Chapter 10

444 13 2
                                    

Pagkatapos ko mag-jogging bumalik na ako sa dorm. Grabe kapagod ang training ko ngayon lalo na malapit na ang national's competition. Double effort I need para ma-maintain ang condition ko.

Pumasok ako sa kwarto at wala pala si walking disaster yeah yan ang tawag ko sakanya. Talagang lalaking yun ang lapitin ng disgrasya.

"Haaaay kapagod" napahiga ako sa kama at napapikit.

Bumalik sa alala ko yung araw ng iniwan ako ng babaeng pinakamamahal ko. Ang babaeng pinahahalagahan ko. Ang kaisa isang babae sa puso ko.

Ang mama ko.

"Mama!!!! Mama !!! Wag mo akong iiwan!! huhuhuhu " iyak ng batang Andrei. Naalala ko yung oras na umiiyak ako sa tapat ng gate namin dahil aalis ang mama ko.

Pilit kong hinihila pabalik si mama sa loob ng bahay pero ayaw niya. Hindi ko maintindihan kung bakit siya aalis at saan siya pupunta.

"Mama wag mo akong iwan dito. huhuhuhu mama wag po" lumuhod si mama sa harapan ko at umiiyak.

"anak saglit lang aalis si mama. Babalik din ako dito at isasama kita. Pangako ko yan anak sayo. Mahal na mahal kita" umiiyak si Mama habang pinupunasan ang luha ko.

"Cecilia makakaalis ka na" utos ni Papa at tumayo si Mama habang hinila ang maleta niya.

Lumakad si Mama palayo samin.

"MAMA !! WAG MO AKONG IWAN" tatakbo sana ako palapit kay mama pero pinigilan ako ni papa.

"MAMA HINDI MO NA BA KAMI MAHAL ? HINDI MO NA BA AKO MAHAL ? PROMISE I WILL BE A GOOD BOY MAMA!" napatigil siya at humarap sakin.

"Mahal kita anak. Pangako babalik ako" Tumalikod si mama at sumakay sa isang taxi. Iniwan ako ng mama ko. Pero may pangako naman siya sakin babalikan niya ako at yung ang panghahawakan ko.

Hindi ko maintindihan ang mga pangyayari nun. Para sa isang anim na taong gulang na bata ano ba ang maiintindihan niya?

Lumipas ang 14 na taon walang Cecilia Montemayor na bumalik. Ni anino o balita wala akong alam sakanya. Nabaon sa limot ang mga alaala ko sakanya. Imbes na luha puno ng galit ang puso ko ngayon. Imbot at pagkakamunhi ang nararamdaman ko.

Ilang beses kong tinangka tanungin si papa tungkol sa kanya ngunit siya rin wala ding kasagutan. Namuhay kaming dalawa sa loob ng 14 na taon. Ang papa ko ang nagsilbing nanay at tatay ko.

Hanggang ngayon isang misteryo para sa aking pagkatao kung ano ang dahilan ng mama ko sa pag-iwan niya samin. Sa akin. Kaya natuto ako tumayo mag-isa at kahit kailan hindi nangailangan ng tulong sa ibang tao

Minulat ko ang mata ko at naramdam ko na lang may luha na pumatak sa aking mukha. Hindi dapat ganito ang nararamdaman ko. Umupo ako at naghanap ng panyo sa drawer ko.

Napansin ko na lang ang 3 mogu mogu at note. Galing kay walking disaster. Ou nga pala inutusan siya ko siya bumili kanina.

'Captain. 3 mogu-mogu with different flavors. Hindi ko naman alam ang taste mo. Galingan mo sa mga trainings mo. FIGHTING ! Jump high !'

"psssh gawain ba ito ng lalaki?" napangisi ako. Dahil sa katagalan kanina ni walking disaster pinuntahan ko siya. As I expected ganun na nga ang situation niya. Muka siyang napahiya kaya lalapitan ko sana siya pero naunahan ako ni Collins.

Don't get me wrong. Pinuntahan ko siya dahil sa nauuhaw ako eh sa may lahing pagong pala yun ang tagal niya.

Sabay na kaming kumain ni Collins ng breakfast sa Cafe. Turn off dahil he's pigging out the foods.

"Ikaw Collins ang daya daya mo. 120 lang ang utang ko sayo pero pinagbayad mo ako ng 250 para sa breakfast mo" he ordered 2 plates of carbonara, bacon in toasted garlic french bread, 3 pieces of hotdogs, four season cool shake and mixed fruit for the dessert.

This Guy is Inlove with you PARETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon