Tahimik lang si Ren na nagmamasid, alam ko naman na napakaraming tanong niya. Si Brielle kasi ang nagluluto ng meats namin tapos kitang-kita ko yung mata ni Ren kapag nilalagyan ni Brielle ng meat yung plato ko, akala naman niya di siya nilalagyan. Di naman inaapi.
"So brielle..." panimula pa niya. Napatingin sa kanya si brielle na busy-ng busy magluto ng meat samantalangang si Ren ay sumusubo ng fishcake. "Are you still studying?"
Ngumiti si brielle "yes, med school"
Nanlaki yung mata ni Ren sabay napatingin sakin na parang nang-aasar.
"Hmm so anong year mo na sa med school, and where?" Tanong niya pa, nakarest yung dalawang braso sa lamesa.
"Ah 2nd, sa UP Manila" sagot ni brielle at saka binalingan yung nilulutong beef bulgogi.
Sabay kami napatingin sa beef bulgogi, nag-iisip si Ren ng mga itatanong niya habang nakatingin sa kimchi niya at saka siya kumuha ng kimchi at isinubo, samantalang ako sinasamaan ko siya ng tingin para naman maging aware siya sa mga tanong niya.
"Pano kayo nagkakilala nitong si Shai?" Tanong niya pa. Naluto na yung beef bulgogi kaya nilagyan ni brielle yung plato ko non tapos isinunod niya yung plato ni Ren. Napatingin kami ni Ren sa isa't-isa pero yung tingin nitong isang 'to nang-aasar.
"Ah, her classmate contacted me about their interview sa mga med students, apparently her classmate is my classmate's sister so ayon, shai was always the one who contacted me about the details" he calmly said.
Sumubo si Ren ng kanin na may beef bulgogi sabay inom ng tubig. Hindi ako makakain sa nangyayari kasi alam ko tabas ng bibig nitong babaeng 'to. Itatanong niya lahat ng gusto niyang itanong, without thinking.
"Bakit mo ba siya kasi pinagtatatanong?" Naiinis kong sabi.
Her lips parted because of shock at napailing. "I'm just really curious, you're not the type of girl who can easily be friend with a guy... no with anyone"
"Bawal na ba 'ko maging friendly ngayon?" I asked.
"Hindi naman pero since nandito naman na ko might as well kilalanin ko na ang new found friend mo" she calmly said.
Sumubo ako ng fishcake. "Have you asked him if it's okay with him?" I asked.
Bigla siyang napatingin kay brielle na tahimik lang na nakikinig sa aming dalawa
"Omg, was it fine to you?" She asked.
Tumango si brielle "I don't mind"
Tumikhim si Ren "so brielle, kumusta naman ang med school?"
Kinuwento ni Brielle lahat ng experiences niya which was nakwento na niya sa akin, it was like they were catching up at hindi kami ni Ren. Nakakaasar. Kinuwento rin ni Brielle kung bakit niya gustong magdoctor at kung anong balak niyang major, sabi niya pinag-iisipan niya kung mag-pedia siya or maging surgeon.
Nakinig lang naman si Ren, nagkwento rin ang gaga kung paano niya 'ko naging kaibigan at kung gaano ako kahirap maging kaibigan na sinang-ayunan naman ni brielle. Mga walang-hiya.
Ganon umikot ang samgyupsal dinner namin, busog na kami ni Ren pero si brielle hindi pa. Hindi rin siya masyadong nakakain kanina kasi dinaldal siya nang dinaldal ni Ren.
"Brielle, may tanong pa 'ko" sabi ni Ren pagkatapos niya uminom ng tubig.
"Shoot it" he said.
Napangiti si Ren sabay baling sakin and mouthed "he's cool" napailing na lang ako sa kanya.
"So brielle, do you have a girlfriend?"
"Ren!" Pasigaw kong tawag sa kanya ng may pagbanta.
"What?" She innocently asked.
BINABASA MO ANG
The halfway and in between
General FictionHow can a two close people became distant? Is it because of unsaid feelings or is it because they never tried knowing it?