It's been a month since the incident na nangyari sa bahay nila Brielle. Hinatid niya lang ako kinabukasan sa school at pinahiram ako ng ate niya ng white shoes para sa uniform ko. After that, hindi na kami nagkita. We both became busy because of school works and internship niya, sumabay pa na parehas kaming may finals.
Napaamin na nga rin ako kay Ren na namimiss ko si Brielle eh, at si gaga ayon sinasabihan na ako na baka naman daw in love na 'ko kay Brielle. Namiss lang in love na agad? OA talaga 'yon. We still communicate pa rin naman ni Brielle pero hindi na talaga kami nagkita.
Ginawa ko ring busy yung sarili ko para hindi ko siya mamiss masyado, mas iniisip ko kasi kung kumusta na ba siya or kung stressful ba talaga internship niya dahil hindi ko siya nakikita and seriously I missed him this much. Siya lang rin naman kasi ang closest guy friend ko, pano sa kanya lang ako comfortable makipag-usap at makipagtarayan.
Sa loob ng isang araw naka-tatlong beses na kami ni Ren magkita, lagi siyang nanghihingi ng update samin ni Brielle pero lagi siyang disappointed kapag sinasabi kong 'di pa kami nagkikita simula non.
But since tapos na ang finals namin ngayong week nagdecide kami ng mga kaklase ko na magbar ngayon. Gusto nila around Katipunan na sa kabilang ibayo pa namin. Jusko, south to north ang drama namin.
Umuwi muna ako sa dorm para makapagpalit tapos tsaka ko hinintay yung texts nila na handa na sila. Nang matanggap ko yung messages nila bumaba na 'ko dahil naghihintay sila sa baba.
Nag-dinner muna kami before kami pumunta sa Katipunan, wala rin naman ako masyadong alam sa mga bars and clubs kasi hindi naman talaga ako mahilig sa mga ganito. Pero since sobrang stressful ng sem na 'to, need ko rin naman talaga ng kaunting chills and relax.
Pagpasok namin sa isang bar rinig rinig ko yung pintig ng puso ko na sumasabay sa loud music, nagdecide kami na kumuha ng couch kasi marami-rami kami. Yung ibang mga kaklase ko dumiretso ng dancefloor at yung iba naman umorder ng mga alak at mga pulutan.
Umupo ako sa may sulok, wala naman akong balak magpaka-loner ngayon pero ayoko rin umuwi ng lasing kasi baka mapano pa 'ko. Mas mabuti na ang nag-iingat kaysa naman may mangyaring masama sakin.
Mula sa kinauupuan ko kitang-kita ko sila Ivan na may kalandian na sa kabilang couch, yung iba naman gumagawa ng mga mixed drinks mula sa iba't-ibang alak. Nakita ko rin sila Matt na may kahalikan na sa sulok. Napailing na lang ako, iba rin talaga nagagawa ng stress sa amin, I am not judging my classmates, that's their way of coping so who am I to judge.
Umiinom lang ako ng pakonti-konti habang nagmamasid. Mabuti na lang ang mga kaklase ko hindi mga namimilit at siguro naisip rin nila na kailangan may isa or dalawang sober up samin in case na may mga malalasing na for sure naman ay mayroon.
Napapangiti ako sa mga kaklase kong gumagawa ng mga dares ngayon at napapailing din tuwing nakikita ko ang mga kapalpakan nila. Parang si Alysa kanina na nagconfess sa isang lalaki na gusto niyang makipag-5 seconds walang malisya pero tinurn down siya nung lalaki at sinabing bakla daw siya. Mangiyak-ngiyak si Alysa. Nakakatawa.
Hindi ko na alam kung pang-ilang shots ko na 'tong iniinom ko, hindi ko na rin kasi namalayan yung oras at yung mga nasa lamesa namin dahil masyado akong naging occupied sa kakapanood ng mga tao.
Tumayo ako at nagpaalam sa katabi ko sa couch na si Bria na iihi lang ako. Tumango naman siya sakin at sinabing babantayan niya yung gamit ko. Dumiretso ako sa restroom at umihi, marami na rin siguro akong nainom dahil medyo ramdam ko ang hilo kanina pero nawala rin nang umihi ako. Naghuhugas ako ng kamay habang nakatingin sa salamin sa harap ko nang halos mapasigaw ako sa nakita ko. Two people, making out. Ghad these people. Buti hindi nila ako napansin.
Lumabas agad ako, sa kakamadali ko ay nabangga ako ng isang tao.
"I'm sorry" mahinang sabi ko, hindi ko rin sure kung narinig ba niya ako dahil sa lakas ng music.
Hinawakan ng nakabangga ko yung balikat ko kaya napatingin ako sa kanya. Isang moreno na lalaki, around 5'11, mas matangkad siya kay Brielle, makapal ang mga kilay at may mahahabang mga pilik-mata. Ngumiti siya sakin
Lumapit siya kaya medyo napaatras ako, mas lalong lumaki ang mga ngiti niya, unlike kay Brielle wala siyang dimples pero maganda pa rin ngumiti. Tinaas niya ang dalawa niyang kamay na tila bang sign of pagsuko.
Dumiretso ako sa couch namin at iniwan ko yung gwapong lalaki na malapit sa rest room, nilagok ko agad yung natitira kong alak sa baso kanina at nagsalin ulit ng panibago.
Sa couch namin ay apat na lang kami nila Bria, maluwag na maluwag ang couch namin dahil pang-waluhan 'to or pang-sampuan. Sinandal ko yung ulo ko sa sandalan ng couch, gusto ko biglang malasing pero ayoko nga malasing dahil baka may mangyari sakin ng masama. Ang gulo ko talaga.
Uminom ako ulit nang uminom hanggang sa nahagip ng mata ko yung lalaki kanina sa may CR. Yung gwapo. Nasa may bar stool siya ngayon at nakatalikod sa bartender kaya nakarap siya sa mga tao at tumitingin-tingin sa paligid niya.
Halos masuka ako nang magtama ang mga mata namin, he smirked. Ininom ko yung natitirang beer ni Bria at inofferan pa ko ni Bria ng panibagong beer na hindi ko naman tinanggihan. Shit, this is not exactly what I want.
I don't know why this guy is making me nervous and seriously, I am not liking it. Damn it.
Hindi ko na ulit tinignan yung lalaki kanina, kinausap ko na lang ulit si Bria about sa final exams namin pero I doubt kung nagkakaintindihan kami sa lakas ng music dito.
Napasulyap ulit ako sa bar stool at wala na yung lalaki doon. Gusto ko sampalin yung sarili ko dahil iginala ko yung mga mata ako at nasatisfy ang mga ito ng makita siya. He's smiling while he's talking to another guy. The guy he is talking punch him jokingly then he laughs. Sa pangalawang pagkakataon, our eyes met. Ngumiti siya ulit, mas malaki na ito ngayon kaysa kanina.
Binalingan niya yung kausap niyang lalaki at tinap ang balikat nito. Naglakad siya papunta sa direksyon ko, muntik na ko magpanic pero inayos ko yung composure ko baka naman dahil nag-aassume lang ako.
Mas nagpanic ako at tingin ko halata na ito sa mukha ko dahil malaki ang ngiti ng lalaki nang makalapit siya sakin. Umupo siya sa tabi ko at tinignan ako.
Napainom ako ng beer at nilagok ko lahat 'yon. Tumawa siya na tila parang nakakatawa, kahit hindi ko marinig yung tawa niya, nainis pa rin ako.
Naiinis ako sa sarili ko kasi bakit ganito effect ng lalaking 'to sakin eh hindi naman talaga ako yung tipo ng babae na mahilig masyado sa gwapo. Doon tayo sa may substance no!
Lumapit siya sakin at aakmang may ibubulong, hindi ako gumalaw.
"Relax, it's just a beer. It takes time for you to be drunk"
His deep voice is very clear to my ears. Ghad, sino ba 'tong lalaki na 'to?
![](https://img.wattpad.com/cover/199819957-288-k656280.jpg)
BINABASA MO ANG
The halfway and in between
Художественная прозаHow can a two close people became distant? Is it because of unsaid feelings or is it because they never tried knowing it?