Napatingin sakin si brielle, hindi ko siya masyadong makita kasi nakapatay yung ilaw sa loob ng sasakyan, di ko tuloy alam kung anong reaksyon niya.

"Mom, I will go home soon promise" he said

"No no no, I want you to go home tonight! Where are you?" His mom said on the other line.

"Mom, I'm with a friend and I'm driving" he said, annoyance can be heard in his voice.

"Oh who's with you? Gian?"

"No, mom"

"Let me talk to your friend" his mom said.

"What?! No, why do you want to talk to her?" He asked, I know he's annoyed.

"Let me! Gabrielle Lance!" His mom said almost screaming.

Binuksan ni brielle ang ilaw para makita ako. Kitang-kita ko yung pangamba sa mga mata niya, well okay lang naman sakin na makausap mommy niya kaso ano naman sasabihin ko.

"Hello po" I greeted almost whispering.

"Oh my god! A woman!" His mom said, gulat na gulat. "Iha, what's your name?" Dagdag pa niya.

"Uhm Shai po" magalang kong sagot.

"Shai, I'm Gabrielle's mom. Is it okay to invite you in our house?" She said excitedly.

"Huh? Po? Uhm okay lang naman po kaso nakakahiya po"

"No no no, it's fine. Have you two ate dinner already?" She asked.

"Uhm opo"

"Please, punta ka dito sa bahay. Nasan na ba kayo?"

"Malapit na po kami sa South"

Tumingin ako kay brielle na mukhang problemado na problemado. Ningitian ko lang siya para iassure na okay lang ako.

"Iha, sa BF Homes kami. Tell him to go home" she said, halatang halata na natutuwa.

"Mom, I can hear you loud and clear" he said boringly.

Natawa ang kanyang mommy "whatever, get your ass here"

At binaba na ng mommy niya ang tawag. Tumingin sakin si brielle, tumawa ako dahil nakakatawa yung expression niya. Mukha siyang natatae dahil hindi mapakali.

"Punta raw tayo sa inyo"

Napabuntong hininga siya and he faced palm "Really shai, I'm really sorry. I didn't know she wants me to get home tonight" he faced palm again "nadamay ka pa tuloy"

Tumawa ulit ako "marami bang pagkain don?"

Napakunot siya ng noo pero unti-unti ring nawala 'yon at napalitan ng ngiti, kitang-kita ko tuloy dimples niya.

The halfway and in betweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon