Stuck up

3 0 0
                                    

Ano raw sabi ng daddy niya? He wants me to be with his son? Wow grabe unexpected.

For six months I've known Brielle, ngayon lang ako sobrang nahiya sa kanya ng sobra. Sobrang tahimik tuloy namin sa dining tapos yung mommy niya tumatawa-tawa. Pasalamat sila masarap yung pizza na pinakain sakin.

Naghahanda na 'ko umuwi ngayon, nasa living room nila ako at hinihintay ko si Brielle dahil naghalf-bath siya. Kachat ko si Ren sa messenger, tinatanong niya lang if nakauwi na 'ko nang sinabi ko hindi pa at nasa bahay ako nila Brielle ngayon tapos ang gaga halos mapudpod ang keyboard niya sa kakaflood sakin ng emoji na puso.

"Shai" napatingin ako sa tumawag sakin, mommy ni Brielle.

"Bakit po?"

Umupo ang mommy ni Brielle sa tabi 'ko. Ang ganda talaga niya. "May pasok ka ba bukas?"

"Meron po" nakatingin lang ako sa kanya, still amazed how she became this beautiful even though she has a daughter and a son.

"What time?" She asked.

"3 pm po"

Ngumiti siya sakin "you see, you can sleep here"

Nagulat ako at todo iling "nako, okay lang po talaga. Nakakahiya naman po"

"It's fine, we have so many guest rooms here" nakangiti niya pang sabi sakin.

"Wag na po talaga, okay lang naman po sakin umuwi ngayon"

"Sige na, shai. You see, Gab will go straight to his condo once na ihatid ka niya. I never agreed to him when he first told me he wanted to live alone. He's my bunso" malungkot na sabi ng mommy niya.

Napabuntong-hininga ako. Paano ba 'ko hihindi sa mommy ni Brielle na pagkarating ko pa lang dito kanina ay never ako pinakitaan ng masama.

"Sige po. Pero uuwi rin po ako bukas ha?"

Her face lightens up "ofcourse. Thank you, iha. Sabihan ko na lang si Manang Nilda na ihatid ka sa guest room malapit sa kwarto ni Gab"

Tumango ako sa kanya at ngumiti. Ningitian rin ako ng mommy niya saka niya ako iniwan sa living room.

Shucks! Wala namang masama kung makikitulog ako dito ng isang gabi? I mean. I love their house! The interior and everything, it doesn't look like a house na mayaman nga pero malungkot, the vibes of their house is very home-y. Parang si Brielle, charoth.

Inihatid ko ni Manang Nilda sa guest room na malapit sa kwarto ni Brielle, actually katabi lang ng kwarto ni Brielle. Katukin ko kaya siya? Kaso baka nagbibihis. Wag na nga!

Naghalf-bath lang rin ako at sinuot ko yung complete set ng pantulog ng ate ni Brielle tapos may undies naman ako sa bag dahil diba nga kinuha ko yung ibang damit ko kay Ren.

Iniisip ko talaga kung papasok na ba ko bukas ng nakauniform or magcivilian muna ako at dumiretso sa dorm para magbihis. Pero may uniform naman ako dito dahil kinuha nga ni Ren yung pinagawa kong uniform sa Recto. Wala nga lang akong sapatos pamasok.

Lumabas ako ng kwarto at saktong lumabas rin ng kwarto niya si Brielle.

"Katatapos mo lang?" Napakatagal naman nito.

"Nope, kanina pa 'ko tapos nagcharge lang ako saglit para di ako malowbat on the way paghinatid..." tumingin siya sa kabuuan ko "what are you wearing?" He asked.

Naka-khaki shorts na black si Brielle at blue shirt, ready umalis. "Eh kasi sabi ni mommy mo dito muna ako matulog."

"At pumayag ka naman?" Nakataas niyang kilay na tanong. Sungit!

The halfway and in betweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon